Dimples Romana, tiniyak na patuloy na tumutulong si Angel Locsin kahit wala ito sa limelight; “Hindi ’yan MIA [missing in action] sa buhay ng mga taong tinutulungan n’ya.”
-feature.jpg?v=1697798116)
PHOTOS: @dimplesromana on Instagram & @AngelLocsin on Facebook
Kahit na hindi nababalita sa media, tiniyak ni Dimples Romana na tuloy-tuloy pa rin ang charity works ng kaibigan n’yang si Angel Locsin. Nag-hiatus lang umano ito sa showbiz pero hindi sa pagtulong sa mga tao.
Masaya raw ang aktres na si Dimples Romana para sa BFF n’yang si Angel Locsin dahil happy umano ito sa desisyon na magpahinga muna limelight.
Sinabi n’ya iyan sa recent interview sa kanya ng vlogger na si Kiko Escuadro kung saan nga ay natanong s’ya tungkol sa buhay ngayon ng kanyang kaibigang aktres.
Nagpasintabi pa nga ang vlogger dahil madalas nang natatanong si Dimples ng update tungkol kay Angel.
“Alam mo, hindi ako nagsasawang sagutin [ang mga tanong] about her. I’m always very fond of people checking up on her,” lahad ni Dimples.
Bilang kaibigan ay nami-miss rin daw n’ya si Angel gaya ng pagka-miss dito ng mga fans nito. More than a year na rin kasi mula nang mag-decide ito na magpahinga na muna sa social media kaya halos walang balita mula sa kanya ang kanyang taga-suporta.
“I feel it is not just coming from concern but also pagka-miss ninyo sa kanya. Ako din naman, I miss her. I try to see her every now and then,” saad ng actress-entrepreneur.
Naiintindihan daw n’ya ang pinanggagalingan ni Angel dahil matagal din naman daw itong nagtrabaho at tumulong sa mga tao kaya deserve umano nito na magpahinga at pagtuunan naman ng pansin ang pribado nitong buhay.
“Ako, I’m very happy that she’s taking this time off. Kasi nakita mo naman magtrabaho ’yong taong ’yon. At grabe din ’yon lumaban sa mga pandemya nu’n, pag dating sa virus, ’yong mga trahedya, mga bagyo. S’ya ’yong nauuna doon,” pag-e-enumerate ni Dimples.
Humiling nga daw s’ya dito noon na huwag sagarin sa pagod ang katawan nito dahil nagkaka-edad na rin sila.
“At ako, lagi kong dasal sa kanya…dati. ‘Gel, please, maghinay-hinay ka kasi ’yong katawan mo… Tayo, hindi tayo bumabata. Baka mamaya n’yan magkasakit ka,’” pagbabahagi n’ya.
Ito na raw ang ginagawa ng BFF n’ya ngayon kaya naman masaya daw s’ya para dito.
“So, ngayon na inaalagaan n’ya ang sarili n’ya, nand’yan si Neil [Arce], ini-enjoy n’ya ang married life n’ya, tahimik ang buhay n’ya, ang saya-saya ko para sa kanya,” ani Dimples.
Kung p’wede nga lang daw na gayahin n’ya rin ito pero hindi raw p’wede dahil sa may mga anak na umaasa sa kanila ng mister n’ya.
“Don’t we all wish that? Alam mo kung kaya ko ’yong gawin, gagawin ko, e, ’di ba? Kahit ikaw din siguro. Pero hindi natin kaya. Only Angel Locsin can do that. Sa totoo lang. Aminin mo,” natatawang sabi n’ya.
“As in, saan ka nakakita? Ang best friend ko na ’yon, iisipin mo, napakahusay n’ya. Naisip n’ya ’yon at this age, ‘Dahil ang dami ko naman ng trabahong nagawa…’” pagpapatuloy n’ya.
“At she was very selfless, e. She was always giving herself. And at this time when she chose to remain calm, be in the house, enjoy the married life, ’yon sa akin [ang] kabilib-bilib. Kasi it’s a big choice. But it’s also a choice that I feel is making her happy. So masaya ako.”
At dahil tila naging missing in action na si Angel sa kanyang mga charity works, sinabi ni Dimples na patuloy pa rin na tumutulong ang kanyang kaibigan na hindi nababalita o naipo-post sa social media.
“Alam mo, sa totoo, si Angel, itong nakakatawa d’yan. I would tell you. Kahit ’yan ay MIA, hindi ’yan MIA sa buhay ng mga taong tinutulungan n’ya,” pagtitiyak ng aktres.
“Hindi lang kasi s’ya masalita. Kahit ako pa siguro, sabihin ko sa inyo [kung] sino ang tinutulungan n’ya, ayaw n’ya rin ’yon. Kasi ayaw n’yang pinagsasabi ang tinutulungan n’ya,” she went on.
“But I would tell you na kahit hindi mo s’ya nakikita sa hindi ibig sabihin ay hindi s’ya tumutulong.”
Base umano sa pagkakakilala n’ya sa tinaguriang real-life Darna, ongoing pa rin ang pagtulong nito sa mga taong nangangilangan.
“Kasi kilala ko s’ya. Magkaibigan na kami ng ilang dekada. Alam ko na so many other times… Kasi ’yong mga nakita lang natin ’yong mga may fundraising na s’ya, e. Marami s’yang ginawa na para sa mga tao,” pahayag n’ya.
“Malamang, mga nakakasalubong n’yo, hindi n’yo alam na natulungan ni Gel. In big ways ha. So whenever there is bad happening, especially… Kilala n’ya o hindi n’ya kilala, basta kaya n’yang tumulong, gagawin n’ya ’yon,” pagtatapos ni Dimples.
News
SHOCK: Gretchen Barretto speaks out amid the storm of accusations in Atong Ang’s case—what explosive claims did she make that no one saw coming? /LO
Gretchen Barretto Breaks Silence After Controversy Surrounding Atong Ang and Sunshine Cruz In the world of show business, personal…
Kim Chiu’s shocking gesture has sparked a wave of sympathy for ex-President Duterte, leaving everyone wondering what really happened behind the scenes. /LO
Kim Chiu Clears the Air After Alleged Comment About Former President Duterte Sparks Controversy In a recent episode of the…
BREAKING NEWS! This is the heartbreaking incident that happened to President Duterte in the Netherlands. /LO
Breaking News: A Heartbreaking Incident Involving Former President Duterte in The Netherlands A shocking and heartbreaking development has emerged regarding…
SHOCKING VIDEO: Paulo Avelino steps in to shield Kim Chiu from the attacks, while Vice Ganda doesn’t hold back in confronting the haters! /lo
Paulo Avelino Offers Full Comfort to Kim Chiu as Vice Ganda Slams Her Critics In the fast-paced world of show…
Hot News: Could Duterte R be spared from a warrant? Or will history repeat itself, just like what happened with Senator Zubiri? /lo
Will Duterte Be Exempt from an Arrest Warrant? Could Senator Bato’s Actions with Senator Zubiri Be Repeated for Duterte? The…
The shocking video of Honeylet’s heated confrontation with an arresting officer tied to former President Duterte has everyone talking! /lo
Honeylet Avanceña’s Alleged Assault on Arresting Officers: A Deep Dive into the Incident An alarming incident recently occurred involving Honeylet…
End of content
No more pages to load