Rufa Mae Quinto addresses marital issue with Trevor Magallanes
Nilinaw ni Rufa Mae Quinto na walang sinuman sa kanila ng kanyang asawang si Trevor Magallanes ang naghain ng diborsyo.
Ito ay sa gitna ng balitang may pinagdadaanan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
“E, kung ayaw na rin naman niya, bakit ko hindi rerespetuhin yon?
“Pero yung legalities, yung mga file-file ng divorce, walang nag-file,” sabi ni Rufa Mae sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes, Enero 17, 2025.
Dagdag pa ng comedienne: “So, hindi ako magpa-file kasi ang dami ko nang file…sa kaso.
“Ang daming file so ayoko munang mag-file sa mga divorce-divorce, annulment din.
“Dito rin naman kami kasi ikinasal sa Pinas so… hindi ko na alam ang gagawin.
“Masyadong masakit pa, tapos may anak din kami na nagsabi, ‘When our family will be together?’ daw.
“Sabi ko na lang ano, wala, e, ang hirap sagutin di ba?”
TREVOR AS A FATHER AND A HUSBAND
Ipinakita rin ni Rufa Mae ang mataas na respeto kay Trevor dahil hindi siya nagsalita ng masama laban sa mister niya.
Saad ng aktres: “Bilang asawa, siyempre inaantay ko lang na maging klaro kami. Mag-usap kami, kung totoo ba talaga yan ang nararamdaman niya.
“Kasi lagi nga rin akong wala so baka feeling lambingan na muna. Makiusap, ‘Pasensya na, I’m here.’
“Siyempre pagod ako. Palagi akong wala.
“Siyempre, there’s always two sides of the story, pero naiintindihan ko rin na hindi naman puro ako lang ang tama.
“Siyempre, siya rin naman, may reason din.
“Pero tinatanggap ko na we’re going through something.”
Sa kabila ng problema sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, kinikilala ni Rufa Mae ang kabutihan ni Trevor bilang asawa at ama.
“Mabuti siyang ama, mabuti rin siyang asawa, kaya lang hindi siya artista. Ayaw niyang matsismis, ayaw niya yung pinag-uusapan.
“Tahimik siya, very private kasi. Siyempre nasasaktan siya kapag maraming nagsasabi na dahil sa pera.
“Sabi nga niya, ‘Ang dami-dami kong ibinigay sa yo.’
“E, wala naman akong sinabi. Sabi ko, ‘Kung may nagsasabi nun, ibang tao.’
“Pero kinaklaro ko, hindi kami nagkakagulo dahil sa mga kaperahan kasi magna-nine years na rin kami.
“Kung may problema kami sa pera, e, di nag-aaway kami, pero hindi yon.
“Baka siguro ayaw na niya. Hindi ko alam, e, pero mag-file dapat siya, di ba?”
Nang itanong ni Boy kung may sinasabi siyang masama tungkol kay Trevor, “Never,” ang maagap na reaksiyon ni Rufa Mae.
Sabi pa niya, “Nirerespeto ko siya. Hindi ko rin siya ginagawang laughing stock.
News
Sino ang Nasa Likod ng Malaking Kita ng mga Batang Nagtitinda ng Sampaguita? Sino ang Nasa Likod ng Malaking Kita ng mga Batang Nagtitinda ng Sampaguita?
Sampaguita Girl at mga kapatid niya, kumikita ng libo sa kanilang pagtitinda The mother of the viral Sampaguita vendor shared…
POKWANG, DI TITIGILAN ANG DYOWANG KANO HANGGA’T DI NADE-DEPORT! 🔴 SB19, KUNG MAKAASTA! 🔴 EAT BULAGA
Lee O’Brian Naniningil Ng 2.4 Million Kay Pokwang Dahil Sa Kanilang Channel Kamakailan lamang ay natalakay sa YouTube vlog…
It’s Showtime Hosts Naging Emosyunal Sa Huling Araw Nila Sa TV5
It’s Showtime Hosts Naging Emosyunal Sa Huling Araw Nila Sa TV5 Hindi napigil ng It’s Showtime hosts na maging…
DOKTOR NI BILLY, INAMING NOON NA KRITIKAL ANG NANGYARI KAY BILLY CRAWFORD!
DOKTOR NI BILLY CRAWFORD, INAMING KRITIKAL ANG KANIYANG KALAGAYAN NOON! Isang nakakabiglang balita ang lumabas mula sa doktor ni Billy…
ISKAND4L nila ANDREA BRILLANTES at DANIEL PADILLA, INILABAS ni RICCI RIVERO! | KATHRYN UMIYAK! (VIDEO)
ISKAND4L nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla, IBINUNYAG ni Ricci Rivero; Kathryn Bernardo, NAIYAK! Sa isang nakakagulat na rebelasyon, isiniwalat…
BIANCA MANALO, IBINENTA ANG MANSION NA REGALO NI SEN. WIN GATCHALIAN: MATAPOS ANG HIWALAYAN!
BIANCA MANALO, IBINENTA ANG MANSION NA REGALO NI SEN. WIN GATCHALIAN MATAPOS ANG HIWALAYAN! Isang nakakagulat na balita ang gumulantang…
End of content
No more pages to load