BB Gandanghari and Mariel Padilla reveal they once had a long-standing rift before.

Inamin ni BB Gandanghari na hindi siya pabor noon kay Mariel Padilla para sa kapatid na si Senator Robin Padilla.
Sa YouTube channel ni BB noong March 6, 2025, binalikan nila ni Mariel ang pinagdaanan ng kanilang relasyon bilang mag-sister-in-law.
Kuwento ni BB, dinala noon ni Robin si Mariel sa bahay ng kapatid ng aktor na si Roda Padilla.
Naroon daw sina BB noon at pinag-usapan ang ipakikilalang kasintahan ni Robin.
Ayon kay BB: “Kasi yun yung first time kaming lahat, ‘May ipapakilala, aba!’ Ganyan kami, di ba?
“’Naku, parang seryoso, papakilala!’”
BB GANDANGHARI’S TRANSITION
Noong mga panahong iyon ay sinisimulan na raw ni BB — na dating kilala bilang Rustom Padilla — ang kanyang transition sa pagiging trans woman.
Sabi ni BB: “That time, I must admit, I was really on my transition.
“Andaming hormonal imbalances. Ang resulta is too much insecurities. Tapos ang dami pang issues sa pamilya.”
Nagdulot daw ng sigalot sa kanilang pamilya ang kanyang transition.
Hindi rin daw nakatulong ang inner struggles na pinagdaraanan noon ni BB.
Saad naman ni Mariel: “Parang na-feel ko kasi, as you struggled, they struggled too.
“Because, una, hindi nila yun alam, yung transgender. It was like an alien word.
“And nobody understood what it was.”
Diretsahang tinanong ni BB si Mariel kung ano ang tingin nito noon sa pinagdaraanan at transition niya.
Sagot ni Mariel: “I have very little, almost no memory of Rustom.
“The one that I got to really know was BB. Hindi ko kilala si Rustom.”
Tila nais ipunto ni Mariel na hindi katulad ng pamilya ni Robin, hindi nagkaisyu si Mariel sa transition ni BB.

BB’S RIFT WITH MARIEL
Pinag-usapan din nina BB at Mariel ang pagsasama nila noon sa iisang bubong.
Pagdating mula sa U.S. ay tumira si BB sa bahay nina Robin at Mariel.
Hindi na nagdetalye sina BB at Mariel, pero mahihinuhang hindi naging maganda ang relasyon nila noon.
Pagbabalik-tanaw ni BB: “I thought that was an opportunity na hindi ko naintindihan, kasi it could have been fun.
“Kaya lang, baka emotionally, hindi pa ako ready.”
Sinang-ayunan naman ni Mariel ang sinabi ni BB, indikasyong nauunawaan niya ang pinagdadaanan nito noon.
Isang beses daw, nagkaroon sila ng out-of-town shoot at nandoon ang lolo at lola ni Marel at iba pang family members. Nag-abala raw noon ang pamilya ni Mariel.
Pagbabahagi ni BB, nakaramdam siya ng hiya sa pamilya ni Mariel.
“Doon ako nag-apologize na, ‘Oo, kung puwede ko lang ibalik ang panahon na yon.’”
Sabi pa ni BB, “I thought I was really unfair at that time. Kung puwede ko lang baguhin at hindi nangyari iyon.”
Hindi nag-elaborate si BB, pero matutukoy na nagsisisi itong hindi siya nag-effort maging close kay Mariel nang nanuluyan siya sa bahay nina Robin at Mariel.
BURYING THE HATCHET
Minsan ay nagkasakit daw si BB, at isa si Mariel sa mga bumisita sa kanya.
Nagsilbi raw itong ice breaker sa dalawa para mas gumanda ang pakikitungo nila sa isa’t isa.
Inalala rin ni BB nang imbitahan siya ni Mariel sa kanilang bahay.
“Nagpunta ako sa bahay niyo. Nag-invite ka,” ani BB kay Mariel.
“And then nag-apologize ako nun. Tapos tinulungan mo na ako sa concert.”
Ang tinutukoy ni BB ay ang anti-gravity yoga mini-concert niya.
Sabi naman ni Mariel, iyon daw ang simula ng kanilang “pagkakakilanlan.”
Sundot naman ni BB: “Pero hindi pa rin totally. Nagkakaroon tayo ng moments together, yung tayong dalawa, ganyan.
“But I guess even, at that time, I don’t know how you perceived me at that time.
“Pero talagang magulong-magulo ang isip. Hindi ako nakaka-reach out emotionally.”
Fast-forward to the concert, nakita raw ni BB ang pagiging supportive ni Mariel sa kanya.
Bukod sa panonood sa concert ni BB, nagbitbit pa ng mga kasama si Mariel.
“Don ko unang nakita na, ‘Oh wow!’ Hindi ko pinapakita, sabi ko sa yo, wala akong emotions at that time.
“Pero deep inside, I really felt yung, ‘Oh wow, this is something else.’ Na-touch naman ako dun very, very much.”
BB ADMITS SHE DOES NOT APPROVE OF MARIEL FOR ROBIN
Sa puntong iyon, inamin ni BB na hindi siya boto noon kay Mariel nang pakasalan ito ni Robin.
Kuwento ni BB: “Eto, aaminin ko.
“Syempre nung nagpakasal kayo ni Robin and all, yung parang, sabi ko, ‘Sigurado ba si Robin diyan?’ Yung parang, alam mo yon…
“Ngayon ko lang sasabihin, meron pa akong feel na parang gusto ko yata [para] sa kanya [Robin] modelo.”
Pagpapatuloy niya: “Hindi ko maintindihan si Robin.
“Sabi ko, ‘Nagpakasal ka, hindi pa nga kilala. Gusto kitang ipa-date sa mga kaibigan kong babae. You know what I mean? Like, be out in the world.’”
Nagbago raw ang isip ni BB ukol kay Mariel noong nag-concert siya.
“Dun sa concert, first time ko na, ‘Okay, I think it’s a good choice,’” pagtukoy niya sa pagpili ni Robin kay Mariel.
Sinabi naman ni Mariel na ipinaramdam sa kanya ni BB na hindi siya gusto nito noong una.
“Medyo sinabi mo rin,” sabi ni Mariel kay BB.
Kuwento ni Mariel, ganito raw ang sinabi ni BB sa kanya, “Pero iniisip ko talaga, e, ano yung meron ka.”
Dugtong ni Mariel, “Parang ganon yung way that you told me, that you couldn’t understand…”
Sa YouTube interview, sinabi pa ni BB na si Mariel ngayon ang kanyang favorite sister-in-law, indikasyong maganda na ang kanilang pagsasama.
Naa-appreciate daw ni BB kay Mariel ang pagiging thoughtful nito.
Si Mariel daw ang madalas mag-initiate na lumabas sila at mag-bonding.
Nagmarka rin daw kay BB noon na naghanda pa ng despidida si Mariel bago siya umalis pabalik ng U.S.
News
Heaven Peralejo recounts a haunting experience at former condo unit
Heaven Peralejo: “So, after nung nalaman ko, tumaas talaga yung balahibo ko!” Heaven Peralejo: “Sa corner pala nung kuwarto ko…
Ivana Alawi reacts to psychic Rudy Baldwin’s grim prediction
Ivana Alawi reacts to psychic Rudy Baldwin’s grim prediction Ivana Alawi: “Walang katotohanan na magkaka-cancer ako.” Ivana Alawi on handling…
Angel Locsin NAGSALITA na sa pagkamatay ng tatay niya NAGPAKITA na sa PUBLIKO!
Ama ni Angel Locsin, kinumpirma ng pamilya na pumanaw na Kinumpirma ng pamilya ng aktres na si Angel Locsin ang…
Netizens slam Karla Estrada for alleged double standard
Karla: “Grabe naman ang comment na ito di na makatao.” Actress-host Karla Estrada to a Kakampink who posted a comment…
Smart-Shaming Ni Karla Estrada Kay Kaladkaren, Pinalagan Ng Netizens!
Naging mainit na usapin sa social media ang biro nina Karla Estrada at Jane De Leon kay Kaladkaren bilang…
Cristine Reyes reveals health condition resulting to severe back pain
Cristine Reyes Naaksid3nte, Bumagsak Tumama Sa Sahig! Nakakaramdam ngayon ng labis na pananakit sa likod ang aktres na si Cristine…
End of content
No more pages to load