Chloe San Jose pens heartwarming birthday message for boyfriend Carlos Yulo.

Dinepensahan ni Chloe San Jose ang nobyong si Carlos Yulo kaugnay ng samu’t saring batikos nang magdiwang ang champion gymnast ng kanyang ika-25 kaarawan.
Noong February 16, 2025, nag-post si Chloe sa social media ng mga larawan nila ni Carlos na kuha sa naging selebrasyon ng birthday ng two-time Paris Olympics gold medalist.
Sa Ho Chi Minh City, Vietnam, ipinagdiwang ni Carlos ang kanyang kaarawan kasama si Chloe.
Sa caption ng post, pinasalamatan ni Chloe si Carlos sa ligaya at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanilang relasyon.
Mensahe ni Chloe para kay Carlos (published as is): “To my favourite person in the universe and my heart’s biggest blessing, happy 25th birthday mahal ko Carlos.
“I wish you nothing but the best and the fulfillment of every dream you hold close to your heart
“I’m beyond grateful to love you, laugh with you, and grow with you—thank you Lord God. Here’s to more birthdays to come and celebrate together, forever.”
WHERE IS Carlos’s family?
Sa comments section ng post ni Chloe sa Facebook ay may ilang netizens ang nagtanong kung bakit wala ang pamilya ni Carlos sa selebrasyon.
Inakusahan ng isang netizen si Carlos na hindi nag-imbita ng sariling pamilya.
Komento ng netizen (published as is), “Hindi talaga niya invite yong familya niya.”
Hindi ito pinalampas ni Chloe at nag-reply sa netizen.
Depensa niya, bakit aanyayahan ni Carlos ang pamilya kung kahit pagbati ay wala raw natanggap si Carlos mula sa mga ito.
Ani Chloe (published as is): “Why would you invite people to your birthday when they don’t even bother making an effort to greet and celebrate you, kung gusto mo yung mga ganong bisita sa birthday mo ikaw na lang sis.”

Isang netizen naman ang pumansin na masaya nga raw si Carlos sa piling ni Chloe, ngunit hindi man lang daw nito inisip ang sariling pamilya.
Saad ng netizen (published as is), “Nagpapakasaya ka pero ang magulang mo d mo pinapansin…happy???”
Buwelta rito ni Chloe: “Yes sis happy si Caloy, which makes y’all haters shake and your blood boil lmao.
“Eh yung mga relatives niya kaya naisip mo ba if pinapansin/pinansin and binati man lang nila si Caloy? The double standard.”

THE YULO FAMILY CONFLICT
Matagal-tagal nang sinusubaybayan at pinag-uusapan online ang alitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya.
Partikular na ang hindi pagkakaunawaan ng mag-inang Angelica Yulo at Carlos.
Samu’t saring paratang at batikos ang nakukuha ni Carlos mula nang sumambulat sa publiko ang pananabla at pagdedeadma umano niya sa kanyang pamilya, at ang pagpili at pagtatanggol nito sa nobyang si Chloe.
Si Chloe rin ang sinisisi ni Angelica na sumira sa relasyon nilang mag-ina.
Nagsimulang matuon ang atensiyon ng publiko sa gusot sa pamilya Yulo isang araw matapos manalo si Carlos ng unang medalyang ginto sa Paris Olympics 2024 men’s gymnastics floor exercise noong August 3, 2024.
Kinabukasan, August 4, nagbigay ng panayam ang kanyang inang si Angelica sa media upang bigyang linaw ang unti-unti nang nalalantad na hidwaan nila ng anak.
Ayon sa haka-haka ay hindi maayos ang relasyon ng dalawa dahil sa usapin ng pera.
May mga netizen na nag-akusang “mukhang pera” si Angelica at naghahabol umano ito sa perang kinikita ng anak bilang atleta para sa national team.
May mga nagsabi pang winaldas umano ng pamilya ni Carlos ang perang galing sa mga kumpetisyong sinalihan nito nang walang pahintulot mula sa 25-anyos na atleta.
Bagay na mariing itinanggi ni Angelica.
Sa pagpapainterbyu sa media ng ina ni Carlos noong August 4, ipinagtanggol niya ang sarili laban sa mga akusasyong kumakalat online, partikular na ang umano’y pagkamkam niya sa perang kinikita ng anak.
Ayon kay Angelica, bagamat hawak niya ang bank passbook ng anak ay hindi niya ito kailanman inangkin at itinuring na sariling pera niya.
Bukod sa usaping pera, lumabas ding hindi gusto ni Angelica ang girlfriend ni Carlos na si Chloe.
Sa nasabing interview noon ay tinanong si Angelica kung ano sa palagay niya ang naging mitsa ng hindi nila pagkakaunawaan ng anak.
Sagot ng ina, “Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga. Lalong lumaki [ang hidwaan].”
Pakiramdam daw ni Angelica ay nilalayo ni Chloe si Carlos sa pamilya nito.
Sabi ni Angelica, “Oo, alam ko, gusto nilang magkasama. Gusto niyang makasama si Caloy, gusto rin siyang makasama ni Caloy.”
CARLOS DEFENDS CHLOE against ANGELICA’S STATEMENT
August 6, si Carlos naman ang nagsalita nang mag-post siya ng video sa TikTok.
Inisa-isa niyang sinagot ang mga pahayag ng ina laban sa kanya at lalo’t higit sa girlfriend niyang si Chloe.
Diin ni Carlos, hindi totoo ang iniisip ni Angelica na hinuhuthutan lamang ng pera ni Chloe si Carlos kaya ito nakipagrelasyon sa anak.
Kinabukasan, August 7, si Angelica naman ang nagpatawag ng presscon para tuldukan na ang hindi mahintong sagutan at siraan nila ng anak sa social media.
Dito, mangiyak-ngiyak na humingi ng tawad si Angelica kay Carlos sa lahat ng nasabi nito na nakasama sa imahe ng kanyang anak.
Sa pinakahuling ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) patungkol sa real-life family drama ni Carlos ay inakala ng marami na nagkaayos na sila.
Ito ay matapos makitang magkasama si Carlos at ang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew Yulo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) awards night na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel noong Enero 27, 2025.
Naging isyu pa nga ang 10-second video ng pagpapaalam ni Carlos kay Chloe kung isasabay ba nila sa pag-uwi si Eldrew.
Ito ay kahit nakita namang masayang nag-akbayan ang magkapatid matapos parehong makatanggap ng award.
May mga lumabas ding larawan kung saan makikitang nasa loob ng kanilang sasakyan sina Carlos at Chloe, matapos ihatid ng magkasintahan si Eldrew, habang kumakaway sa kanila ang nakatanaw na ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo.
Ngunit tila hindi pa lubos naghihilom ang mga sugat na dulot ng hidwaan ng pamilya Yulo.
News
UNSEEN FOOTAGE! Reaksyon ni Kathryn Bernardo di Kinaya KILIG ng SULYAPAN ni Andres Muhlach sa Stage (VIDEO)
BREAKING NEWS: UNSEEN FOOTAGE! Kathryn Bernardo’s Reaction Says It All—Can’t Handle the KILIG from Andres Muhlach’s Gaze on Stage! A…
REAKSYON ni Coco Martin Di MAPINTA Ang MUKHA ng Makita HARAP-HARAPAN si Doc Analyn Jillian Ward
Jillian Ward ‘di umubra sa angas ni Coco Martin Hindi kinaya ng serye ni Jillian Ward na ‘Abot-Kamay na Pangarap’…
“NAKADUDUROG ng PUSO! Billy Crawford EMOSYONAL na INALAYO sa ANAK na si Baby AMARI Dahil sa Daming PROYEKTO!”
💔 Breaking News: “NAKADUDUROG ng PUSO! Billy Crawford EMOSYONAL na INALAYO sa ANAK na si Baby AMARI Dahil sa Daming…
Sarah Geronimo Brought to Tears by Matteo Guidicelli’s Emotional Graduation Speech as BSBA Graduate
BREAKING NEWS: Sarah Geronimo Brought to Tears by Matteo Guidicelli’s Emotional Graduation Speech as BSBA Graduate It was an emotional…
SHOCK: Gaano kayaman si Andi Eigenmann? Ang katotohanan tungkol sa ari-arian at ang tunay na may-ari nito ay nakakagulat.
Andi Eigenmann – a famous actress in the Philippine entertainment industry – not only impresses with her simple lifestyle in…
Janine Gutierrez Recalls The First HOT Onscreen With Jericho Rosales
Janine Gutierrez Recalls First Onscreen Kiss With Jericho Rosales No, they weren’t dating yet at the time! PHOTO: Instagram/janinegutierrez, YouTube/Janine…
End of content
No more pages to load