Rufa Mae Quinto, nagpiyansa ng Php 1.7M matapos sumuko sa NBI



May pagsuko nang naganap, mga YesPren! Umaga nitong January 8 ay dumating sa bansa si Rufa Mae Quinto at boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng warrant of arrest na isinampa laban sa kaniya ng Pasay court.

Nag-go go go raw ang komedyante kasama ang kaniyang pamilya mula San Francisco, USA para harapin ang kaso sa Dermacare, ang kumpanya na sangkot din sa pag-aresto kay Neri Naig-Miranda. Ayon kay NAIA-NBI Chief Jimmy De Leon, nakipag-usap ang abogado ng aktres para sa pagsuko ni Rufa. Sumailalim daw muna sa medico-legal si Rufa bago tuluyang dalhin sa Pasay court.

Rufa Mae Quinto matapos makapagpiyansa: 'Go, go, go home na ako' |  Balitambayan
Nilinaw naman ng abogadong si Mary Louise Reyes na hindi large-scale estafa ang binabato sa kaniyang kliyente. “She will face those charges. Mag-voluntary surrender siya and mag-po-post po kami ng bail for that. She’s worried kasi hindi naman totoo ‘yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser,” boka ni Reyes.Chika naman ni Rufa Mae na ready siyang harapin ang kaso at malinis daw ang kaniyang konsensya dahil ang mga ito raw ay “baseless accusations” lamang.

Sa parehong araw, nagpiyansa si Rufa Mae ng Php 1.7 million para sa pansamantalang kalayaan nito. Kinumpirma ito ng kaniyang dating talent manager na si Boy Abunda sa programang ‘Fast Talk with Boy Abunda.’