Darren reportedly hired a hitman to beat a ride-hailing driver and dispatcher.

Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang Taiwanese actor na si Darren Wang, 33, matapos siyang akusahan ng attempted murder.
Si Darren (Ta Lu Wang) ay kilala sa kanyang coming-of-age film na Our Times (2015) at sa Netflix movie na No More Bets (2023).
Ayon sa ulat ng ilang Taiwanese news sites, dalawang katao ang nagreklamo sa pulisya na binugbog umano sila ng taong inutusan ni Darren.
Nangyari ang insidente nang bumalik sa Taiwan si Darren buhat sa bakasyon sa ibang bansa.
Pagkalapag daw ng aktor sa Taoyuan International Airport ay nag-book siya sa isang ride-hailing app ng sasakyang maghahatid sa kanya sa bahay.
Pagdating pa lang ng na-assign na sasakyan ay hindi na umano ito nagustuhan ng aktor dahil mukha raw itong “too poor.”
Hindi rin nasiyahan ang aktor sa serbisyo ng driver dahil kung saan-saan daw ito dumaan.
Nagkaroon ng matinding diskusyon ang driver at si Darren na padabog daw bumaba ng sasakyan.
Pagkatapos ng insidente ay tinawagan umano ng aktor ang kaibigan niyang may apelyidong Yu, at inutusang bugbugin ang driver pati na ang dispatcher ng na-book niyang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtamo ng severe injuries ang driver at dispatcher dahil sa pambubugbog umano sa kanila ng kaibigan ni Darren.
Bagamat hindi pa kumpirmado kung si Darren nga ang nag-utos, sinabi ng kanyang manager na inaalam pa nila ang tunay na pangyayari.
Pahayag nito, “We are in the process of looking into the situation. Thank you.”
Kahapon, March 4, 2025, nagsagawa raw ng raid ang New Taipei City Police Department Criminal Investigation Corps at New Taipei City Yonghe Precinct sa apat na lokasyon upang imbestigahan at i-detain si darren at ang kaibigan nito.
DARREN’s ALLEGED military EVASION SCANDAL
Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Darren sa isang eskandalo.
Ilang linggo lang bago ang insidente ng umano’y pambubugbog, inaresto si Darren ng pulisya matapos nilang mapag-alaman ang planong pag-iwas ni Darren sa mandatory military service na nakatakda na sa March 13.
Kasamang inaresto ni Darren ang siyam pang nagbabalak umanong i-forge ang kanilang medical certificate para hindi matuloy ang pagpasok nila sa military service.
February 18, 2025, nang makalabas si Darren matapos niyang makapagpiyansa ng NT$150,000 o PHP260,000.

Kabilang pa sa mga pelikula ni Darren ay Suddenly Seventeen (2016), 10,000 Miles (2017), A Better Tomorrow (2018), Fall in Love at First Kiss (2019), at The Rookies (2018).
Napanood din siya sa mga drama series na Ghost Blows Out The Light: Mu Ye Gui Shi (2017) at The Wolf (2020).
News
Carmina Villarroel tears up as she tells twins: ‘Hindi kami ang kontrabida ng buhay niyo’
Carmina Villarroel turned emotional when she gave her kids Mavy and Cassy Legaspi a special message on “Sarap, ‘Di Ba?”…
Ryzza Mae Dizon sends a touching message for Vic Sotto’s birthday
Ryzza Mae Dizon Celebrates Vic Sotto’s Birthday Ryzza Mae Dizon: “Happy happy birthday po Bossing! Thank you po sa lahat…
Chloe San Jose accused of ruining Carlos Yulo’s family
Mark Andrew Yulo reposts, likes Facebook post against Chloe San Jose. Gerald Fajardo (right photo, leftmost), a close friend of…
Chloe San Jose shows Angelica Yulo’s degrading posts about her: “I know my truth and so does the people around me.”
Chloe San Jose, girlfriend of two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo, bares her “truth” in a lenghty Facebook post…
Chloe San Jose posts intriguing comment about Jake Zyrus’s mother
Senyora to Chloe San Jose: “Yan ka na naman! Kaya gigil sayo mga matatanda, e.” Chloe San Jose comments on…
Heaven Peralejo says meeting Marco Gallo was a highlight of her ‘PBB’ journey
Heaven Peralejo shared that meeting Marco Gallo was a highlight of her Pinoy Big Brother journey. It can be recalled that Heaven…
End of content
No more pages to load