Dina Bonnevie recalls confronting bratty young actress: “Talagang… I gave her hell.”
Thirty-eight years na si Dina Bonnevie sa showbiz industry.
Inilunsad siya sa Regal movies na Temptation Island, Underage, at Katorse noong 1980.
Kaya naman maraming young stars ang nagtatanong sa kanya kung paano ba ang staying power, dahil maraming artista ang sumisikat pero hindi nagtatagal.
Tumikwas ang kilay ni Miss D.
Pahayag niya, “Iyon na nga ang sinasabi ko, para magtagal kayo sa industriya, number one, you have to love what you do.
“You have to really appreciate that gift, treasure it, keep it, and talagang ano… be professional.
“Kasi, kung hindi ka pa nga sikat, e, kung umasta ka, akala mo ikaw na yung reyna ng buong taping, teka lang…
“Minsan, nakakarinig ka ng, ‘Bakit yung damit ko, nya-nya-nya?’ Hindi nga kami naggaganyan…”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dina nitong Abril 18, Miyerkules, sa The Frazzled Cook, Sct. Gandia St., Quezon City.
May “nasampulan” nang nag-attitude na young star si Dina, pero hindi raw sa kinabibilangan niyang teleserye ngayon sa ABS-CBN, ang The Blood Sisters.
Pagbabalik-tanaw ng 57-year-old actress, “Talagang… I gave her hell.
“Talagang sinabihan ko siya, ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have you carved your name in stone in showbiz? Your call is at 9 o’clock and you come down from your van at 12 o’clock na naka-pajama? Really?’
“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi pa ipinapanganak ang mambabastos sa akin. If you want to continue taping this soap like this, do it yourself.’
“E, yung leading man ko dun, ganun din, ‘Yeah, tell her! Grabe na! Grabe na!’”
Pero tumanggi si Dina na pangalanan kung sino ang tinutukoy niya.
“Di ko na ine-name names pero talagang…”
Sikat ba?
“Ngayon, hindi,” marahang sagot niya.
“Sa tingin ko, hindi. Andiyan lang siya… She didn’t really like… make it like… big.
“E, kasi nga, attitude, e!
“Yung parang… grabe, huh, parang feeling mo, ikaw na ang reyna dito, ganun-ganun.
“Pero lahat kami, kasi, mga senior stars kami noon, talagang pinaghihintay niya kami lagi.
“Aalis siya pag lunch time, babalik siya, alas-tres na.
“Sabi ko, ‘Hello?’ Tapos, kami, hintay kami nang hintay.
“Hanggang sabi na ng leading man ko, ‘Tell her na, Miss D! Come on, you know! Let’s not allow her ganyan-ganyan.’ I’m so tired.
“Pagdating na pagdating niya, ang sabi niya sa akin, ‘Where are you going, Tita?’
“Sabi ko, ‘We’re going to leave. What did you think, we were born to wait for you? Excuse me, who do you think you are?’
“Sabi ko, ‘Are you somebody? Excuse me. You haven’t made a mark. Have you proven yourself at least in acting? You can’t even cry.’
“Isusumbong daw niya ako sa nanay niya.
“Sabi ko, ‘Sige, papuntahin mo dito. Magsu-showdown kami dito ng nanay mo.’
“Ayun, sa kagaganyan niya, naungusan pa siya ng isang supporting actress sa soap na ‘yon!”
DINA AS A MENTOR
Okey lang daw kay Dina na maging mentor sa mga baguhang artista.
Lahad niya, “For example, si Maja [Salvador] noon, when we did May Bukas Pa [2009], batang- bata pa si Maja noon, e.
“I think, Maja was only 15 or 16, hindi pa siya marunong umiyak.
“’Tapos, I taught her, paano ba iiyak, ganyan-ganyan. Just imagine yourself putting a pair of shoes on.
“And yung pangalan ng shoes na ‘yon, yung character mo.
“So, pag isinuot mo na yung shoes na ‘yon, ano’ng nararamdaman ng character mo at the moment, ganyan-ganyan.
“’Tapos, pag-cut, hubarin mo na uli yung shoes, ganyan-ganyan,”
Kuwento pa ng beteranang aktres, “And now naman, look at her, di ba?
“Kaya lang, yung mga di naman nag-a-ask [ng advice], dedma na lang.
“Sometimes nga, they don’t even give you respect.
“Parang… sabi nga ni Ogie Diaz, ‘Dapat siguro, may seminar sa mga millennial para makilala naman nila yung mga haligi ng industriya.’
“Haligi na ba ako? Parang hindi naman! Si Lolit Solis yun!” patungkol ni Dina sa talent manager na present din sa intimate chikahan.
Si Ogie, talent manager naman ni Liza Soberano, ay co-star ni Dina sa teleseryeng The Blood Sisters.
“Sabi niya [Ogie], ‘Dapat kasi, nagbibigay-galang sila!’
“But you know, you can’t blame them.
“E, siguro naman, ipinanganak sila, hindi na namin time.
“Like, I mean, our time was ‘80s and ‘90s, di ba? Yung iba, ipinanganak sila, late ano…”
DINA’S FOUR Gs
Napabuntung-hininga nang malalim si Dina, “Pero I think, after our first presscon for Blood Sisters, medyo nagseryoso yung mga bata.
“Kasi dati, naku, panay ang Facebook, panay ang text, phone nang phone. ‘Tapos, nagme-memorize ng dialogue kapag nagba-blocking na.
“E, sinabi ko yun sa presscon na you have to have the four Gs, di ba?
“First, you were given a Gift. You have to be thankful for the gift of acting.
“You have to be able to Give.
“Kasi, kahit magaling na artista, kung ang kaeksena niya, e, papocho-pocho lang, hindi ka rin makaka-give masyado. Kasi, walang give and take.
“And then, with the gift, you have to be Grateful for that.
“And by being grateful, di ba, you become responsible. You become professional.
“And then you have to give… and the last G was… your gift should be used to glorify God.
“So, parang nung sinabi ko yun, tapos may sinabi rin si Cherry Pie [Picache], mukhang nagseryoso yung mga bagets sa set na… nag-aaral na sila…
“Kasi, kapag sinasabi ko, ‘Alam mo na yung lines mo?!’ (tumango)
“E, minsan, di ba, magte-take na, ‘tapos biglang… magbabasa pa ng script.
“‘Ah, okey, sige… ngayon ka pa lang magme-memorize.’ Okey. Ganun ako.
“E, di siyempre, parang… ah?! Next time, pag on the floor na, go! Alam na kaagad ang dialogue.
“Dapat, pagdating sa set, rehearsal, drop script.
“Hindi yung pagdating doon, ‘Direk, Direk, ano nga yung line? Nya-nya-nya…’
“Ay, naku! Sarap basagan ng plato. Puyat na nga tayo, gaganyan ka pa? Hellooooo!”
Nasermunan ba niya ang young stars sa set?
“Wala namang ganun,” mabilis na tugon ni Dina.
“Siguro, first few tapings lang… After our presscon, nagulat kami ni Pie, ‘Bah, parang nag-ano yung mga bata,’ you know.
“Parang pag alam nilang next na sila, nag-uumayos na sila. Nagri-read ng script.
“Samantalang dati-dati, nagre-rehearse, hawak-hawak ang phone, nagti-text, nagba-browse, ganyan-ganyan.
“Gusto kong sabihin, ‘Can you please drop your phone? Mamaya na ‘yan.’
“Pero hindi na namin kinailangang sabihin. Parang the presscon already did that.
“‘Tapos, nagsermon din si Tita Tessie [Tomas], so… parang nag-behave naman yung mga bagets.
“And parang bigla kaming… respetado… ng buong barangay! Ha! Ha! Ha! After that.”
Kabilang sa younger stars na kasama sa cast ng The Blood Sisters sina Erich Gonzales, Enchong Dee, Ejay Falcon, at AJ Muhlach.
News
CONGRATS! KATHRYN and ALDEN, PRENUP-AGREEMENT IS NOW SIGNED for THEIR UPCOMING WEDDING
Kathryn and Alden Seal Their Prenuptial Agreement for Upcoming Wedding In a heartwarming development, Kathryn and Alden, the much-loved couple,…
JANINE GUTIERREZ, UMAMIN NA SA RELASYON NILA NI JERICHO ROSALES! ANO ANG KINAHANTUNGAN NG KANILANG PAG-IIBIG NA NAGSIMULA SA “LAVENDER FIELDS”?
Janine proud GF ni Jericho: Sobrang mapagmahal, super maalaga Janine Gutierrez at Jericho Rosales VERY open na si Janine Gutierrez sa…
Star Magic has released a statement regarding Kathryn Bernardo’s confession, Kathryn immediately rebranded…
Abs Cbn Star Magic Nagsalita Na, Kathryn Bernardo Magkakaroon Ng Rebranding Nagbigay na ng pahayag ang Star Magic hinggil sa…
HOT: Gretchen Barretto warmly accused her ex-husband: “Hiwalay ako kay Toni Boy, ayaw niyang gawin ko ito…”
Gretchen Barretto Muling Na Iissue Na Hiwalay Na Sila Ng Kaniyang Billionaire Partner Na Si Toni Boy Kamakailan ay naging…
KIM CHIU AND PAULO AVELINO: NEW KOREAN-INSPIRED MOVIE IS ABOUT TO BE RELEASED THAT MAKES FANS “UNSTABLE”
KIM CHIU AND PAULO AVELINO: NEW KOREAN-INSPIRED MOVIE IS ABOUT TO BE RELEASED THAT MAKES FANS “UNSTABLE” According to Cory…
Janine Gutierrez Reacts to Grandma Nora Aunor’s National Artist Award—Her Emotional Tribute Will Melt Your Heart!
Janine Gutierrez Reacts to Grandma Nora Aunor’s National Artist Award—Her Emotional Tribute Will Melt Your Heart! The entertainment world celebrated…
End of content
No more pages to load