Andrea Brillantes palaban na, 'minukbang' ni Jake Cuenca sa bathtub



SHOOKT ang madlang pipol sa bagong pasabog ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes bilang pinakabagong karakter sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Isang palaban at super daring na Andrea Brillantes ang napanood ng netizens sa inilabas na trailer ng Dreamscape Entertainment para sa bagong season ng pinagbibidahang serye ni Coco Martin.

Base sa napanood naming video, kaeksena ng Kapamilya actress ang isa pang bagong cast member ng action-drama serye ni Coco, ang equally award-winning actor ding si Jake Cuenca.

Sa isang eksena ay makikitang sinamahan ni Andrea si Jake habang naliligo ito sa bathtub. Sinundan ito ng kanilang laplapan na talagang ikina-shock ng fans ng aktres.

Komento ng mga netizens, ito na ang pinaka-intense at daring na eksena ni Andrea sa lahat ng acting projects na ginawa niya. Mukbangan kung mukbangan nga raw sa bathtub ang ginawa ng aktres at ni Jake.

Sey pa ng mga supporters ni Andrea, masuwerte raw si Jake at siya ang nakauna at nagbinyag sa dalaga on screen.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens at ng ating mga ka-BANDERA sa pagpapaseksi ni Andrea sa “Batang Quiapo”.

“Nasa tamang idad  nadn nman c Andrea at trabaho lng nman gngwa nya..wala nman magawa mga bashers  kong un ung role nya.”

“Bagay naman sa kaniya hahahaha!”

“Nakakaloka si Blythe and the bath tub scene hahaha.”

“Grabe ung Andrea at Jake Cuenca scene. The fact na kasabayan ni Jake si Zanjoe Marudo, na tatay nya sa Annaliza.””Grabe yung si Jake yung nakauna kay Andrea sa kissing scene hahaha.””Ganang role ang bagay kay Andrea. Hinahanda na siguro sya ng ABS bilang NEXT SEXY STAR pantapat sa mga dahuchinang boldstar ng VIVAMAX. Hahahahahahahahahahahaha.”

“Ang swerte mo Naman sir Jake Cuenca nakahalik ka sa top1 na pinaka magandang Muka.”

“Nakaka excited tlga di mo alam ano tlga main role nya jan nong sa tiktok tumatakbo sya sa Quiapo hahaha talagang magaling na bata simula senior high naging gsto kona sya goodluck anding.”

“Sa unang pagpasok palang ni blythe diyan nagmukbang kaagad.”

“So, nagdelete comment yung isang ate na nag comment dito. HAHAHAHA. Yung comment niya kasi BATA PA SI ANDREA. 21 YEARS OLD na po si Andrea Brillantes and turning 22 YRS. OLD on MARCH 12 this year 2025.”

“Adult Actress na po si ANDREA, hindi na batang artista sa Goin’ Bulilit. Wag kayo puro comment ng bata pa sya, nakailang jowa na yan. Again, artista siya at hindi naman pinipilit sa kanya ang role na ganyan kung hindi niya naman gusto. Kasama sa pagiging artista ang mga role na ganyan like Kim Chiu , hindi naman pwedeng magpabebe lang sila lagi sa mga palabas. HAHAHAHA!”