MAGING ang showbiz columnist-talent manager na si Lolit Solis ay nagpahayag na ng kanyang saloobin sa tumitinding sagupaan ng controversial director na si Darryl Yap at ng TV host-comedian na si Vic Sotto.
Sa kanyang Instagram pagr ay ibinahagi niyo ang kanyang opinyon patungkol sa isyu ng dalawa na humantong na sa demandahan dahil sa trailer ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma”.
“Salve hindi ko ma imagine na ang isang very cool at kalmanteng Vic Sotto ay magagalit ng ganuon katindi para mag file ng demanda,” panimula ni Lolit.
Aniya, marahil ay talagang nasagad na ang pisi ni Bossing kaya idinaan na niya ito sa legal na paraan lalo na’t maaring maapektuhan ang kanyang pamilya sa pag-ungkat ng nakalipas na isyu.
Baka Bet Mo: Darryl Yap sa Pepsi Paloma movie: Wala akong sinabing si Vic
“Talagang nasagad ang galit ni Vic Sotto kaya siguro nagawa niya ito. Siyempre may mga babae din siya sa pamilya na alam niya na affected sa issue na binuksan ni Daryl Yap. At dapat lang proteksiyunan niya ang mga ito,” pagpapatuloy ni Lolit.
Nararapat lang rin na bigyan ng suporta ni Pauleen ang kanyang asawa sa mga ganitong pagkakataon.
Chika pa ni Lolit, “Hindi mo talaga aakalain na magagawa ng isang Daryl Yap ang ganitong bagay sa mga respetadong artista tulad nila Vic Sotto, Joey de Leon at senator Tito Sotto. Iginagalang sila sa industriya, mga stars na tinitingala pero binalak hubaran at bigyan dungis ni Daryl Yap.”
Naniniwala rin ang talent manager na nararapat lamang ang ginawa ng kampo ni Vic na dalhin ito sa legal na pamamaraan.
Sey pa ni Lolit, “Dapat lang talaga ang naging hakbang ni Vic sa ganitong pangyayari. Kung ingay ang hinanap ni Daryl nakuha niya ito pero in a way na hindi ko alam kung papabor sa kanya o sa project na ginawa niya.
Ewan ko rin kung makakakuha ng suporta sa mga taga showbiz si Daryl Yap after this fiasco dahil mahal ng showbiz ang mga Sotto. Alam ng lahat kung gaano ka polarized ang mga taga showbiz na parang isang malaking pamilya na very respected ang mga Sotto, mula kay Tito, Maru, Val at Vic Sotto.”
Dagdag pa ni Lolit, sana rae ay humupa na ang galit ni Vic lalo na’t mahirap itong magalit.
“Sana nga ipagdasal na lang ng lahat na humupa ang galit ni Vic Sotto dahil talagang ang hirap pag isang tahimik na tao na tulad niya ang magalit. Parang bulkan na mahirap awatin.
“Hang on Pauleen, bantayan mo ang asawa mo na tahimik pero grabe kung magalit. Goodluck Daryl Yap, sana nga matulungan ka ng ingay na ito. Bongga,” sabi pa ni Lolit.
Para sa mga hindi aware, matapos ang ilang araw na pananahimik ay nagdesisyon si Vic na sampahan ng 19 counts of cyberlibel si Darryl Yap dahil sa trailer ng pelikula nitong “The Rapists of Pepsi Paloma”.
News
FYANG, NAGSALITA NA sa AKUSASYON na SCRIPTED ang SWEETNESS nila ni JM!
🔥 FYANG, NAGSALITA NA SA AKUSASYON NA SCRIPTED ANG SWEETNESS NILA NI JM! Matapos ang mga lumabas na isyu, nagbigay…
Rebelasyon ni Carlos tungkol kay Andrea, NAGPAULAN ng KOMENTO! 😱 Ang kanyang isiniwalat ay NAKAKAGULAT!
💥 REBELASYON NI CARLOS TUNGKOL KAY ANDREA, INULAN NG KOMENTO! Mainit na usap-usapan ngayon ang ginawang rebelasyon ni Carlos tungkol…
POST ni CHERRY WHITE, NAGLANTAD ng BÍMAT GÂY SỐC tungkol sa KALOKOHANG GINAWA ni BOY TAPANG! 😱 Ano kaya ang kanyang isiniwalat?
🔴 CHERRY WHITE, MAY PASABOG NA POST! PATUNAY NA MAY KALOKOHANG GINAWA SI BOY TAPANG? Usap-usapan ngayon sa social media…
NEW LOOK ni MAVY, INULAN ng REAKSYON! 😱 Netizens, may napansin na kakaiba!
🔥 NEW LOOK NI MAVY LEGASPI, INULAN NG REAKSYON! Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong look ni Mavy Legaspi,…
NETIZENS, MAY NAPANSIN sa HITSURA ni GRETCHEN sa EDAD na 54! 😱 Totoo nga ba ang hinala nila?
🌟 NETIZENS, MAY NAPANSIN SA HITSURA NI GRETCHEN BARRETTO SA EDAD NA 54! Usap-usapan ngayon sa social media ang latest…
CHERRY WHITE, BINALAAN si BOY TAPANG DAHIL sa ISINIWALAT NITO! 😱 Rebelasyon na ikinagulat ng marami!
⚠️ CHERRY WHITE, BINALAAN SI BOY TAPANG DAHIL SA ISINIWALAT NITO! Usap-usapan ngayon sa social media ang matinding babala ni…
End of content
No more pages to load