Julia Montes celebrates 27th birthday on the set of Ang Probinsyano.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday
Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday. 



PHOTO/S: Courtesy: Jennifer Cruz Adriano on Facebook

Mangiyak-ngiyak si Julia Montes sa birthday surprise na pinangunahan ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin.

Noong March 19, 2022 pa ang ika-27 kaarawan ni Julia. Pero kahapon, March 20, siya kinantahan at inalayan ng cake ni Coco at ng lahat ng mga kasamahan niya sa Kapamilya prime-time series na Ang Probinsyano.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Ayon kay Rosanna Roses, na bahagi rin ng teleserye, abala kasi ang lahat sa taping kaya medyo naantala ang sorpresa para kay Julia.

Buong caption ni Rosanna sa video na kanyang ibinahagi sa Facebook: “Yeyyyy kanina lang sya nakantahan. Dami kasi work ng lahat.”

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

In-upload din ito ni Rosanna sa kanyang Instagram, at iba naman ang isinulat niyang caption. Mas maiksi rin ang video na ito kaysa na-upload niya sa Facebook.

Saad ng aktres, “Happy Birthday bebe juls we love you @montesjulia08

Kitang-kita naman ang kasiyahan sa mukha ni Julia sa sorpresa sa kanya ng mga katrabaho.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Sa isang bahagi ng video, makikitang hinalikan ni Coco si Julia sa pisngi.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Sa bandang dulo naman ay nagyakapan ang magkasintahan.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Kinilig naman ang kanilang mga katrabaho sa sweet moments ng dalawa.

THE COCO-JULIA RUMORED RELATIONSHIP

Matagal nang napapabalitang magkarelasyon sina Coco at Julia, pero hindi pa rin sila direktang umaamin hanggang ngayon.

August 2016, hindi itinanggi ni Julia na si Coco ang pinakamalapit na lalaki sa kanya.

Aniya, “Flattered naman po. Kasi kahit ako, kapag ako natatanong, siya naman po ang close ko, siya rin ang…”

October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.

Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.

Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.

Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.

December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.

Enero ng taong 2018, sa grand presscon ng Asintado, ang pinagbidahang panghapong serye ni Julia noon sa ABS-CBN, isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan upang ma-interview ang cast.

Dito ay inusisa namin si Julia kung bakit hindi mamatay-matay ang isyung may relasyon sila ni Coco.

Sagot ng aktres, “Kasi siguro, close talaga kami.

“Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.

“Hindi siya yung, parang, after work, wala na. May communication pa rin.”

Sa tanong kung perfect boyfriend ba si Coco, nakangiting sabi ni Julia, “Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal.

“So, kung as a boyfriend, yes.”