Andi Eigenmann posts about betrayal.

Andi Eigenmann, Philmar Alipayo
Andi Eigenmann gives update about her cryptic posts alluding to partner Philmar Alipayo and a female friend who got matching tattooes. 



PHOTO/S: @andieigengirl, instagram

Patuloy ang mga makahulugang post at pahayag ni Andi Eigenmann sa social media sa gitna ng isyung may pinagdadaanan sila ng life partner na si Philmar Alipayo.

Pinag-usapan sa social media ang pag-unfollow-han nina Andi at Philmar sa Instagram, dahilan para magsuspetsa ang netizens ukol sa kanilang pagsasama.

Sa panibagong sunud-sunod na posts ng aktres, mas naging partikular ito ukol sa pinagdadaanan nilang mag-partner.

May post si Andi ukol sa “betrayal.”

May kaugnayan din ito sa pagkakaroon ng “love couple’s tattoo” ni Philmar kasama ang ibang babae na ayon kay Andi ay hindi ipinaalam ni Philmar sa kanya.

Sa naunang post ni Andi, may pahaging siya sa gamit ang “year of the Snake.”

Sa mga Pilipino, may kolokyal na ibang kahulugan ang ahas o snake—ang pang-aahas o pang-aagaw.

May post si Andi ng ganito: “They stab you and pretend they are the ones bleeding.”

Andi Eigenmann quote

ANDI EXPLAINS CONTEXT OF HER CRYPTIC POSTS

Ngayong umaga, nagising daw si Andi at nakita ang sobrang dami ng mga mensahe sa kanya.

Dito na siya nagpaliwanag. May patukoy ito sa naunang IG Story post ni Andi ng pagtatanong niya sa artificial intelligence online app na ChatGPT ukol sa kahulugan ng pagpapalagay ng matching tattoo ng kanyang partner at kaibigan nitong babae.

Mensahe ni Andi (published as is): “Woke up to too many responses to my previous chatgpt screenshot, and soo overwhelmed with all the support! Thank YOU.

“But Just got a bit shocked at some of the comments and some seem to assume it was about cheating!

“I realised my post may have been vague so will just put my first question to chatgpt here, for clarification!”

May kalakip ang kanyang mensahe ng dalawang grin emojis.

ANDI’S CHATGPT POST

Sa kalakip na screenshot, nakasaad dito ang inquiry ni Andi sa ChatGPT.

Ang tanong ni Andi: kaduda-duda ba kung imbitahan ng isang babaeng kaibigan ang iyong partner na magpalagay ng “love couples tattoo” nang hindi ka kinukonsulta?

Sagot ng ChatGPT, kaduda-duda ang aktong ito “or raise some red flags.”

Sinabi rin ng AI app na “something so personal” ang ginawa ng partner ni Andi at ng kaibigang babae.

Dagdag ng ChatGPT, sa ganitong sitwasyon ay dapat daw pag-usapan ng mag-partner at kanilang kaibigan para maunawaan ang kanilang perspective kung bakit nila ito ginawa.

Andi Eigenmann IG Story

Sinundan uli ito ng isa pang post ni Andi. Ni-repost niya ang naunang pahayag at dinagdagan niya ng paliwanag.

Ganito ang statement: “Took it personally because I never would’ve done it to you.”

Pag-update ni Andi (published as is): “Explain nalang para sure: for context, I have seen the red flags but chose to look beyond it. Since she was already a friend before I came into the picture.

“Was shy to call it out to my partner.

“Now I realise setting boundaries in a relationship doesn’t make it toxic.”

Andi Eigenmann post

WHO IS THE GIRL?

Batay sa posts ni Andi, matutukoy na naging isyu sa kanya ang pagkakaroon ng matching tattoos ni Philmar at ng kaibigan nitong babae.

Kumalat na rin sa social media ang mga larawan ni Philmar at ng kaibigang babae, na isang female foreigner. May mga videos din na lumabas na kasa-kasama ni Philmar ang babae sa activities nila sa Siargao.

Ipinost din ng female friend na ito ang larawan nila ni Philmar na ipinapakita ang kanilang matching tattoos na tatlong numero: “224”

Sa caption ay tinawag nitong “lil bro” si Philmar.

Subalit ngayong umaga ay binura na ng female friend ang ipinost na larawan nilang iyon ni Philmar.

Sumulpot din ang iba pang larawan ni Philmar at ng female friend na ipinapakita ang kanilang pagiging malapit.

Patuloy sa kani-kanyang sapantaha ang netizens ukol sa nagaganap na ito sa relasyon nina Andi at Philmar. Bukas naman ang PEP.ph para sa paglilinaw ng mga taong involved sa isyu na ito.