Hanggang ngayon ay naging malaking katanungan pa rin sa ilang mga netizens kung bakit bigla na lamang nanahimik sa social media ang actress na si Angel Locsin.
Tila bigla na lamang umano itong nagtatago sa mata ng publiko sa hindi malinaw na dahilan.
Hinahanap-hanap pa rin hanggang ngayon ng ilang mga netizens ang tinaguriang real life Darna gayung mahigit isang taon na nang huli ito magbigay ng update sa kanyang social media.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang isyu at hinala ng ilang mga fans na umano’y tahimik na naghiwalay na ang dalawa.
Marami rin kasi ang nakapansin na hindi man lang binati ni Niel Arce ang kanyang asawa noong anniversary nila noong nakaraang July 2023 gayung binati pa niya ito noong naunang taon.
Kaya naman sa kamakailang showbiz vlog ng talent manager at veteran showbiz reporter na si Ogie Diaz, nilinaw niya na walang katotohanan ang mga haka-haka.
Sa ngayon ay ini-enjoy umano nina Angel Locsin at Niel Arce ang kanilang buhay malayo sa social media at sa showbiz.
Nasa bahay lamang din umano si Angel Locsin at maayos ang kalagayan. Ini-enjoy din umano ni Angel ang kanyang pagiging wife kay Niel.
Nilinaw din ni Niel Arce na hindi totoong buntis si Angel Locsin.
Sa ngayon ay patuloy pa ring namimiss ng kanyang mga tagahanga si Angel Locsin lalo na ang pagiging matulungin nito sa oras ng sakuna at kalamidad.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load