Alfy Yan (left) on late uncle Rico Yan (right): “I never met him, but just from what I’ve heard, sounds like he was really a good person.”
PHOTO/S: Viva Artists Agency / Facebook
Opisyal nang ipinakilala si Alfy Yan bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency (VAA).
Si Alfy ay pamangkin ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Pumirma ng exclusive contract si Alfy, kasama si VAA President Veronique del Rosario, sa Viva Entertainment Boardroom sa Tektite Towers, Ortigas Center, Pasig City, nitong Martes ng hapon, Disyembre 10, 2024.
Si Alfy ay isinilang noong Nobyembre 11, 2005.
Management at scholar student siya sa Ateneo de Manila University.
Siya ang pinakabunso at nag-iisang lalaki sa tatlong anak nina Francies Tueres at Geraldine Yan-Tueres.
Tueres Family
Photo/s: Facebook
Bago naganap ang panayam ng entertainment press kay Alfy, nagkaroon ang Cabinet Files ng pagkakataong makausap si Geraldine, ang panganay na kapatid ni Rico.
Ayon kay Geraldine, pumayag sila ni Francis na pumasok sa entertainment industry si Alfy pero may kasunduan silang ang pag-aaral ang pangunahing prayoridad ng kanilang anak.
Alfy Yan and VAA President Veronique del Rosario
Photo/s: @vivaartistsagency on Instagram
ALFY YAN ON JOINING SHOWBIZ
Panahon ng pandemya at labinglimang taon ang edad ni Alfy noong 2020 nang mag-trending siya sa social media dahil sa malaking pagkakahawig niya sa kanyang tiyo na si Rico Yan.
Noon pa man, nagkaroon agad si Alfy ng mga tagahanga na kinukumbinsi siyang sundan ang yapak sa showbiz ni Rico.
Younger Alfy Yan
Kasagsagan ng kasikatan ni Rico nang bawian siya ng buhay, sa edad na 27, noong Marso 29, 2002.
“A bit nervous,” pag-amin ni Alfy nang humarap siya sa mga miyembro ng entertainment media kanina.
“I think I started going trending back in 2020 and at the time, I was only 15.
“So now that I am 19, I think I have done it, get a feel for it more, trying to test the water and see where it goes.”
Sa tanong kung sino sa mga kabataang aktres ang kanyang naiisip na puwedeng maging Claudine Barretto o ka-loveteam niya, nagpakatotoo si Alfy sa sagot nito.
Aniya, “I am not super familiar with a lot of showbiz artists ‘coz I grew up abroad, in Australia.”
ALFY YAN ON WHAT HE KNOWS ABOUT HIS LATE UNCLE
Dahil hindi na niya naabutang buhay si Rico, inilahad na lamang ni Alfy ang mga naririnig niyang mga kuwento tungkol sa kanyang namayapang tiyo.
“I’ve heard a lot of stories from Tita Claudine and my family about him.
“And it’s really, like, inspirational, I guess, because of the way he was with people. It’s very nice to see.
“Sometimes we, like, talk the same or move the same and, I guess, it’s really cool to see…
“Like, I’ve never met him, but just from what I’ve heard, sounds like he was really a good person.”
Rico Yan
Photo/s: File; Digitally Restored by Joy B
Dahil sa malaking pagkakahawig nila ni Rico, madalas naririnig ni Alfy ang sinasabi ng mga tao na parang sinaniban siya ng tiyo niya.
“I’ve heard it a lot from other people, like, in the news articles. It’s shocking, I guess,” reaksiyon ng aspiring actor.
May mabilis namang sagot si Alfy nang tanungin kung naniniwala siya sa reincarnation.
“I don’t know. It’s confusing,” reaksiyon niya.
Sa Disyembre 12, Huwebes, ay lilipad sa Hong Kong si Alfy para sa baseball tournament na sasalihan nila ng Philippine team na kanyang kinaaaniban.