Lalong lumaki ang isyu sa pagitan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda at dalawang guest/contestant sa segment ng It’s Showtime na Expecially For You na sina Christine at Axel.
Matapos ang paglalabas ng official statement ng It’s Showtime Family sa pangunguna ni Vice Ganda kung saan binawi niya ang kanyang naging tweet kung saam humingi siya ng paumanhin kay Axel sa mga masasakit na salitang binitawan niya laban rito matapos ang insidenteng pagtatangka niyang magnakaw ng halik kay Christine.
Sa official statement ng It’s Showtime na ipinahayag nila noong martes June 4, 2024, sinabi ni Vice Ganda na nakausap niya sina Axel at Christine. Inamin umano ni Christine na totoong na-off siya sa ginawa ni Axel at nabastusan sa gesture nito.
Nakausap rin umano niya si Axel at naipaliwanag rito ang buong pangyayari dahilan para bawiin niya ang kanyang paumanhin.
Iginiit ni Vice Ganda na walang mali sa kanyang ginawa kay Axel dahil ginawa lamang umano niya ang kanyang responsibilidad na protektahan ang mga guest ng kanilang show.
Inakala ng mga netizens na matatapos na ang usaping ito subalit, tila lalong gumulo ang lahat ng lumabas ang video ni Christine na umiiyak habang kausap ang isang staff ng It’s Showtime dahil tila ginawa umano siyang sinungaling mga ito. Pahiwatig na hindi naman talaga niya binawi ang kanyang naging pahayag noon na walang masama sa ginawa ni Axel sa kanya at naiintindihan niya ang binata.
Lumalabas na pinilit ng It’s Showtime si Christine na bawiin ang kanyang pagtatanggol kay Axel para lalabas sa madlang pipol na tama lamang ang ginawa ni Vice Ganda na pagsaway kay Axel.
Subalit, dahil sa naging pahayag ni Vice Ganda si Christine naman ang pinuntirya ng mga bashers at tinatawag na sinungaling at clout chaser dahil sa nangyari. Hindi ito matanggap ni Christine kaya nilabas na nila ang video kung saan nagrereklamo siya sa isang staff ng It’s Showtime dahil pinagmukha umano siya ng mga ito na sinungaling.
Maging si Axel ay naninindigan rin sa kanyang naunang pahayag kung saan iginiit niyang wala siyang balak na halikan si Christine dahil bro-code lamang daw ang balak niya una pa lamang.
“Explain ko lang yung nangyari sa Showtime Expecially For You. Syempre hindi ako napili. Lalapit na ako kay Christine syempre nakaamba na yung kamay niya ng apir. Ginawa ko, nakipag-apir ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya.
“Ang balak ko talaga sana ay bro-code. Yung bro-code na yon yung shake hands, after shake hands didikit yung balikat tapos tap sa likod for comfort.”
News
Nasapawan Si Kapuso Star, Kapamilya Aktres Bagong Primetime Queen?
Mainit na pinagdedebatehan ngayon ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagiging bagong…
Andi Eigenmann, Nag-React Matapos Mapabilang Ni Jaclyn Jose Sa ‘Memoriam’ Ng Oscars 2025
Nagbigay ng reaksyon si Andi Eigenmann, isang dating aktres, hinggil sa pagkilala sa kanyang ina na si Jaclyn Jose,…
Lolit Solis: Walang experience si Bong sa beki, hindi complete buhay niya
Lolit Solis at Bong Revilla PINAIYAK ni Manay Lolit Solis ang kanyang alagang si Sen. Bong Revilla, Jr. sa naging…
Jaclyn Jose honored in Oscars’ In Memoriam segment
The late screen actress Jaclyn Jose was honored and remembered in the In Memoriam segment of the recently concluded 2025…
Darren Wang under investigation for alleged attempted murder
Darren reportedly hired a hitman to beat a ride-hailing driver and dispatcher. Taiwanese actor Darren Wang is reportedly under investigation…
Carmina Villarroel tears up as she tells twins: ‘Hindi kami ang kontrabida ng buhay niyo’
Carmina Villarroel turned emotional when she gave her kids Mavy and Cassy Legaspi a special message on “Sarap, ‘Di Ba?”…
End of content
No more pages to load