Claudine Barretto: “A crime is a crime.”

Claudine Barretto shares a cryptic message on Instagram to her best friend Katrina Paula (right, in both photos) and fans about a recent event leading to a fallout between her and some close alies whom she thought was family.
Ikinalungkot ni Claudine Barretto na nawalan siya ng dalawang malapit na kaibigan nitong nakalipas na araw dahil sa totoong konsepto ng “LOYALTY.”
Sa Instagram ngayong Huwebes, February 6, 2025, nagbahagi si Claudine ng Reel nila ng matalik na kaibigan na si Katrina Paula.
Sa caption ay tila nagsumbong si Claudine kay Paula at sa followers niya tungkol sa mga kaibigang ikinakala niyang pamilya rin ang turing sa kanya.
Basa sa caption, may kinalaman sa pera ang naging hidwaan ni Claudine at sa hindi niya pinangalanang mga tao.
Makahulugang post ni Claudine (published as is), “@realkatrinapaula the other day i lost 2 of what i thought is like family to me.
“It’s sad when people cannot understand the concept of LOYALTY!!!
“ang tatanda na natin d parin alam meaning nito.
“Palanggas if someone used you’re name to borrow money without your knowledge then nahuli mo, report to the police & guess what tama ba na ayaw mag witness kasi ayaw nila ng gulo.
“tapos sasabihan ka wala silang ibang ginawa but to HELP U???!!! WHAT????”
Kahit alam naman daw ng hindi niya pinangalanang mga indibidwal na wala siyang kinalaman sa isyu, pero ayaw pa rin daw ituro ng mga ito ang totoong may sala.
Ang nasa isip daw nila ay para hindi sila madadamay sa kung ano man ang isyung pinag-usapan nila.
Aniya, “Alam nyo na nga d ako yun at umamin na yung totoo ng gumamit ng name mo & yet saan dun as friends did u protect me. a crime is a crime
“what’s funny is that they think d sila madadamay coz lalabas rin mga names nila?”
CLAUDINE BARRETTO: “RUN AWAY FROM THESE KINDS OF PEOPLE!!!”
May payo pa si Claudine sa kanyang mga tagahanga.
Baka raw may mga kaibigan silang alam ang katotohanan pero ayaw panindigan at sa halip ay pumanig pa sa mga may sala.
Saad niya, “haayyy… Palanggas pls know that if a friend or friends know that you are telling the truth & won’t stand up to witness on youre behalf & sides with a criminal RED FLAG RUN AWAY FROM THESE KINDS OF PEOPLE!!!
“THEY ARE DANGEROUS.”
Mensahe pa niya sa taong aniya’y tinalikuran ang kanilang pagkakaibigan, “at sa nakasira ng relationship namin friends sana masaya ka na?
“pang ilang kaibigan ang umiwas nalang coz of your attitude and negativity.
“but also THANK U SO MUCH dahil alam ko na kung anong mga klaseng mga tao sila.”
Sa comments section ay may ilang followers na nakisimpatiya sa bagong hugot ng aktres:

News
Christine at Axel Sinupalpal Si Vice Ganda Dahil Sa Maling Statement Nito Sa Showtime!
Lalong lumaki ang isyu sa pagitan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda at dalawang guest/contestant sa segment…
Nasapawan Si Kapuso Star, Kapamilya Aktres Bagong Primetime Queen?
Mainit na pinagdedebatehan ngayon ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagiging bagong…
Andi Eigenmann, Nag-React Matapos Mapabilang Ni Jaclyn Jose Sa ‘Memoriam’ Ng Oscars 2025
Nagbigay ng reaksyon si Andi Eigenmann, isang dating aktres, hinggil sa pagkilala sa kanyang ina na si Jaclyn Jose,…
Lolit Solis: Walang experience si Bong sa beki, hindi complete buhay niya
Lolit Solis at Bong Revilla PINAIYAK ni Manay Lolit Solis ang kanyang alagang si Sen. Bong Revilla, Jr. sa naging…
Jaclyn Jose honored in Oscars’ In Memoriam segment
The late screen actress Jaclyn Jose was honored and remembered in the In Memoriam segment of the recently concluded 2025…
Darren Wang under investigation for alleged attempted murder
Darren reportedly hired a hitman to beat a ride-hailing driver and dispatcher. Taiwanese actor Darren Wang is reportedly under investigation…
End of content
No more pages to load