Lalong lumaki ang isyu sa pagitan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda at dalawang guest/contestant sa segment ng It’s Showtime na Expecially For You na sina Christine at Axel.
Matapos ang paglalabas ng official statement ng It’s Showtime Family sa pangunguna ni Vice Ganda kung saan binawi niya ang kanyang naging tweet kung saam humingi siya ng paumanhin kay Axel sa mga masasakit na salitang binitawan niya laban rito matapos ang insidenteng pagtatangka niyang magnakaw ng halik kay Christine.
Sa official statement ng It’s Showtime na ipinahayag nila noong martes June 4, 2024, sinabi ni Vice Ganda na nakausap niya sina Axel at Christine. Inamin umano ni Christine na totoong na-off siya sa ginawa ni Axel at nabastusan sa gesture nito.
Nakausap rin umano niya si Axel at naipaliwanag rito ang buong pangyayari dahilan para bawiin niya ang kanyang paumanhin.
Iginiit ni Vice Ganda na walang mali sa kanyang ginawa kay Axel dahil ginawa lamang umano niya ang kanyang responsibilidad na protektahan ang mga guest ng kanilang show.
Inakala ng mga netizens na matatapos na ang usaping ito subalit, tila lalong gumulo ang lahat ng lumabas ang video ni Christine na umiiyak habang kausap ang isang staff ng It’s Showtime dahil tila ginawa umano siyang sinungaling mga ito. Pahiwatig na hindi naman talaga niya binawi ang kanyang naging pahayag noon na walang masama sa ginawa ni Axel sa kanya at naiintindihan niya ang binata.
Lumalabas na pinilit ng It’s Showtime si Christine na bawiin ang kanyang pagtatanggol kay Axel para lalabas sa madlang pipol na tama lamang ang ginawa ni Vice Ganda na pagsaway kay Axel.
Subalit, dahil sa naging pahayag ni Vice Ganda si Christine naman ang pinuntirya ng mga bashers at tinatawag na sinungaling at clout chaser dahil sa nangyari. Hindi ito matanggap ni Christine kaya nilabas na nila ang video kung saan nagrereklamo siya sa isang staff ng It’s Showtime dahil pinagmukha umano siya ng mga ito na sinungaling.
Maging si Axel ay naninindigan rin sa kanyang naunang pahayag kung saan iginiit niyang wala siyang balak na halikan si Christine dahil bro-code lamang daw ang balak niya una pa lamang.
“Explain ko lang yung nangyari sa Showtime Expecially For You. Syempre hindi ako napili. Lalapit na ako kay Christine syempre nakaamba na yung kamay niya ng apir. Ginawa ko, nakipag-apir ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya.
“Ang balak ko talaga sana ay bro-code. Yung bro-code na yon yung shake hands, after shake hands didikit yung balikat tapos tap sa likod for comfort.”
News
CARMINA VILLAROEL, IBINENTA ANG ARI-ARIAN MATAPOS ANG ANNULMENT KAY ZOREN LEGASPI!
Breaking News: Carmina Villarroel Sells Properties After Annulment from Zoren Legaspi! The entertainment industry is in shock after reports surfaced…
Gretchen Barretto Nag salita na kina Sunshine cruz & Atung anG | Trending Story Telling ngayun
A new chapter in the celebrity drama world has emerged as Gretchen Barretto has finally spoken out about the ongoing…
SHOCKING! Andi Eigenmann’s Sibling RESPONDS to Derek Ramsay’s Comments Against Her Sister!
In a surprising turn of events, Andi Eigenmann’s sibling has stepped into the spotlight to defend her against the comments…
LAHAT NAGULAT DITO ng LUMABAS ANG VIDEO Ni LYCA GAIRANOD AT NG KANYANG BOYFRIEND FIRST ANNIVERSARY
Isang nakakakilig at nakakagulat na balita ang lumabas sa social media nang ang dating The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod ay mag-share…
Who is ‘Carrot Man’ and why is he taking social media by storm?
Netizens are going crazy over the viral photo of a guy who lives in Cordillera who was snapped carrying carrots….
Angelica Panganiban, Binuking Ang Totoong Relasyon Nina Paulo at Kim Chiu! Supportive Bestie Talaga!
Si Angelica Panganiban ay nagbigay ng buong suporta para sa relasyon nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa pamamagitan ng…
End of content
No more pages to load