
Sa press conference ng Kara Mia, naungkat ang tungkol sa unang lalaking pinakasalan ni Carmina Villarroel—si Rustom Padilla.
Ayon kay Carmina, hindi niya kayang burahin sa kanyang buhay si Rustom na mas kilala na ngayon bilang BB Gandanghari.
Panoorin ang video ng interview ni Carmina:
Si Rustom ay nakatatandang kapatid ng action star na si Robin Padilla at naging ka-love team ni Carmina nung 1990s.
Naging magkasintahan sila at kalauna’y sikretong nagpakasal sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Caloocan nung June 4, 1994.
Taong 1997 nang ihayag nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay at ang pagbubunyag ng kanilang lihim na kasal.
Matapos ang isang taon ng kanilang paghihiwalay, nag-file ng annulment si Carmina na na-grant naman nung 2002.
November 2012 nang muling ikasal si Carmina sa ama ng kanyang kambal na sina Cassy at Mavy, na si Zoren Legaspi.
Labingdalawang taon ang hinintay ng aktor bago ito nag-propose kay Carmina na pinakasalan din nito agad nung mismong gabi ng proposal.
Samantala, si Rustom naman ay nagdesisyong lumisan ng showbiz nung 2001, pumasok sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga housemates nung 2006 (kung saan din siya “nag-out”), at nagpalit ng pangalan at katauhan nung 2009 bilang si BB Gandanghari.
News
Kim Chiu’s feng shui surprise sparks romance rumors with Paulo Avelino
Feng Shui expert says Kim Chiu and Paulo Avelino’s signs are compatible The cast of My Love Will Make You…
Paulo Avelino Hindi Kinayang Sabihin Ng Harapan! Pinaringgan Nalang Si Kim Chiu!
Sa likod ng mga eksena ng seryeng “What’s Wrong with Secretary Kim,” isang nakakatuwang pangyayari ang naganap na nagpasaya…
Carmina Villaroel “Pinag-Resign” Na Ang Mga Anak Niya Sa Eat Bulaga!
Tila hindi na kinaya ng actress na si Carmina Villaroel ang mga natatanggap na pambabatikos at masasakit na salita…
Kylie Padilla Described Relationship with Aljur Abrenica as “Toxic” from the Start
Kapuso actress Kylie Padilla admitted that their relationship with husband Aljur Abrenica underwent toxic stages from the start. As to…
Kylie Padilla, Nais Iwaksi Ang Toxic Masculinity Pagdating Sa Pagpapalaki Ng Dalawang Anak
Nais ipaglaban ni Kylie Padilla, ang celebrity mom, ang pagwawaksi sa toxic masculinity sa pagpapalaki ng kanyang dalawang anak…
Paulo Avelino Inamin Na Ayaw Mahiwalay Kay Kim Chiu Dahil Dito
Puno ng kasiyahan ang kaganapan para sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang pinakabagong event sa…
End of content
No more pages to load