Viral ngayon sa social media ang inilabas na pahayag ni Whamos Cruz tungkol sa pagpapa-DNA test nila ng anak nila ni Antonette Gail na si Baby Meteor.



Pinalagan ni Whamos ang hamon ng isang netizen na magpa-DNA test sila ni Meteor upang mapatunayan umano na siya ang tunay na ama ng bata.

Matapang niyang binanggit na handa siyang gawin ito at hinamon ang bashers na humarap sila sa legal na aksyon kung mapatunayan ang katotohanan.

Sabi niya sa kaniyang latest video sa social media, “Sige pagbibigyan ko kayo pero make sure na usapan naming ay tama.”

Kasunod nito, inilahad niya na kasalukuyan na nilang inaasikaso ang kanilang pagpapa-DNA test at kung ano pa ang mga susunod na mangyayari ay patuloy siyang maga-update sa netizens.

Seryosong pahayag ni Whamos, “Abangan n’yo ‘yung resulta. Tingnan natin kung ano ang mangyayari, kung anak ko ba talaga si Meteor o hindi ko anak si Meteor.”

Sa pagtanggap niya ng hamon, sinabi rin ng vlogger na may kondisyon siya laban sa bashers kapag lumabas na ang katotohanan.

“Kapag anak ko [si Meteor], sinasabi ko talaga sa mga nag-comment na ‘yun, hinahamon ko kayo basta pumayag kayo, ipapakulong ko kayo. Hintayin n’yo na lang, ia-update ko kayo,” pagpapatuloy niya.

 

Samantala, sa kabila ng pambabatikos na kaniyang natatanggap tungkol sa pagkakalayo umano ng itsura nilang mag-ama, sinabi niyang mahal pa rin niya ang kaniyang bashers at hiling niya ay magkaroon sila ng mabuting kapalaran.

Ayon naman kay Antonette, “Bago lumabas si Meteor hinihiling niyo na sana hindi kamukha ni Whamos. Tapos ngayong lumalaki na pag-iisipan niyo pa talaga kung si Whamos yung tatay?”

Nagbigay din sya ng message para kay Baby Meteor, “Baby Meteor, hindi mo ito deserve anak alam mo mas gagalingan pa namin ni daddy mo para sayo❤️kung sa susunod mabasa mo man ito, suklian mo padin sila ng kabaitan kahit na puro panlalait yung binabato nila saatin. Tandaan mo kung sino ang mas nagpapakumbaba ayun ang inaangat ni God.🙏”

 

Sa vlogs nina Whamos at Antonette na mapapanood sa kanilang social media accounts, mapapansin na sila ay hands-on at loving parents sa kanilang adorable baby na si Meteor.

Si Meteor ay isinilang noong January 2023.

Balikan ang masayang trip nina Whamos at Antonette kasama si Baby Meteor sa gallery na ito: