Snooky Serna regrets letting go of Madam Claudia role
Inamin ni Snooky Serna, 56, na pinagsisihan niyang pinakawalan ang role sa isang teleserye na tinawag pa nitong “a role of a lifetime.”
Ayon sa seasoned actress, ang TV role na ito sa ABS-CBN ay pinalampas niya dahil sa kanyang personal na pinagdadaanan noon.
Ito ay ang papel ni Madam Claudia Buenaventura para sa Kapamilya hit teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales noong 2000.
Ang role ay napunta kay Jean Garcia.
Naging iconic ang naturang role, kasabay ng karakter na Amor Powers, na ginampanan naman ni Eula Valdes.
Ibinahagi ni Snooky ang detalyeng ito nang maglaro siya ng “Never Have I Ever” sa kanyang YouTube vlog nitong November 5, 2022.
Ganito ang nabunot na tanong: “Never have I ever regretted rejecting a project.”
Sabi ni Snooky: “Meron po akong ginawa noon.
“Nag-audition pa po ako pa sa isang role, na parang a role of a lifetime.”
Nakuha raw ni Snooky ang importanteng role na ito.
Lahad niya, “Ang nangyari, nakapasa po ako sa audition. ‘Tapos may workshop.
“E, nagkakaroon ho ako ng personal problems at that time, hindi ko ho ginawa yung workshop.
“So, napalitan [ako], siyempre po.
“Yung pumalit sa akin, ngayon ho isa na sa pinakamalaking bituin sa larangan po ng telebisyon.
“And I’m very happy for her, honestly. Ito po ay si Miss Jean Garcia.”
Pagsisiwalat pa niya: “Yung role po na iyon ay yung role ni Madam Claudia doon po sa show na Pangako Sa ‘Yo. Sana ako si Madam Claudia.”
FEELS INSECURE WITH CO-STARS A LOT OF TIMES
Nagpakatotoo rin si Snooky sa pag-aming maraming beses siyang na-insecure sa ibang artista.
Sabi niya, “I have. May mga insecurity. Naku naman. Magpapakatotoo lang ho ako, yes.
“Naku, andami-daming beses na, siyempre may mga times na feeling mo maganda si ganito kesa sa iyo.”
Tinukoy pa ni Snooky ang parte ng kanyang katawan na naging biggest insecurity niya.
“Mas maganda ang ilong kesa sa akin, E, masyado akong conscious noong araw dito sa ilong ko.
“But as time went by, nawala rin. Finding security, natanggap ko na rin po itong ilong na ito.
“Na-realize ko na kung hindi ho dahil sa kanya [ilong], for all I know, baka ho hindi nakilala ang inyong kaibigan na si Snooky,” pahayag niya.
News
Last Goodbye: Barbie Hsu Cremated in Japan Amid Strict Government Policies, Fans Left Heartbroken /lo
Barbie Hsu di@s aged 48, reportedly to be cremated in Japan Taiwanese actress-host Barbie Hsu died from pneumonia after getting…
Vilma Santos and Jessy Mendiola Left SHOCKED and STUNNED as Baby Peanut Unexpectedly SPOKE OUT with Bold Words!
Vilma Santos and Jessy Mendiola Stunned by Baby Peanut’s Unexpected Words! In a surprising turn of events, Baby Peanut, the…
Shocking Discovery: Woman Found De@d in a Garbage Bag After Meeting Man She Met Online!/lo
Babaeng nakipagkita sa lalakeng nakilala online, natagpuang patay, nakasilid sa garbage bag – A woman who allegedly met a man…
Arnold Clavio Seeks Help from DSWD After Shocking Video of Children Beating Up Fellow Kids Goes Viral! /lo
Arnold Clavio, humingi ng tulong sa DSWD ukol sa video ng mga batang binugbog ng mga kapwa bata – Arnold…
Vice Ganda Shocks Fans: Spends Over P300,000 on Shopping for His Godchild! /lo
Vice Ganda, gumastos ng mahigit P300,000 nang ipag-shopping ang inaanak – Pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang…
SHOCKING: Cristine Reyes Breaks Silence on Her Birthday with an Emotional Tribute to Barbie Hsu, Just Days After Her Passing 🙏 Story in Comments! /lo
Post ni Cristine Reyes tungkol sa pagpanaw ni Barbie Hsu, mabilis na nag-viral – Cristine Reyes, a Filipina actress, has recently…
End of content
No more pages to load