OMG! Claudine Barretto BLAMES John Estrada for circulation of controversial photos ‘Are you a REAL man’
Claudine Barretto blames John Estrada for circulation of controversial photos

“I really pray I don’t bump into John soon or in the near future. Ewan ko na lang kung ano ang magawa ko!” says a fuming Claudine Barretto about John Estrada, whom she blames for the circulation of the controversial photos of her sister Gretchen and the actor.
Galit na galit si Claudine Barretto nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkalat ng kontrobersiyal na larawan kung saan magkalapat ang mga labi ng ate niyang si Gretchen Barretto at si John Estrada.
Ayon kay Claudine, responsibilidad daw ni John ang ingatan ang ganito ka-sensitibong litrato, lalo pa’t cell phone ng aktor ang ginamit sa pagkuha ng mga nasabing larawan.
“Telepono na niya ‘yon, e. I don’t understand the point kung bakit may mga lalaki na dapat magtago ng mga pictures na ganyan. Kung talagang gusto niyang itago ‘yon at wala siyang planong i-erase ‘yong ganyang pictures, sana ipa-blow up na lang niya at inilagay sa picture frame! Kasi aanhin niya ‘yon, ipagyayabang ba niya?” Nagpupuyos sa galit si Claudine.
Apektado si Claudine dahil babae ang kapatid niya. Ang ipinanggigigil daw niya ay kung bakit tila si Gretchen lang ang apektado sa isyung ito.
“Buti sana kung lahat apektado. Si Gretchen ang nasa harap, e, siya ‘yong dyina-judge. It’s always ang babae naman, siya ang victim dito. Hindi ko sinasabing tama kung ano man ‘yong ginawa nila na lumabas sa pictures. Mas mali ‘yong intensiyon na itinago mo tapos lumabas,” himutok ni Claudine, na nasa last-term na ng kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng asawa niyang si Raymart Santiago.
Nag-sorry na si John Estrada kay Gretchen at sa mga mahal nito sa buhay noong Lunes, June 11, sa pamamagitan ng isang press statement. Ano ang masasabi ni Claudine dito?
“Dapat naman, e, di ba?” aniya. “Hindi ba dapat siya [mag-sorry] after everything? Kaya lang, dapat first day pa lang, lumabas na siya, nagsalita na siya. Pero hindi siya mahanap.”
Nalulungkot daw si Claudine para sa mga apektado ng isyung ito, lalo na ang mga mahal niya sa buhay.
“It’s no joke! Nasa Internet ‘yan, e. Nag-i-Internet na ‘yong pamangkin ko, di ba?” pagtukoy niya sa anak ni Greta kay Tonyboy Cojuangco na si Dominique.
“Ang huling balita ko sa Ate ko,” patuloy niya, “hindi siya nakakatulog at hindi rin siya nakakakain. Sobra siyang upset sa mga nangyayari. Last Friday [June 8] ko siya nakausap at siya ang nagsabi sa akin tungkol sa isyu. Hindi niya pinapahalata, pero alam ko ang nararamdaman niya. Ayaw niya lang akong maapektuhan dahil pregnant ako.
“I really pray I don’t bump into John soon or in the near future. Ewan ko na lang kung ano ang magawa ko!” ang sabi ni Claudine nang hingan namin ng mensahe para kay John.
Matatandaang nito lamang taon nagkabati sina Claudine at Gretchen pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikibuan. Ngayong ayos na ang lahat sa pagitan nila, ipinapakita lamang ni Claudine ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang kapatid.
Samantala, hindi pa rin daw alam ni Claudine ang tungkol sa annulment case na isinampa ng isa pa niyang kapatid na si Marjorie Barretto para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Dennis Padilla.
“Ewan ko, di ko alam ang mga nangyayari sa mga kapatid ko… Hay, naku!” patawang sinabi ni Claudine.
“Whatever happens, he’s [Dennis] going to be part of our family. We love him. We’re still praying na maayos lang lahat,” pagtatapos ni Claudine.
News
Nora Aunor Was Honored As National Artist! But Her Ex-Husband Christopher, Children Ian, Matet Had Shocking Reactions When Seeing Her Accept The Award!
Our queen’: Ex-husband Christopher, son Ian, daughter Matet on Nora being named National Artist For the children of Nora Aunor,…
NAKAKAGULANG NA REBELASYON: INIHAYAG NI JUDY ANN SANTOS ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA BIYOLOHIKAL NA MAGULANG NI YOHAN
NAKAKAGULANG NA REBELASYON: INIHAYAG NI JUDY ANN SANTOS ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA BIYOLOHIKAL NA MAGULANG NI YOHAN Isang nakakamanghang balita…
Julia Montes shares why she and Coco Martin are perfect match in the kitchen
DI MO AKALAIN Mag-asawa nasi Coco Martin at Julia Montes Tandem Pala sa Pagluluto sa Kusina ❤️ Julia Montes may…
The shocking secret behind Julia Montes and Coco Martin’s scandal is out! Fans are going wild over their lavish mansion, fueling rumors and raising even more questions about their relationship!
REVEAL THE SECRET BEHIND Julia Montes and Coco Martin’s SCANDAL, Fans are talking about their mansion-like house! Julia Montes and…
GUILTY UNTIL PROVEN INNOCENT: Fans, nagulat nang ibunyag ni Nora Aunor ang mga taong diumano’y sumira sa kanyang buhay – ang mga pangalan ay magugulat ka!
Nora Aunor lost golden voice due to vocal cord surgery The golden voice that earned Nora Aunor the “superstar” tag…
HOT: Christopher de Leon Admits Ex-Wife Nora Aunor Still “Stimulates” Him
HOT: Christopher de Leon Admits Ex-Wife Nora Aunor Still “Stimulates” Him In a recent interview that has sent shockwaves through…
End of content
No more pages to load