Kung inaakala niyong tapos na ang cheating issues, mga YesPren, ay nagkakamali kayo. Pasabog ang naging rebelasyon ni Princess Jenniel Marcial, asawa ng Olympic medalist na si Eumir Marcial, sa kaniyang Facebook account nito lamang January 10. Ayon sa misis, nahuli niya raw ang boksingero na may kasamang ibang chix.
Dito ay ibinulgar niya na October 2024 pa lamang ay nakita niya na ang atleta na may kasamang ibang babae sa isang condominium sa Pasay City na pinangalanang Jessa. Sa kabila raw nito, nagawa pa rin niyang bigyan ng ilang beses na kapatawaran ang asawa. Ngunit, ang inaakalang pagbabagong kulay ng mister ay isa lamang daw fake news.
Maraming nalikom na ebidensya si Princess, ngunit hindi niya raw ito ilalabas dahil idinadaan niya na ngayon sa legal na proseso ang lahat. Takot sa seguridad daw ang dahilan kung bakit ichinichika niya ang lahat ngayon sa atin, mga YesPren! Ang nakakalokang paratang din kasi ni Princess ay hindi lamang sa boxing ring nangjojombag ang boksingero. Dahil dito, sinampahan ni Princess ng kasong Anti-Violence Against Women and Their Children Act at Concubinage o pagtatakasil ang asawa.
Sa isang panayam naman sa mister nitong January 12, bonggang pagtanggi laban sa mga paratang na ito ang boka ni Eumir at tinitiyak na sasagutin ang lahat sa korte.
Sa ngayon, balik-ensayo agad para sa Tokyo Olympics ang boksingero sa kabila ng lahat ng personal niyang pinagdadaanan.
Nakakaloka ang unang buwan ng taon na ito, mga YesPren! Legit nga ba talagang Year of the Snake? Eme! HAHAHA!
News
SHOCKING REVELATION: Aubrey Miles Confesses She and Husband Troy Montero Have Sexy Videos – What’s Behind This Bold Admission?
Masiyado na bang malamig ang buwan na ito para sa inyo, mga YesPren? Heto na ang pampainit na tea ni…
Maris Racal, may comeback song na ‘Perpektong Tao’ matapos ang cheating issue
Hindi na po screenshots ang i-re-release, mga YesPren! Nitong January 16, matapos ang kaniyang isang buwang social media break, nagbalik-Facebook…
Martin Nievera, nagalit nga ba kay Fyang Smith matapos nitong hindi makilala si Pops Fernandez?
Napanood niyo na ba, mga YesPren, ang kumakalat na video ngayon ni Fyang Smith sa isang interview kasama sina Ogie…
SHOCKING: Rico Panyero Left Behind by Yes FM DJs in Pinoy Squid Game?! What Really Happened During the Intense Showdown?
Kami lang ba o nakakabitin talaga ang Season 2 ng Squid Game na inilabas noong nakaraang buwan? ’Yung pakiramdam na ang tagal nating hinintay…
BREAKING: Alex Gonzaga and Mikee Morada Face Their Heartbreaking Third Miscarriage – How They’re Coping with This Devastating Loss.
Apat na taon matapos ang kanilang pagpapakasal, inamin ni Mikee Morada, asawa ni Alex Gonzaga, na muli silang nagkaroon ng…
Mga grado ni Fyang sa school, inulan ng reaksyon Ganito pala klaseng estudyante si Fyang?
Mga Grado ni Fyang sa School, Inulan ng Reaksyon | Ganito Pala Klaseng Estudyante si Fyang? Isang malaking usap-usapan ang…
End of content
No more pages to load