Carmina Tweets Amid Mavy-Kyline Breakup Rumors
Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic tweet ng Kapuso actress-TV host na si Carmina Villarroel tungkol sa mga taong sumisira umano sa pangalan ng dalawa niyang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Ito’y kasunod ng bali-balitang hiwalay na si Mavy sa girlfriend nitong si Kyline Alcantara.
Noong November 25, 2023, nag-post sa X (dating Twitter) si Carmina ng mensahe sa kanyang kambal tungkol sa sumisira sa kanilang pangalan at reputasyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng iba’t ibang kuro-kuro.
Mababasa sa kanyang post (published as is): “Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds.
“Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best.”
Hindi malinaw kung ano at sino ang pinapatungkulan dito ni Carmina, ngunit marami sa mga netizen ang iniugnay ito sa makahulugang tweet at post ni Kyline sa TikTok matapos ang espekulasyong hiwalay na sila ni Mavy.
“I knew it,” maiksing tweet ni Kyline noong November 24.
Saad naman niya sa TikTok, “Iba ka Tiktok. I knew it.”
NETIZENS LINKING MAVY TO DASURI CHOI
Nagsimula ang isyu sa diumano’y hiwalayan nina Mavy at Kyline matapos kumalat sa TikTok ang video ni Mavy kasama ang kanyang Eat Bulaga! co-hosts na si Dasuri Choi, Michael Sager, at si Cassy.
Isa pang anggulo ng video ang lumutang kung saan makikita namang magkatabi sina Mavy at Dasuri, gayong nasa kabilang silya naman sina Cassy at Michael.
@stan_kylinethe audacity tho..#kylinealcantara#mavylegaspi#cassylegaspi#michaelsager#dasurichoi#fyp? original sound – k. *.?
ZOREN POSTs SWEET MESSAGE TO MAVY-CASSY
Samantala, ipinost din ni Zoren Legaspi, ama nina Mavy at Cassy, sa Instagram ang video ng naging dinner ng kambal na anak kasama ang iba pa nilang co-hosts sa Eat Bulaga!.
Bukod kina Mavy, Cassy, Dasuri, at Michael, present din sa nasabing dinner sina Winwyn Marquez at Arra San Agustin.
Mababasa sa caption ni Zoren, “Keep Smiling guys @cassy @mavylegaspi its good to have GENUINE FRIENDS [red heart emojis] ingat kayo…say thank you kay Win for the Dinner. #real #friends #genuine.”
Agad naman itong nireplayan ni Carmina ng, “Maraming salamat sa mga tunay na nagmamahal sa mga anak namin. Mahal din namin kayo @cassy @mavylegaspi enjoy lang kayo! Love you guys! Family is [heart emoji].”
News
Gary Valenciano INATAKE SA KALAGITNAAN NG CONCERT, Gary V AGAD ISINUGOD SA MALAPIT NA OSPITAL
Gary Valenciano brought to hospital after cutting his Pure Energy concert short Gary Valenciano‘s performance of Pure Energy: One More Time at…
Did Aga Muhlach’s Son Just Make a Bold Move? Richard Gomez on daughter Juliana dating: ‘Hindi mo naman pwede pigilan’
Richard Gomez opens up about Aga Muhlach’s son asking daughter Juliana to be his prom date Richard Gomez narrates how…
NAKAKAIYAK Na REAKSYON Ng MGA ARTISTA Sa PAGPANAW Ng KAPATID Ni Kyle Echarri
Kyle Echarri nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: I didn’t lose my sister… I just got a new angel PUMANAW na…
ACTUAL VIDEO ng PAGIYAK ni Catriona Gray sa TABI ni Sam Milby sa Concert ni Tj Monterde
Catriona Gray caught on cam crying at TJ Monterde’s concert Netizen: “Umattend lang ng concert, napa-relapse pa.” Catriona Gray was…
Luis Manzano, Jessy at Vilma Santos Na-SHOCK! Marunong ng Makipag-Usap at KUMANTA si Baby Peanut
Luis Manzano, Jessy Mendiola, and Vilma Santos in Shock as Baby Peanut Starts Talking and Singing! A heartwarming milestone has…
Nakakabigla Naman! Malungkot na Pamamaalam ng Kaibigan ng Ilang Hosts sa It’s Showtime! Alamin!
Isang nakakagulat at malungkot na balita ang kumalat kamakailan sa mundo ng showbiz nang magbigay ng pamamaalam ang isang malapit…
End of content
No more pages to load