Naglabas ng saloobin si Criza Taa matapos mag-viral noong nakaraang linggo ang pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan nina Andrea Brillantes.
Inamin na ni Criza Taa sa pamamagitan ng kanyang mga reposted post at mga pahayag sa social media na tinapos na niya ang kanilang pagkakaibigan ni Andrea Brillantes.
Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nagkasira na ang pagkakaibigan ng ABCD Girls. Marami ang naghinalang malalim ang pinanghuhugutan ni Criza Taa sa mga naging pahayag niya sa social media patungkol sa isang tao na hindi nasira ang reputasyon dahil sa kanyang pananahimik.
Lalo pang tumibay ang mga haka-hakang hindi na sila magkaibigan nina Andrea Brillantes matapos siyang hindi na mamataan sa yacht birthday party ni Andrea Brillantes sa pagsalubog sa kanyang ika-21 na kaarawan.
Marami rin ang nakapansin na tanging si Criza lamang ang hindi invited sa nasabing event habang naroon naman sina Danica at Bea kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
Sa ngayon ay hindi pa naman malinaw kung ano talaga ang dahilan ng pagkakasira ng pagkakaibigan ng dalawa. Marami naman ang nababahala ngayong mga fans ng ABCD Girls sa pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan lalo na’t kung pagbabasehan naman ang mga post ni Criza Taa ay nais lamang niyang mapabuti ang kanyang kaibigan.
Samantala, patuloy namang hinihintay ng kanilang mga tagahanga ang pagbubunyag ni Criza Taa sa totoong dahilan ng kanilang pag-aaway o kaya naman ni Andrea Brillantes.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load