
Sina Alden Richards at Julia Barretto ang magbibida sa Pee Mak, ang Philippine adaptation ng 2013 Thai supernatural horror comedy romance blockbuster film na Pee Mak.
Ang Pee Mak, na pinagbidahan ng popular Thai actor na si Mario Maurer, ang itinuturing na highest-grossing film of all time sa Thailand.
Ang box-office success ng pelikula ang nagpatibay sa superstar status ni Mario.
Kapareha niya rito ang Thai-Belgian actress na si Davika Hoorne.

MYRIAD-VIVA COLLABORATION
Ang Philippine adaptation ng Pee Mak ang isa sa mga proyekto at partnership sa Viva Group of Companies ng Myriad Entertainment, ang multimedia company na itinatag ni Alden.
Ang OOO (Out of Order) na nakatakdang ipalabas sa Netflix ang unang proyekto ng Myriad Entertainment at ng Viva Films.
Si Alden ang lead actor at director ng OOO na tinatampukan din ni Heaven Peralejo.
Hindi lamang mga pelikula ang co-production venture ng Myriad Entertainment sa Viva Group Companies.
Nagsanib-puwersa rin sila, sa pamamagitan ng VAA Live, sa pagpo-produce ng live events tulad ng major solo concert at record album ni Alden para sa Viva Records.
Mga orihinal na kanta ni Alden ang plano ng Viva Records para sa ilulunsad na record album ng Kapuso star.
Magiging kabalikat naman ni Alden ang Viva Foods sa pagtatayo ng garden café ng Conchas, ang restaurant na siya ang co-manager mula pa noong 2016.
Magiging kabilang na ang Conchas sa Botejyu, Wing Zone, Paper Moon, Pepi Cubano, Yogorino, at Greyhound Cafe — ang mga food business franchise ng Viva Foods.
Ngayong Huwebes, Marso 27, 2025, magaganap ang contract signing sa pagitan ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies at ni Alden ng Myriad Entertainment.
Isa itong bagong kabanata sa buhay ng aktor bilang negosyante.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load