‘Ate Girl’ Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

Posted by

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?
Photo courtesy: Jackie Gonzaga (FB)/Vice Ganda via Manila Bulletin

Nawindang ang “It’s Showtime” host na si Jackie Gonzaga sa mga tanong ng netizens kung totoo ba ang tsikang buntis siya at ang ama ay si Ion Perez na “asawa” ng kaniyang manager at co-host na si Vice Ganda.



Sa TikTok livestream ni Ate Girl, natawa na lamang si Jackie nang uriratin siya ng mga netizen patungkol dito. Natawa rin ang mga kasama niyang kaibigan sa livestream.

“Adik ba kayo? Tigilan n’yo bisyo n’yo ah,” nasabi na lamang ni Ate Girl at binanatan ang trolls at fake news peddlers na ginagawang content ang mga kasinungalingan.

“Kadiri mga isyu n’yo! Kadiri mga taong naniniwala sa fake news,” saad pa ni Jackie.

 

Galing na mismo kay Jackie ang paglilinaw na hindi siya buntis, at lalong hindi si Ion ang ama.

Buti nga’t pasimpleng winalis ni Jackie ang mga ganitong isyu patungkol sa kaniya, at wala naman siyang sinabing magsasampa ng kaso sa mga nagpapakalat ng mga ganitong fake news.

Pero nagbigay siya ng babala sa publiko na huwag agad-agad maniniwala sa mga nababasa online.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ion o ni Vice Ganda tungkol sa isyu.

News

RB Chanco overjoyed to glam up Kris Aquino again: I finally got to do her makeup again – something I had hoped for but feared might never happen

RENOWNED makeup artist RB Chanco couldn’t contain her excitement after finally getting the chance to do Kris Aquino’s makeup again…

Cristy Fermin Muling Binanatan Ang Ama ni Liza Soberano Sa Pangungunsinti Nito Sa Pagiging Ungrateful Ng Anak!

  Muling inalmahan ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang panibagong pahayag ng ama ni Liza Soberano…

Heart Evangelista Hindi Na Suot Ang Wedding Ring Matapos Ilaglag Ang Apelyido Ni Chiz Escudero

  Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz ang isyu ng hiwalayan ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz…

Unang Pagkikita Nina Barbie Forteza at David Licauco Matapos Ang Break Up ng JakBie

  Sa wakas, nagkita rin sina Barbie Forteza at David Licauco matapos ang dalawang buwang hindi pagkikita. Ang kanilang pagkikita…

Small Laude, hinintay umano ng kanyang ama bago pumanaw: ” After one and a half hours, nag-pass on na siya,”

Socialite and Vlogger Small Laude narrated her final moments with her father, Andres Antonino Eduard, who passed away on January…

Rey PJ Abellana says daughter Carla mad at him over interview about her marital issue with Tom Rodriguez

Rey PJ Abellana speaks up about Carla-Tom marital issue Rey PJ Abellana: “Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e.”…

End of content

No more pages to load

Next page