Angelica Panganiban chronicles hip replacement surgery

Napaiyak si Angelica Panganiban nung nakalakad siya matapos sumailalim sa hip surgery replacement sa kaliwa niyang balakang.
Kaugnay ito ng matagal niyang ininda na avascular necrosis, na ayon sa clevelandclinic.com, ay isang “painful bone condition.”
Unti-unting namamatay ang bone tissue dahil sa kawalan ng blood supply, at malaki ang epekto nito sa mobility ng tao.
Ang kaliwang hip ni Angelica ay nasa stage 3, na ayon sa WebMD.com, “more than a third of the bone’s weight-bearing area is dead.”
From stage 3 pataas, kailangang sumailalim ng pasyente sa arthroplasty, isang surgery para mapalitan ng prosthetic implant ang collapsed bone and cartilage.
Ito ang naging recent treatment for Angelica.
Ginawa ang kanyang hip replacement surgery sa St. Luke’s Medical Center noong October 10, 2024.
ANGELICA PANGANIBAN HAS AVASCULAR NECROSIS
November 2023 nang unang isapubliko ni Angelica ang tungkol sa kanyang condition.
Una siyang nakaramdam ng pain sa katawan noong July 2022—sixth month ng kanyang pregnancy.
Hindi pa raw eksaktong matukoy noon ni Angelica kung sa balakang o sa legs ang nararamdamang masakit.
Inakala raw ni Angelica at that time na parte lang iyon ng kanyang pregnancy.
September 2022 nang manganak si Angelica, pero napansin niyang sumasakit pa rin ang balakang lalo na kapag binubuhat ang kanyang anak.
Hindi naman daw basta makainom ng gamot si Angelica dahil siya ay nagbi-breastfeed.
Nag-physical therapy ng dalawang buwan si Angelica, na bagamat nakatulong ay pasulpot-sulpot pa rin daw ang sakit sa balakang niya.
Hanggang sa nagpa-check siya sa orthopedic at saka sumailalim sa stem cell treatment para sa kanyang nerves.
Pagkatapos noon ay nagpatuloy siya sa normal routine—tumutulong sa gawaing bahay, nagwo-work out, at nagbubuhat ng baby.
Pero dapat pala ay naghinay-hinay muna siya sa paggalaw.
Bumalik kasi ang pain at umabot sa puntong halos hindi raw siya makalakad nung nagbakasyon siya sa Palawan kasama ang mga kaibigan noong February 2023.
Sa vlog na in-upload niya noong November 13, 2023, sinabi niyang October natukoy na mayroon siyang avascular necrosis.
Sumailalim daw ulit si Angelica sa stem cell treatment. Ang kaibahan sa una niyang ay kailangang i-drill ang buto niya sa left and right hips para direktang maturukan ng Platelet-Rich Plasma (PRP).
Pagkatapos noon, may iniinda pa rin daw siyang sakit, pero pilit niyang tiniis ito.
December 31, 2023 ikinasal si Angelica kay Gregg Homan sa Los Angeles, California, USA.
Muli silang ikinasal sa Siargao noong April 20, 2024.
HIP CORE DECOMPRESSION SURGERY
Bandang June 2024 ay “limping na akong maglakad,” kuwento ni Angelica sa kanyang July 13, 2024 vlog.
Nang magpatingin sa doktor, nakitang nag-collapse na raw nang bahagya ang kanyang kaliwang balakang.
July 7 sumailalim si Angelica sa core decompression procedure.
Ipinaliwanag daw sa kanya ng doctor na hindi pa siya maaaring magpa-hip replacement surgery dahil masyado pa siyang bata.
Ayon sa vlog ni Angelica noong July 13, sa core decompression procedure, nag-drill ng tigatlong butas sa buto sa kanyang left and right hip para “magkaroon ng blood flow at ma-release yung tension.”
Kinunan daw siya ng bone marrow, at nilagyan ng bone stimulant at PRP para makatulong daw na ma-delay ang collapse ng kanyang balakang.
Pero hindi pa rin umubra ito para maibsan ang chronic pain na nararamdaman ni Angelica.

ANGELICA PANGANIBAN UNDERGOES HIP REPLACEMENT SURGERY
Hanggang sa wakas ay nagpasya si Angelica na sumailalim sa hip replacement surgery.
Sa kanyang vlog nitong October 19, 2024, idinetalye ni Angelica ang dinaanan niya before and after ng kanyang hip replacement surgery.
October 9 nang ma-confine siya sa ospital.
Bago ang surgery, ikinuwento niya na dalawang taon na siyang nakakaramdam ng “24/7 chronic pain.”
Sabi niya, “Nagpa-core decompression ako on both hibs, pero di siya nakatulong sa akin especially on my left hips.
“Pinadali niya ang pag-collapse ng aking kaliwang balakang.”
Dalawang buwan daw na pinayuhang mag-bed rest si Angelica.
Lahad niya: “But after a month ko ng bed rest, bumalik kami sa doctor, I am explaining walang nangyari. Mas sumama pakiramdam ko.
“Sabi ng doctor, tiisin ko na lang. Bigyan ko pa sarili ko ng five years bago ako magpa-hip replacement.
“Di ko kayang tiisin. Talo ka na sa sakit mo, then ihihiga ko lang? Hihiga lang ako ng five years? Or hahayaan ko lumaki anak ko na pinapapanood ko lang siyang maglaro?
“Na puwede naman, may paraan naman.
“Kasi kung walang paraan at yun na yung situation ko, then I have no choice, tatanggapin ko. Pero kung may paraan, hindi ko matatanggap.”
Desidido si Angelica na ang solusyon sa kanyang sakit ay sumailalim na sa hip replacement surgery, taliwas sa payo ng kanyang doktor.
Nag-research daw siya nang husto.
Kasabay ng sakit ni Angelica, nagluluksa rin siya sa pagkamatay ng kanyang ina noong August 20.
Ang napag-isip-isip niya noon, “Since namatay si Mama nang biglaan, nag-click sa akin, ‘Oh wow, sobrang bilis ng buhay.’
“Di ako papayag na may bigla mangyari sa akin na ang dami kong regrets.”
Gusto raw sana niya na sa Thailand magpagamot, pero bukod sa “di kakayanin ng budget” ay hindi raw niya maaatim na isang buwang manatili sa ibang bansa nang di nakakasama ang anak.
Hanggang sa nakahanap daw si Angelica ng doktor dito sa bansa na nagsabing maaari siyang sumailalim sa hip replacement surgery.
“Siguro nabulungan na talaga ni Mama sa heaven si Lord, ‘Please, pagbigyan mo anak ko. Put her in good hands dahil hirap na hirap na siya.’
“So, eto na ako ngayon.”
Sa kanyang vlog, makikita na kasama pa rin ni Angelica ang mister na si Gregg Homan na matiyagang nag-aalaga sa kanya mula nang siya ay magkasakit.
Bukod sa pagmamasahe sa masakit na parte ng katawan ni Angelica, si Gregg din ang nagbibigay ng lakas ng loob kay Angelica.
Kinukulit pa ni Angelica si Gregg kung natatakot ito para sa kanya.
Pero ang laging sinasabi ni Gregg—kahit noong sa core decompression surgery ni Angelica—ay tiwala ito na magiging maayos ang operasyon sa aktres.

Pag-amin ni Angelica, nakaramdam siya ng takot at kaba sa kanyang hip replacement surgery.
“For the first time, wala kang nanay na magpapakalma sa puso mo, pero, of course lalaban tayo,” aniya.
Dagdag ng aktres, “I am thinking of the worst.
“Never ako nagkaroon ng ganitong thoughts nung nag-surgery ako three months ago.
“Excited ako kung giginhawa ba… Kasi ito na yung last step.”
Tumagal ng dalawang oras ang hip replacement surgery niya.
ANGELICA ON RECOVERY AFTER HER SURGERY
Pagkatapos ng operasyon, ipinakita ni Angelica sa kanyang vlog ang kanyang recovery journey.
Limang oras pa lang ang nakalipas, binisita si Angelica ng kanyang doctor at physical therapist sa kanyang private room.
Unti-unting pinagalaw sa kanya ang mga binti, at saka tinulungan ng physical therapist na makatayo gamit ang walker.
Nang tanungin ng doktor kung may sakit sa kanyang left hip, napapangiting sagot ni Angelica, “Wala na.”
Bulalas ng doktor, “It’s a brand-new hip!”

Maya-maya pa ay ibinalita ni Angelica na nakapunta siya sa CR sa tulong ni Gregg at ng yaya.
Kuwento niya sa vlog, hindi raw niya talaga akalaing mawawala ang sakit sa kanyang kaliwang balakang at makakalakad siya agad five hours pagkatapos ng surgery.
Ilang araw na nanatili si Angelica sa ospital para sa kanyang Physical Therapy (PT), kunsaan inalalayan siya sa paglalakad at pag-akyat ng ilang baitang na hagdan.
Sa Day 4 ng kanyang post-surgery, sabi ni Angelica: “Grabe wala na akong nararamdamang sakit na nakaka-migraine, sakit na nakakasama ng ugali.
“Para akong binugbog ng sumo wrestler ngayon. Pero kita niyo naman, two days after the surgery nakakalakad na ako.
“Tanggalin niyo na yung stigma ng mga nahi-hip replacement na di sila makakalakad, [na] end of the road na yun sa kanila.
“Extension ito ng quality of life niyo, sobra.”
Natatawa pero emosyonal na sabi rin niya, “Excited na ako magbalik yung buhay ko, makalaro anak ko, maging mabait kay Gregg.
“Mabait naman ako nung nakilala niya ako. Di ako masungit.”
Sa huling round ng kanyang PT ay unang beses nasubukan ni Angelica na wala nang walker kapag naglalakad.
Hindi niya napigilang maging emosyonal.
Naalala niya ang hirap na pinagdaanan mula nang ma-diagnose ng avascular necrosis hanggang sa ngayong nakakagalaw siya nang walang iniindang sakit.
Tanong ni Greg, “Bakit ka umiiyak?”
Sagot ni Angelica, “I’m happy… Wala na yung sakit, e.”

ANGELICA: “LISTEN TO YOUR BODY.”
Sa huli, ibinahagi ni Angelica ang natutunan niya sa kanyang ordeal.
“Finally, dumating kami sa point na okay na, nasolusyunan na, na-hip replacement na ako,” aniya.
“We found a very good doctor na ang kinonsider niya ay yung quality of life ko, mga moments and milestones na nawawala sa akin dahil nakakulong lang ako sa kuwarto for a whole year now.
“Since October nung na-diagnose ako last year, in and out lang ako ng kuwarto. I-injection ako, ipapa-bed rest ako.
“Hindi naging maganda yun sa akin. Nakaapekto siya sa mental health ko. Nakaapekto siya sa relationship ko with my family and friends.”
Payo ni Angelica, mahalaga na aralin nang mabuti ang sitwasyon, at humanap ng doktor na hindi lang eksperto kundi may compassion at makikinig sa iniinda ng pasyente.
Hindi lang daw siya puwede na mag-engage sa high-impact sports dahil sa kanyang ceramic hip, pero hindi naman daw siya athelete kaya hindi raw iyon isyu sa kanya.

Umaasa si Angelica na magtutuluy-tuloy na ang ginhawang nararamdaman niya, at hindi na kakailanganin ang hip revision.
Sana raw, tumagal ang kanyang ceramic hip nang higit pa sa 20 years, na base sa experience ng mga sumailalim sa hip replacement surgery.
Stage 2 ng avascular necrosis ang kanang balakang ni Angelica kaya di pa ito kailangang palitan.
“Kahit bigyan ako konting taon lang. Kung nag-collapse siya [right hip], ulitin lang natin ito.
“Wala, e, binigyan tayo ng ganitong sakit,” sabi pa ni Angelica na nagsabing hindi raw natukoy kung ano ang eksaktong pinagmulan ng kanyang sakit.
Dagdag niya, “Tapos na ako sa in denial. Tapos na ako sa anger. Nasa acceptance na tayo.”
Nagpasalamat si Angelica sa lahat ng mga tumulong sa kanya at nagdasal para sa kanyang recovery.
News
NAKAKAKILABOT! COCO MARTIN may inamin tungkol sa pagpanaw ni JACLYN JOSE
Coco Martin says he had premonition about Jaclyn Jose’s death Coco Martin recalls Jaclyn Jose’s last taping day for FPJ’s…
NAKAKALUNGKOT😭Angelica Panganiban, muling sumailalim ng major hip surgery dahil sa ‘buto death’
Angelica Panganiban undergoes surgery due to ‘bone death’ Abgelica Panganiban Screengrab from The Homans YouTube channel MANILA, Philippines — Actress…
CARMINA VILLAROEL, INILABAS NA ANG ANAK NILA NI RUSTOM PADILLA!
CARMINA VILLAROEL, INILABAS NA ANG ANAK NILA NI RUSTOM PADILLA! Isang nakakagulat at espesyal na balita ang inilabas ng aktres…
Anak ni Pokwang galit kay Lee O’Brian: Gusto n’ya ‘kong palayasin
Lee O’Brian, Pokwang at Mae Subong TINANGKANG palayasin ng American actor na si Lee O’Brian ang anak ni Pokwang na si Mae…
Melai Cantiveros and Jason Francisco defend daughter against online critics
The incident underscores the challenges faced by public figures in navigating online scrutiny and protecting their children’s privacy in the…
NANGYARI NA ANG KINATATAKUTAN NILANG MAG-IINA MELAI CANTIVEROS AT MGA ANAK NAG-IYAKAN
Isang emosyonal na insidente ang naganap sa buhay ng kilalang komedyanteng si Melai Cantiveros at ng kanyang pamilya. Kamakailan lamang,…
End of content
No more pages to load