Jam: “The hardest part is sinasabi nila na disgrace ako sa parents ko.”
Inihayag ni Jam Villanueva ang aniya’y below-the-belt bashing na nagtulak sa kanyang ilantad ang bersyon niya ng hiwalayan nila ni Anthony Jennings.
Noong December 3, 2024, lumikha ng malaking isyu ang pagsapubliko ni Jam ng screenshots ng intimate conversations ni Anthony sa leading lady na si Maris Racal.
Inakusahan ni Jam sina Anthony at Maris na diumano’y nagkaroon ng lihim na relasyon habang magkasintahan pa sina Jam at Anthony.
Ilang beses daw na kinompronta ni Jam sa Anthony, na ilang ulit din umanong nag-deny na may namamagitan sa kanila ni Maris.
Idinadahilan umano ni Anthony ang love team nila ni Maris sa tuwing kinukuwestiyon ni Jam ang ikinikilos nina Anthony at Maris kahit sa labas ng trabaho.
Pero patunay daw na hindi lang guni-guni ni Jam ang lahat ang aniya’y nakita niyang incriminating exchange of texts and photos nina Anthony at Maris.
Base sa timeline ni Jam, Oktubre 2024 nang opisyal silang mag-break ni Anthony.
Sa kabilang banda, dineny ni Maris ang alegasyong nakipagmabutihan siya kay Anthony habang may nobya pa ang aktor.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Maris noong December 6, 2024, ipinaliwanag ni Maris na buong akala niya ay hiwalay na si Anthony kay Jam.
Kaya raw noong September 2024 ay tinanong ni Maris si Anthony kung kailan ito maglalabas ng statement na single na ito para malinaw sa publiko.
Naglabas naman si Anthony ng hiwalay na pahayag sa ABS-CBN News noong December 6.
Humingi ng sorry si Anthony kina Maris at Jam, pero hindi na siya nagpaliwanag ng konteksto ng kanyang apology.
JAM VILLANUEVA ON BASHERS
Hanggang sa nitong January 29, 2025, humarap si Jam sa entertainment media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa ineendorso niyang Ampong Dental Essentials/Clinic.
Dito ay tinanong si Jam kung ano nagtulak sa kanyang ihayag ang mga nangyari sa kanila nina Anthony at Maris?
Pahayag ni Jam: “Ang nagtulak sa akin is… Ah, siguro po na-push lang din talaga ako kasi andaming nangyari.
“I’m just a normal person po. So, I don’t have anyone to defend me so ayun po.
“And ang hirap din po kasi pagka, like, parang you’re constantly judged by the people kahit alam mo naman na nasa iyo yung truth, parang ganun.”
Ano ang pinakamasakit na bashing sa kanya?
“Ako po kaya pumitik nun is because nadamay na talaga yung family ko. Which is dalawa na lang kami ng kapatid ko and dinamay nila yung kapatid ko.
“Even my parents na up there na, iyon po talaga yung disrespect na I can’t take.
“Like yung kapatid ko po kasi nagko-cover siya sa Spotify, may gig-gig siya or something, e parang ano po…
“I even received death threats po, ha?
“Yes, marami po talaga, pati sa kapatid ko, ang harsh! Like, ‘Sana mamatay na kayo ng kapatid mo!’
“Blah-blah-blah, ‘Karma babalik sa inyo ng kapatid mo!’”
Final straw daw para kay Jam nang puntiryahin pati mga namayapa niyang mga magulang.
Dagdag ni Jam: “The hardest part is sinasabi nila na very, disgrace ako sa parents ko, like hinihimas na daw nila yung puntod nila kasi nga sa ginawa ko daw po.”
Kapwa pumanaw sa sakit na kanser ang mga magulang ni Jam. Taong 2015 nang pumanaw ang kanyang ama, habang 2020 naman ang kanyang ina.
Sa ngayon ay nagtutulungan sila ng kanyang nakababatang kapatid na buhayin ang mga sarili nila. Silang dalawa lamang ang magkasamang nakatira sa bahay nila sa Sta. Rosa sa Laguna.
Paano niya kinaya ang pambabatikos sa kanya?
“Therapy po,” pag-amin ni Jam.
“Yes po, nagpa-therapy ako siguro for a few months talaga po, iyon talaga po yung nakatulong sa akin.”
May eksperto raw siyang kinonsulta.
“Yes, opo, kasi with my heart problem din po kailangan talaga may expert.”
Sumailalim si Jam sa open heart surgery noong anim na buwan pa lamang siyang sanggol dahil sa problema sa kundisyon ng kanyang puso.
ON FORGIVENESS
Ngayong 25 taong gulang na siya, masasabi bang matibay na ang puso niya dahil kinaya niya ang mga pagsubok ng buhay?
“Korek,” natawang sang-ayon ni Jam.
Tukoy niya sa dinanas na heartbreak, “That made me stronger din po.”
Bukas si Jam na magpatawad sakaling lumapit sa kanya ang mga taong nakasakit sa kanya.
“Opo naman,” ang mabilis na sagot ni Jam. “Sabi nga nila Diyos nga din po nagpapatawad, di ba?”
Pero sa ngayon, aminado si Jam na hindi pa siya lubusang nakapagpatawad.
“I’m still on the process po,” seryosong saad ni Jam.
Pagdating sa pakikipagrelasyon, hindi pa raw siya handang umibig muli.
“Definitely hindi pa po. Focus lang po talaga ako now sa sarili ko,” ani Jam.
Sa susunod na magmahal siya, artista o non-showbiz guy ang pipiliin niya?
“Ayoko pong magsalita nang tapos, pero kung ano po yung ibibigay,” napangiting sagot ni Jam.
NEW BEGINNINGS
Sa ngayon ay nagsisimulang muli si Jam; very content” at “moving forward” na raw siya.
At sa pagpasok ng Bagong Taon ay nakatanggap siya ng endorsement.
Ayon sa marketing director ng Ampong Dental Essentials/Clinic na si Gayle Oblea, si Jam ang piniling endorser ng clinic dahil taglay nito ang kagustuhan ng new beginning, pagpapakita ng self-worth, at good connection sa mga tao sa paligid niya.
Tinanggap daw ni Jam dahil pasok daw sa sarili niyang values na hindi lang pisikal na itsura ang mahalaga kundi pagiging matibay at pagkakaroon ng pagmamahal sa sarili.
“Ang self-worth ko po ay non-negotiable,” saad ni Jam.
Natutunan daw niya ang kahalagahan nito sa dinaanang heartbreak.
“Never lose yourself po in the process.
“Kung ano man yung nangyayari sa buhay mo, kailangan kilala mo pa rin talaga yung sarili mo, alam mo yung values and principles ng sarili mo, so hindi ka talaga mawawala.”
Nagpapasalamat daw siya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
“Ako po, as much as possible talaga is pinipili ko yung mga taong nakapaligid lang sa akin.
“Yung talagang solid support system na ipupunta ka talaga sa tama. Sasabihin talaga kung mali yung ginagawa mo.
“And sobrang laki rin po ng naging impact nila sa akin kasi nga hindi ako nadala dun sa path na ikakawala [ko].”
News
The Truth Revealed: What Led to Sharon Cuneta’s Public Apology to KC Concepcion?
Sharon Cuneta tells daughter KC Concepcion: ‘Sorry we couldn’t give you a complete family’ Gabby Concepcion, KC Concepcion and…
Claudine Barretto opens up about how she blamed herself for de@th of ex-beau Rico Yan
Claudine Barretto opened up about how she blamed herself for what happened to her late ex-boyfriend Rico Yan—22 years after he…
Claudine Barretto shares her latest conversation with Rico Yan’s sister Tina: “You’re my inspiration as a mother”
Actress Claudine Barretto shared her latest conversation with Rico Yan’s sister, Tina Marie Yan. In an Instagram post, Claudine shared…
Patama kay Lala Sotto? Vice Ganda criticizes double standard: “Sa iba mali pero sa inyo pwede?”
Vice Ganda couldn’t stop taking swipes against the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) and its chair Lala…
Vic Sotto, speaks about the negative comments being received by his daughter Tali
Vic Sotto finally reacted to the bad comments his daughter Tali Sotto received from the netizens about her appearance. In…
Karla Estrada May Mensahe Patungkol Sa Mga Bashers Ng Kanyang Anak Na Si Daniel Padilla
Sa isang post sa kanyang Facebook account, hinikayat ni Karla Estrada, isang kilalang TV host at aktres, ang mga tagahanga…
End of content
No more pages to load