Coco Martin opens up about relationship with Julia Montes

Posted by

Coco on Julia: “Hindi ako maligaya pag hindi kami magkasama.”

Coco Martin and Julia Montes vacation in Spain

Coco Martin on Julia Montes: “Masaya kasi yung mga pangarap namin sa buhay dahil dahan-dahan, paunti-unti, nakakamit namin na magkasama kami at nagtutulungan. Iba yung pakiramdam na alam mo na meron kang partner na alam mong sinusuportahan, inaalagaan ka.”
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram



Sa isang bihirang pagkakataon, idinetalye ni Coco Martin, 43, kung gaano kalalim ang relasyon nila ni Julia Montes, 29.

Itinuturing daw ni Coco si Julia na “partner” o katuwang sa lahat ng aspeto sa kanyang buhay.

Sabi ni Coco: “Almost every night at sa umaga pagkagising ko, pag may naiisip ako na idea, sasabihin ko sa kanya, magkakape kami, magkukuwento ako sa kanya.

“Minsan, pag gabi, talagang dadaldalin ko yan… Pag may pictorial, ipapakita ko kagaad sa kanya, ipagyayabang ko…

“Talagang all details kinukuwento ko sa kanya.

“Masarap na sini-share mo sa partner mo kung anong nangyayari sa buhay mo.”

Sabi pa ni Coco, “hindi man kami every day magkasama,” gusto niya ay nakukuwento lahat kay Julia.

Base ito sa recent joint interview nina Coco at Julia na na-capture ng kanilang fans sa TikTok account na @thecocojularchive noong December 22, 2024.

Tugma ang damit na suot ng couple sa excerpt ng interbyu nila na na-upload sa TikTok account ni Coco noong December 11, 2024.

Makikita roon ang promo nila ng dishwashing liquid brand na bagong negosyo ni Coco, at iiniendorso nilang pareho ni Julia.

Pero liban sa promo, may nakalap ang fans na iba pang bahagi ng interbyu kunsaan nagsalita si Coco ng nararamdaman para kay Julia at kung paanong sabay silang inaabot ang kanilang mga pangarap.

Sabi ni Coco patungkol sa aktres: “Sa buhay, kailangan ang hinahanap mo, partner sa lahat ng ginagawa.

“At kung meron akong pupuntahan, parang feeling ko hindi ako maligaya pag hindi kami magkasama.

“Para bang may nami-miss aka gawin na sana kasama ko si Julia. Kung nandito ako [sa ibang lugar], ‘Sana magkasama kami, sana nakikita niya rin to.’

“Which is hindi madali. Matagal na proseso.”

Sa puntong ito, tinukoy ni Coco na mas nagkakaroon sila ng oras ni Julia para sa isa’t isa kahit na dire-diretso pa rin ang taping ng aktor sa kanyang long-running series sa ABS-CBN, ang FPJ’s Batang Quiapo.

“Pero ngayon, dahan-dahan nagagawa na namin pag nag-out of the country kami or out of town,” ani Coco.

Taong 2021 nang mag-viral ang bakasyon nila sa Boracay.

Noong June 2024 ay nagbakasyon naman sila sa Spain.

Coco Martin and Julia Montes vacation in Spain

Photo/s: @cocomartin_ph Instagram

Kung noon ay hindi sila basta nagpu-post ng kanilang private moments, iyong mga litrato nila sa kanilang bakasyon sa Spain ay ipinost nila sa kani-kanilang official Instagram accounts.

Magka-holding hands pa sila sa mga litrato.

Waring nasa punto si Coco ng kanyang buhay na handa na siyang magbahagi ng magandang samahan nila ni Julia.

Patuloy ni Coco, “Masaya kasi yung mga pangarap namin sa buhay dahil dahan-dahan, paunti-unti, nakakamit namin na magkasama kami at nagtutulungan.

“Iba yung pakiramdam na alam mo na meron kang partner na alam mong sinusuportahan, inaalagaan ka,” nakangiting lahad pa ni Coco.

JULIA CONSIDERS COCO HER “BEST FRIEND”

Kinumpirma ni Julia na malaking impluwensiya si Coco sa buhay niya, at todo raw ang suporta nito sa bawat ginagawa niya.

“Totoo yung ang sarap sa pakiramdam makahanap ng best friend mo. Meron ka kasama. May mahihingahan ka. May makakausap ka. Iyon siya sa akin.

“Ang suwerte ko lang na siya ang best friend ko.”

Ayon pa kay Julia, “well-guided” siya pagdating sa trabaho dahil inaalalayan siya ni Coco.

Bukod sa kanilang 14-year age gap, mas maraming exposure sa pag-arte si Coco kay Julia kahit na pareho silang early 2000s nang sumabak sa show business.

Hanggang sa nagkatambal sila sa Walang Hanggan, ang hit primetime series ng ABS-CBN na umere noong 2012.

Doon nagsimula ang pagiging malapit nilang magkaibigan off cam.

Sabi ni Julia, “Hindi na ako nahirapan harapin lahat ng struggles or humps sa buhay kasi meron ngang nagga-guide sa akin.

“Kasi ang dami na niyang pinagdaanan. Nai-impart niya yung learnings niya na huwag ko na pagdaanan. Ang sarap ng ganun.”

Sang-ayon ni Coco: “Ako yung naging tatay, kuya, kaibigan, best friend niya…

“Ang ikinaganda kay Juls, pati sa pagsasamahan namin, nakikinig siya sa akin.

“And then, ako rin naman sa kanya. Pag siya nag-a-advice sa akin kung anong nakikita niya, give and take.

“Ang ikinaganda sa aming dalawa, walang competition. Talagang kung anong maitutulong namin sa isa’t isa, ano yung maa-advice namin.”

COCO ON JULIA: “AKO NA BAHALA SA YO”

Sinabi rin ni Coco na proud siya kay Julia dahil kahit hindi ito abala sa teleserye ay abala ito sa pag-improve ng sarili.

Ibinigay niyang halimbawa ang pag-aaral ni Julia ng culinary — bagay na malapit sa puso ni Coco, na lumaki sa kanyang lola na hilig ang pagluluto.

“May mga pagkakataon pag si Juls walang teleserye, walang pelikula na ginagawa, pinag-aaral ko siya,” ani Coco.

Sabay sabi ng aktor, “Ang pangarap ko sa kanya maka-graduate pa rin siya ng college. Dahan-dahan lang.”

Kaya raw suportahan ni Coco si Julia, habang tinutupad ng aktres ang mga pangarap nito.

“Ako na bahala sa pagtatrabaho. Basta gusto ko, siya matupad niya yung dreams niya. Gusto ko lahat ng pinagtatrabahuan niya, lahat ng kinikita niya, gusto ko sa kanya.

“Gusto ko mabigay mo yung pangarap ng lola mo, ng pamilya mo para sa kanila.

“Kasi ako, kaya ko na sarili ko.”

Diin pa ni Coco kay Julia, “Ako na bahala sa yo. Arbor na kita. Bilang lalaki, ako yun. Responsibilidad ko yun.”

ON THEIR FAMILIES

Masaya raw si Coco na makitang masaya si Julia.

Hindi raw niya malilimutan nang unang beses makilala ni Julia ang ama nito noong 2016.

Ayon sa aktor, “Twenty-one years old na siya noon nagkita sila. Ang ganda ng journey niya na nabuo niya yung family niya.

“Nakakatuwa, kasi minsan, hindi mo man hinahanap, di mo minamadali, pero darating sa buhay mo ang mga pagkakataong di mo inaasahan na pinapangarap mo lang.”

Ipinunto ni Coco na siya man ay malaki ang pagpapahalaga sa pamilya.

“Ako, di naman buo yung family ko. Hindi magkakasama nanay at tatay ko, pero as a family buo kami.

“Kahit simple lang. Basta importante buo at maayos ang lahat.”

Hindi kaila sa publiko na matagal nang tampulan ng espekulasyon ang relasyon nina Coco at Julia.

Noong May 2023, tila napaamin si Coco tungkol sa estado ng relasyon nila ni Julia sa panayam ni MJ Felipe ng TV Patrol.

Nang tanungin ni MJ kung 2011 ang anniversary nila, sagot ni Coco, “Ang galing mo, a!”

Ilang beses na ring naiulat ang pagtatagni-tagni ng netizens sa tuwing napapansin nilang may suot si Julia na tingin nila ay engagement ring.

Sa Fast Talk With Boy Abunda noong November 2023, tinanong si Julia kung engaged na nga ba sila ni Coco o kung kasal na sila.

Ang tanging sagot ni Julia, “Let’s cross the bridge when get there. Puwede ba yun?”

Sa vlog ni Bernadette Sembrano noong October 2023, ibinahagi ni Julia na answered prayer si Coco sa buhay niya.

Ipinaliwanag ni Julia na sadyang mahalaga sa kanila ni Coco a

News

CONFIRMED: KATHRYN BERNARDO BILANG MARIMAR AT ALDEN RICHARDS BILANG SERGIO, MAPAPANOOD NA SA GMA7! Posted by – January 29, 2025 CONFIRMED: KATHRYN BERNARDO BILANG MARIMAR AT ALDEN RICHARDS BILANG SERGIO, MAPAPANOOD NA SA GMA7! Pause 00:00 00:34 01:31 Mute Isang malaking proyekto ang kinumpirma ng GMA7 na nagbigay kasiyahan at labis na excitement sa mga fans ng dalawang pinakasikat na bituin sa industriya ng showbiz—si Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ang dalawang Kapuso at Kapamilya stars ay magsasama sa isang iconic na remake ng “Marimar,” isang serye na muling magbibigay buhay sa mga kilig, drama, at pag-ibig sa telebisyon. Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo Kathryn Bernardo Bilang Marimar: Isang Hamon at Inspirasyon Matapos ang mga tagumpay sa kanyang mga nakaraang proyekto, si Kathryn Bernardo ang napili upang gumanap bilang Marimar, ang pangunahing karakter sa klasikong serye. Kilala si Kathryn sa kanyang husay sa pagganap at lalim ng emosyon na kaya niyang iparating sa kanyang mga karakter, kaya’t inaasahan na bibigyan niya ng bagong dimensyon ang iconic na papel ni Marimar. Sa isang interview, ibinahagi ni Kathryn ang kanyang excitement at pananabik para sa proyekto. “Napaka-iconic ng karakter ni Marimar, kaya ito ay isang malaking hamon para sa akin. Pero handa akong magbigay ng lahat ng aking makakaya upang mapanatili ang essence ng karakter, at sabay na dalhin ito sa isang bagong henerasyon. I’m excited to work with Alden again and bring this beloved story to life,” ani ni Kathryn. Alden Richards Bilang Sergio: Pagpapakita ng Kakaibang Charm Samantala, si Alden Richards ang gaganap bilang Sergio, ang lalaking maghahatid ng kilig at drama sa buhay ni Marimar. Kilala si Alden sa kanyang natural na charm at husay sa drama, kaya’t tiyak na magbibigay siya ng malalim na interpretation sa papel ni Sergio. Ang kanyang karisma at kahusayan sa pagpapakita ng emosyon ay isang magandang hakbang upang maipakita ang pagsubok at tagumpay ng kanyang karakter sa kuwento ng “Marimar.” “Excited ako makatrabaho si Kathryn ulit sa proyektong ito. Ang ‘Marimar’ ay isang malaking bahagi ng ating kultura, kaya’t ito ang tamang pagkakataon na maipakita ang isang bagong perspektibo kay Sergio,” sabi ni Alden sa isang press conference. Bagong Flavor sa Klasikong Kuwento Ang remake ng “Marimar” ay naglalayong magbigay ng bagong flavor sa iconic na kuwento ng pag-ibig, paghihiganti, at tagumpay. Ayon sa GMA7, magdadala ang serye ng mga modernong elemento na tiyak ay magiging relatable sa kasalukuyang henerasyon, habang pinapanatili ang orihinal na essence ng istorya. Sa ilalim ng direksyon ng isang premyadong filmmaker, inaasahang magiging visually stunning at emotionally captivating ang seryeng ito. 🔴CONFIRMED! KATHRYN BERNARDO BILANG MARIMAR at ALDEN RICHARDS BILANG SERYO, MAPAPANOOD sa GMA7🔴 – YouTube Excitement ng mga Fans Tulad ng inaasahan, mabilis na nag-trend sa social media ang hashtags na #KathrynAsMarimar at #AldenAsSergio matapos i-anunsyo ang project. Marami ang nagbahagi ng kanilang kasiyahan at anticipation para sa proyekto. “Perfect silang dalawa! Hindi ko na mahintay na mapanood sila bilang Marimar at Sergio. Siguradong magiging hit ito!” pahayag ng isang fan. “Ang saya makita sina Alden at Kathryn na magkasama sa isang iconic na serye. Good job, GMA7, sa pagsasama ng dalawang pinakamalalaking pangalan sa industriya,” dagdag naman ng isa pang tagahanga. Behind-the-Scenes Preparations Ayon sa mga ulat, nagsasanay na sina Kathryn at Alden para sa kanilang mga karakter. Si Kathryn ay sumasailalim sa mga dance at acting workshops upang mas mailapit ang kanyang interpretasyon sa orihinal na Marimar, samantalang si Alden ay nagsasagawa ng character study upang mas mapalalim ang papel ni Sergio. Patuloy nilang ibinabahagi ang kanilang paghahanda sa social media, na nagpapakilig sa kanilang mga fans. Inaabangan ng Lahat Bagamat wala pang eksaktong petsa ng premiere, inaasahan ng GMA7 na ilulunsad ang “Marimar” ngayong taon. Ang serye ay nasa huling yugto na ng pre-production at malapit nang magsimula ang taping. Ang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Alden Richards bilang Marimar at Sergio ay tiyak na magdudulot ng kilig at inspirasyon sa lahat ng manonood. Tinutukan ng mga fans ang bawat hakbang ng mga bida at tiyak na magiging isang masaya at memorable na karanasan ang pagdating ng “Marimar” sa GMA7. Abangan ang napakagandang kwento ng pag-ibig at pag-asa mula sa mga pinakamalalaking bituin ng industriya!

CONFIRMED: KATHRYN BERNARDO BILANG MARIMAR AT ALDEN RICHARDS BILANG SERGIO, MAPAPANOOD NA SA GMA7! Isang malaking proyekto ang kinumpirma ng…

Daniel Padilla and the ‘Incognito’ team can’t hide their amazement as the series debut breaks records, leaving fans and critics stunned by its success.

Daniel Padilla, Other “Incognito” Actors Happy Over Successful Series Debut Here are the reactions of Daniel Padilla and other stars…

CONFIRMED! SARAH GERONIMO IS PREGNANT! EXPECTING A BABY BOY! MATTEO GUIDICELLI IS EXCITED FOR THEIR CHILD!

Matteo Guidicelli explains Sarah Geronimo’s “bump” Nope, his wife is not pregnant. Is Sarah Geronimo pregnant? Matteo Guidicelli does hope…

JUST IN! Rustom Padilla and His Son with Carmina Villaroel REUNITE for the First Time! EMOTIONAL Moments Unfold!

In a heartwarming and highly emotional encounter, Rustom Padilla has reunited with his son, the child he shares with actress…

BREAKING: Kathryn Bernardo Spotted at LAX to Meet Alden Richards? Sister’s Revelation Shocks Fans!

BREAKING: Kathryn Bernardo Spotted at LAX to Meet Alden Richards? Sister’s Revelation Shocks Fans! A new wave of speculation has…

Vice Ganda Pays P35,000 to Taxi Driver Who Transported Him From Sagada to Baguio

Vice Ganda Pays P35,000 to Taxi Driver Who Transported Him From Sagada to Baguio Taxi Driver, Nakatanggap ng P35,000 Mula…

End of content

No more pages to load

Next page