Hindi nagustuhan ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang ginagawang pagkukumpara ng ina ni Charice Pempengco na si Raquel Pempengco sa dating performance ng anak at sa performance kamakailan ni Morissette sa concert ni David Foster.
Agad naman nang binura ni Raquel ang kanyang post, subalit, tila huli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng screenshots rito.
“Kahit tanggalin mo pa ‘yan, ‘di pa rin ‘yan matatanggal sa kamalayan ng mga tao na may hash ka, may kuda ka Mommy Raquel. Wala naman problema, magkaiba naman si Charice Pempengco at si Morissette Amon.”
“Kung feeling mo, ‘di nabigyan ng justice ni Morissette Amon ‘yung kanta at ‘yung anak mo lamang ang makakakanta, eh babalik na naman tayo sa dati na parang hindi mo talaga gusto ang pagbabagong-anyo ni Charice Pempengco na ngayo’y Jake Zyrus na,” komento ni Ogie Diaz.
“Kasalanan ba ni Morissette kung kumanta siya? Kasalanan din ba ni David na pakantahin niya ‘yung kanta niya kay Morissette? Wala rin naman kasalanan si Charice kung magbago siya ng anyo, pero para magsalita ka ng ganito ay parang hindi maganda,” pagpupunto pa ni Ogie Diaz.
Sinabi rin ni Ogie Diaz na ginagalang naman niyang ang opinyon ng ina ni Jake subalit dapat rin umano nitong i-assess ang sarili upang hindi mabash.
“‘Yung opinyon mo ginagalang ko pero syempre tingnan mo naman nag-opinyon ang mga tao. Binabash ka tuloy. Baka pwede mong –i-asses ang sarili mo kung saan ka nagkamali. Kung nagkamali ka ba sa mga kuda mo,” dagdag pa ni Ogie.
Hiling pa ni Ogie na kung nais niyang ipagtanggol si Charice ay huwag siyang managasa ng ibang tao.
“Walang problema kung ipagtatanggol mo ang anak mo kasi anak mo ‘yan. Walang problema kung idedepensa mo siya at kung feeling mo si Charice lang o si Jake Zyrus lang ang makakapagbigay ng justice sa song. Ang problema, may sinasagasaan kang tao.”
News
Sa Wakas! Kasal na pala si Coco Martin at Julia Montes
BREAKING NEWS: COCO MARTIN AND JULIA MONTES ARE ENGAGED! The long-awaited confirmation is finally here! After years of speculation and…
Ivana Alawi May Banat Na Naglagay Sa Matinding Kahihiyan Kay Coco Martin!
Si Ivana Alawi ay naging sentro ng atensyon sa mga nakaraang araw dahil sa isang matinding banat na kanyang…
Willie Revillame to be arrested for child exploitation
The former “Willing Willie” host failed in his appeal over his 2011 case 20 Oct – Philippines’ Court of Appeal has…
SAD NEWS! The REAL Reason Behind Willie Revillame’s 140 Million Loss Revealed!
Nakakalungkot! Nilantad na ang Tunay na Dahilan ng Pagkalugi ng 140 Million ni Willie Revillame Si Willie Revillame, isang batikang…
Sam Cruz is Pregnant, BUNTIS NA ang ANAK ni Sunshine Cruz, Sam Cruz Pregnant
Sunshine Cruz slammed this rumor about her daughter Actress Sunshine Cruz reacted to the rumors that circulated on social media…
SO, SUNSHINE CRUZ’S BABY WAS DNA TESTED? IS THE CHILD REAL? SUDDENLY SEPARATE!
In a shocking twist that has stunned fans and the public alike, businessman Atong Ang has reportedly ordered a DNA…
End of content
No more pages to load