Mukhang mahaharap naman sa panibagong legal battle ang TAPE Incorporated matapos ang kanilang pagkatalo sa labanan ng copyright sa TVJ, dahil sa alegasyon na ginaya umano nila ang kanilang logo sa isang local Facebook page ng Quezon Province.
Matapos talunin ng legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang TAPE Inc. sa Eat Bulaga copyright case, tila may panibagong isyu naman na kakaharapin ang nasabing production company matapos mapag-alaman na tila ginaya lamang nila ang kanilang panibagong logo sa Byahelen ng Quezon Province.
Bagama’t may pagkakaiba ng kaunti ang dalawang logo, kapansin-pansin naman ang pagkakapareho ng larawan ng niyog na siyang naging trademark ng Tahanang Pinakamasaya.
Samantala, naunang nabuo ang Byahelen noong March 2023, kaysa sa Tahanang Pinakamasaya na nag-umpisa lamang noong January 6, 2024.
Bagama’t wala pang pahayag ang Byahelen patungkol sa isyung ito maari pa rin itong mag-ugat sa isang malaking isyu sa hinaharap.
Marami naman sa mga netizens ang lalong nadismaya sa TAPE Inc. at sa kanilang editor dahil hindi na umano nakakaisip ang mga ito ng original concepts at lahat na lamang ay ginagaya nila sa iba.
Marami rin kasi ang nakapansin na maging ang kulay ng font na ginamit ay magkapareha rin ang konsepto ng mundo na nasa gitna.
May mga nagsasabi pa na may pera naman ang TAPE Inc. kaya naman sana ay naghire sila ng magagaling na editor at kahit paano ay pinag-isipan naman nilang maigi ang pagbuo ng logo para makaiwas sa mga problema sa hinaharap.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load