Carlos Yulo, Chloe San Jose kinukulit kung kailan ba talaga magpapakasal?
PINUTAKTI ng tanong ang controversial couple na sina Carlos Yulo at Chloe San Jose mula sa mga netizens kung kailan ba talaga sila magpapakasal.
Feeling kasi ng mga Marites at ng supporters ng magdyowa ay kasal na lang ang kulang sa kanilang pagsasama lalo’t matagal-tagal na rin silang magka-live in.
Nabasa namin sa Instagram page ni Chloe ang napakaraming comments ng netizens sa isa niyang holiday post tungkol sa wedding nina Caloy at Chloe.
Nag-share kasi si Chloe ng sweet photos nila ng kanyang 2-time Olympic gold medalist boyfriend kalakip ang kanyang pagbati para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ayon kay Chloe, overflowing ang nararamdaman niyang happiness ngayon dahil kay Caloy at sa iba pang mga taong nagmamahal at patuloy na sumuporta sa kanilang magdyowa.
“The tree is lit, the gifts are wrapped, and my heart is full,” bahagi ng mensahe ni Chloe.
“This season reminds me how truly blessed we are to be surrounded by so much love and warmth. here’s to celebrating the reason for the season,” dagdag pa niya.
Pinusuan at ni-like ito ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta at may ilan pa nga ang nangantiyaw sa dalawa na magpakasal na at bumuo na ng sariling pamilya.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens.
“Get married guys!”
“What’s stopping you from getting married?”
“Leave them alone.”
“WWHY DONNT YOUUU GEEET MARRIIEEDD.”
Walang sinagot sina Chloe at Carlos sa mga comments ng netizen tungkol sa kanilang pagpapakasal.
Pero matatandaang sinabi na noon ni Caloy na si Chloe na ang nais niyang pakasalan at gustong makasama for the rest of his life.
Nakikita na rin daw niya ang sarili na may mga anak kay Chloe pero walang binanggit ang Olympian kung kailan niya balak mag-propose kay Chloe.
News
David Licauco kinantyawan ni Vice, pasado bang host ng ‘Showtime’?
David Licauco kinantyawan ni Vice, pasado bang host ng ‘Showtime’? MAY chance kaya na maging bahagi ng noontime program na…
Kim Chiu Confesses Her Feelings: Boldly Calls Paulo Avelino Her “Mr. Right” on It’s Showtime
Kim Chiu, Matapang na Tinawag si Paulo Avelino na “Mr. Right” sa It’s Showtime Isang nakakakilig na tagpo ang naganap…
Pa’no Nga Ba Naging Sweet Kuya si Baby MJ Matapos Mainggit sa Kanyang Bagong Kapatid?
James Yap’s Baby MJ initially jealous of his newborn sister James Yap’s Baby MJ is a sweet kuya to his…
Kris Aquino to James Yap: ‘Nasaan ka nung binully si Bimb nung datihang broadcaster?’
Kris Aquino to James Yap: ‘Nasaan ka nung binully si Bimb nung datihang broadcaster?’ Kris Aquino once again called out…
Sharon Cuneta at BF ni KC Concepcion Pareho ng Ugali!
Sharon Cuneta at BF ni KC Concepcion Pareho ng Ugali! Marami sa mga fans ng Megastar na si Sharon…
Liza Soberano Inamin Ang Dahilan Kung Bakit Mas Pinili Ang Manager Niyang Si Jeff Oh Kaysa Kay Quen!
Isang bagong balita ang umikot sa mundo ng showbiz matapos kumalat ang usap-usapan na umano’y umalis na si Liza Soberano…
End of content
No more pages to load