Sinabi ni Mae na nagalit siya kay Lee O’Brian, na dating partner ng kaniyang ina na si Pokwang, dahil sa ginawang pananakit umano nito sa aktres. Gusto rin daw siyang palayasin ni Lee nang bigla siyang mabuntis noong 2020 na panahon ng pandemic.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, bisita sa programa ang mag-ina. Inihayag ng aktres ang paghingi niya ng paumanhin dahil nadamay sa gusot ng pakikipagrelasyon niya kay Lee ang kaniyang anak na si Mae.
Ayon kay Mae, nakagalit siya kay Lee dahil hindi ito tumupad sa usapan nila na hindi nito sasaktan ang kaniyang ina.
“I told him, ‘Ingatan mo ‘yung mama ko kasi for 21 years, kaming dalawa lang.’ Wala kaming ibang kasama sa buhay, so ang gusto ko lang, ingatan niya sa mama at huwag niyang sasaktan,” saad ni Mae.
Nangako naman umano si Lee na hindi nito sasaktan si Pokwang pero hindi nito tinupad ang pangako.
“Pero in the end he broke his promise,” ayon kay Mae.
Gusto rin daw siyang paalis ni Lee sa bahay nang mabuntis siya noong 2020.
“Nagulat po ako na gusto akong palayasin ng ex niya sa house cause I got pregnant without getting married. He wanted me out of the house, and I don’t know why,” ani Mae.
“Tsaka between me and him, parang ako ‘yung mas may karapatan na nasa bahay, hindi siya. Kung tutuusin,” paliwanag pa niya.
Sa naturang episode, inamin ni Pokwang na lola na siya sa anak ni Mae na apat na taong gulang na.
Sa isang vlog ni Ogie Diaz, sinabi ni Pokwang na sinasaktan siya ni Lee.
Hunyo 2022 nang aminin ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee.
Noong December 2023, nanalo si Pokwang sa deportation case na inihain niya kay Lee, at napaalis ito sa bansa noong nakaraang Abril.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply