Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagkabalikan na nga ba?



Naniniwala rin ba kayo na isa sa dalang suwerte ng pagkain ng 12 grapes sa ilalim ng mesa pagpatak ng bagong taon ay pag-ibig? Pero, paano kung ang pag-ibig na ‘yun ay ang bumabalik mong ex?

Mukhang ‘yan daw kasi ang ganap ni Kathryn Bernardo ngayon, YesPren! Imposibleng ‘di niyo napapansin ang sunod-sunod na namang chismis tungkol sa kanila ng ex na si Daniel Padilla. Isa na nga rito ang post ni Xian Gaza. Ayon sa Pambansang Marites, nagkaayos na ang dalawa at in a relationship na ulit matapos maghiwalay noong 2023.

Ilang oras lamang matapos ang post na ito, pasabog naman ang sunod na ibinulgar ng online personality. 99.9% na raw na “kompirmd” ang comeback ng dalawa. Ang nakakalokang say pa nga niya, “Atin-atin na lang muna at respect their privacy” raw.

Hindi naman nagpabagal-bagal at to the rescue na agad ang Mommy ng aktres na si Min Bernardo. Hindi man direktang in-address ang issue, pinaalalahanan niya ang fans na huwag agad maniwala sa mga fake news.

Sa kabilang banda, tumibay naman ang inispluk ni Xian nang gumatong dito ang pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang online show at sinabing hindi na raw nagpatuloy ang panliligaw ni Alden Richards sa dalaga at sila ay nanatili na lamang na magkaibigan.

Isang cryptic post din ang tila isinagot ni Alden Richards sa issue na ito nito lamang February 24. Hula ng netizens, para ito sa bali-balitang pagbabalikan ng kaniyang Hello, Love, Again leading lady at ex-boyfriend nito.


Kung makikipagbalikan sa inyo ang ex niyo, mga YesPren, bakit? Eme! Hahaha! Huwag marupok, mga YesPren!