Ryza Cenon, boluntaryong nagpakalbo para sa pelikula

Isa sa bucket list ng aktres na si Ryza Cenon ay ang magpakalbo.
Natupad ito nang tanggapin niya ang karakter ng madre sa Lilim, ang horror movie ng Studio Viva na mula sa direksiyon ni Mikhail Red.
Nang magbuntis si Ryza sa kanyang anak na si Nate noong 2020, nagplano na siyang magpakalbo. Pero hindi pumayag ang Viva Artists Agency, ang talent management agency ng Viva Entertainment na namamahala sa showbiz career niya.
“First time kong magpakalbo,” sabi ni Ryza nang makausap siya ng Cabinet Files sa shooting ng Lilim , sa Christ The King Church compound, sa Quezon City, ngayong Biyernes ng gabi, Hunyo 21, 2024.
“Actually, hindi naman po siya nire-require. Ako po mismo yung nagsabi na magpapakalbo ako.
“For me, mas okay siya sa karakter ko at nag-look test po kami, hindi ko trip yung prostethics, hindi ko gusto yung hitsura.
“Parang sabi ko, mas okay kung kalbo talaga. Mas makakatulong siya sa karakter ko.”
Pagpapatuloy ng aktres, “Mas mabilis po ngayon, lalo na may Eddie Garcia Law. Kailangan lahat mabilis so makakatulong itong pagpapakalbo ko para mag-save time.
“Kasi ang prosthetics, kung lahat kami iba-bald cap, hindi lang po mga artista, the talents also, matagal-tagal po yon kaya nakabawas po ako.”

RYZA’S SON REACTION TO HER BALD HEAD
Bagay na bagay kay Ryza ang bagong hitsura nito dahil isa siya sa mga pinakamagandang babae na nagpakalbo na aming nakita.
Gustung-gusto rin ng three-year-old son ni Ryza na si Night ang pagpapakalbo niya dahil, diumano, ayaw ng kanyang anak ang buhok.
Kuwento ni Ryza, “Natuwa naman po siya. Ayaw niya sa buhok, actually.
“Ayaw po niya ng buhok so nandidiri po siya sa buhok. Kaya nung nakita niya po na kalbo ako, tuwang-tuwa siya.
“Every time na hinahawakan niya ang ulo ko, para siyang kinikiliti, tawa siya nang tawa.”
Lilim ang pamagat ng pelikulang pinagbibidahan nina Ryza at Heaven Peralejo Nilinaw ni Ryza na kakaiba ang kanilang proyekto dahil hindi ito tungkol sa mga multo.
“Hindi ito yung may mga manggugulat na multo. Hindi po ganoon,” paglilinaw ni Ryza.
Aminado si Ryza na may third eye siya kaya may mga nararamdaman siya sa paligid mula pa sa kanyang pagkabata, pero hindi niya masyadong binibigyan ng atensiyon.
Get more updates on th
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load