Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung ano nga ba ang puno’t-dulo nang alitan nina Kris Aquino at Ai-Ai Delas Alas. At sa unang pagkakataon, nasagot ito sa pamamagitan ni Cristy Fermin na ibinunyag niya ang totoong dahilan ng alitan ng dalawa.



Mas lalo itong napag-usapan nang lumabas ang balita kung saan sinabi ni Ai-Ai na inaasahan niya ang agarang paggaling ng lumalalang sakit ni Kris.

Matatandaang naging usap-usapn ang tungkol sa lalong paglubha ng sakit ni Kris nitong mga nakaraang linggo.

Pagbubunyag ni Cristy sa kanyang program na Showbiz Now Na, si James Yap na dating asawa ni Kris at ama ng anak nitong si Bimby ang dahilan ng kanilang pag-aaway.

 

Ani Cristy, kay Ai-Ai lumalapit noon si Kris tuwing may problema sila ng dati niyang karelasyon.

“Noong mga panahon na nagkakaroon ng problema si James Yap at saka si Kris Aquino, ang tinatawagan palagi ni Kris, si Ai-Ai,” saad ni Cristy.

Paliwanag ni Cristy, kampante si Cristy kay Ai-Ai dahil sa pagiging mag-friendship nilang dalawa. Payo umano ni Ai-Ai kay Kris, “isauli” na lamang si James sa nanay nito kung hindi na siya masaya sa kanilang pagsasama.

Ngunit nang dumating ang panahon na nagkaayos na sila, tila “nilaglag” umano ni Kris si Ai-Ai kay James nang sabihin sa kanya ang payo ng komedyante.

“Sinabi niya iyon, ni Kris, noong magbati na sila ni James Yap na, ‘You know what, si Ai-Ai, she told me na ibalik na lang kita sa nanay mo,’” ani Cristy.

Ikinagalit naman ni James ang mga sinabi ni Ai-Ai at kinompronta umano ito sa tila pakikialam umano nito sa kanya.

Dagdag naman ng co-host ni Cristy na si Morly, nagkaroon umano ng sumbatan sa pagitan nina Ai-Ai at Kris nang magkita ang dalawa.

Dinepensahan naman ni Cristy si Ai-Ai dahil umano sa pagiging mabuting tao nito.

Sina Kris at Ai-Ai ay naging malapit sa isa’t-isa nang magsama sila bilang mga judges sa talent reality show na Pilipinas Got Talent.