Barbie Forteza at Jak Roberto, hiwalay na matapos ang 7 years



Matapos ang 7 years nilang relasyon, kinumpirma ng kapuso aktres na si Barbie Forteza ang break up nila ng aktor na si Jak Roberto.

Sa isang mahabang social media post, ibinahagi ni Barbie ang mga masasayang pinagsamahan nila ni Jak.

Hindi naman masasakit na salita ang binitawan ni Barbie tungkol kay Jak at tila mas pinuri niya pa ito dahil sa masasaya nilang pinagsamahan.

Ani Barbie : “Don’t cry because it’s over. Smile because it happened” – Dr. Seuss

“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.

“Your love was exceptional.

“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.

“Beautiful goodbye, Jak.

“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.

Nanawagan naman ang aktres na sana ay maintindihan ng kanilang mga fans ang naging desisyon nilang dalawa ni Jak.

“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.” dagdag ng aktres.

Sa mahabang post na ito ng aktres ay hindi niya nabanggit kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit umabot sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Dahilan sa break up nina Barbie at Jak, selos umano kay David Licauco?

Kung matatandaan, matagal nang usap-usapan sa social media ang kanilang hiwalayan ngunit palagi nilang ito pinabubulaanan.

Binigyang diin rin ni Barbie noon na ang relasyon nila ng kanyang on-screen partner na si David Licauco ay bilang ‘business partners’ lamang at wala ng hihigit pa.

Ani Barbie : “Hindi naman po kasi magkaibigan po sila ni David and kami ni David malinaw sa aming dalawa na this is a business partnership.”

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kanyang official statement ang aktor na si Jak.