Daniel Padilla describes separation with Kathryn Bernardo as “dark times.”

Inamin ni Daniel Padilla na nakaramdam siya ng takot nang paghiwalayin sila ng reel-and-real-life sweetheart niyang si Kathryn Bernardo at itinambal ang dalaga sa Kapuso actor na si Alden Richards.
Tumagal ng isang buwan ang shooting nina Kathryn at Alden sa Hong Kong para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.
Nanibago at nahirapan daw si Daniel na magkalayo sila ng nobya.
“Kasi we’ve been working for eight years together nang on cam, off cam, kami magkasama.
“And now aalis siya, pupunta siya sa Hong Kong for a month.
“It’s different. Takot tayo sa mga bagay na iba,” pag-amin ni Daniel.
Nakapanayam si Daniel ng TV host na si Boy Abunda sa late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, na umere kagabi, December 2.
Patuloy ni Daniel, “Ano nga bang dahilan ng separation na ito? She’s gonna have a movie and tungkol saan ba? It’s about love.
“Siyempre, ikaw, bilang lalaki, ‘Oh my gosh, iba yung partner! Ta’s ang layo. Makalipad nga dun.’ Hahaha! Ginawa ko.”
Ang tinutukoy ni Daniel ay ang sorpresa niyang pagbisita kay Kathryn noong kasagsagan ng shooting ng dalaga sa Hong Kong.
Naging viral pa noon ang video kunsaan napalundag si Kathryn nang makita si Daniel dahil sobrang na-miss nila ang isa’t isa.
Noong panahong iyon ay hindi pa personal na nagkakakilala sina Daniel at Alden.
JEALOUS OF ALDEN?
Nagselos ba si Daniel kay Alden?
Sagot ni Daniel, “Selos, masyadong mababaw ang salitang selos.
“Hindi siya selos, e. It’s more of it’s just different. It’s a different feeling.
“Kasi yung selos makukuha mo lang ‘yan kung saan-saan, e. Ito, ibang usapan siya, e.”
Ang tanging malinaw raw kay Daniel ay nasubok ang tatag ng relasyon nila ni Kathryn.
“Dun nagkaroon ng security, dun kami lalong naging tight ni Kathryn dahil doon.
“And noong umalis siya, nandun ako sa punto na I was in dark times noong nangyari yun.
News
CLAUDINE BARRETTO NILABAS NA ANG MALAKING LIHIM TUNGKOL SA PAGPANAW NI RICO YAN!
Claudine Barretto sinisi ang sarili sa pagkamatay ni Rico Yan Claudine Barretto TULUYAN nang binasag ng aktres na…
GMA Network, May Pahayag Na Ukol Sa Hiwalayan Nina Carla at Tom, Ano Kaya Ito?
Hindi lamang mga tagahanga at malalapit na kaibigan nina Carla at Tom ang labis na nalungkot sa hiwalayan ng dalawa….
Bea Alonzo, ipinaliwanag kung bakit ‘di na niya hinahanap ang tunay niyang ama
Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ipinaliwanag ni Bea Alonzo kung bakit hindi na niya hinahanap ang tunay niyang…
PRISCILLA MEIRELLES NAGSALITA NA! ISINAPUBLIKO ANG NANGYARI SA KANILA NI JANICE DE BELEN
Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay? PATULOY pa ring pinag-uusapan ng mga Marites ang mga maaanghang…
NAKAKAKILABOT! COCO MARTIN may inamin tungkol sa pagpanaw ni JACLYN JOSE
Coco Martin says he had premonition about Jaclyn Jose’s death Coco Martin recalls Jaclyn Jose’s last taping day for FPJ’s…
Angelica Panganiban details surgery for avascular necrosis
Angelica Panganiban chronicles hip replacement surgery Angelica was in chronic pain for two years due to avascular necrosis. Angelica Panganiban…
End of content
No more pages to load