Darryl Yap: Si Charito Solis ang tumubos sa bangkay ni Pepsi Paloma

Darryl Yap at Charito Solis
MULING nag-share ng update ang controversial director na si Darryl Yap sa madlang pipol tungkol sa kanyang bagong pelikula, ang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
This time, ibinahagi naman niya ang malalim na koneksyon sa isa’t isa ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma at ng namayapa na ring award-winning actress na si Charito Solis.
Sa kanyang Facebook page, nag-post ng throwback photo ng beteranang aktres si Direk Darryl kalakip ang ilang detalye kung bakit naging malapit sila sa isa’t isa ni Pepsi Paloma at kung bakit isinali niya ito sa kanyang bagong obra.
“Kailangan ng bawat isa ng Charito Solis sa kanilang buhay.
“Lingid sa kaalaman ng mga nagmamarunong — ang pagkakaibigan ni Charito Solis at Pepsi Paloma ay higit pa sa pagtuturingan ng magkapwa-artista,” ang simulang pagpapaliwanag ng direktor.
Patuloy pa niya, “Si Charito ang sandalan at hingahan ni Pepsi pagdating sa mga problema at pinagdadaanan sa showbiz.
“Bagamat maraming nagbibida at nagsasabing nauna sila sa Morgue at kung anu-ano pa…kasama ni Charito Solis si Jaclyn Jose na tumungo sa Morgue noon matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Pepsi,” pahayag pa ni Direk Darryl.
Si Charito rin daw ang nag-asikaso sa labi ng namayapang sexy aktres na sumikat noong dekada 80.
“Sa kabila ng katotohanan na naroon ang mga kaibigan nya at manager…Si Charito Solis ang tumubos sa bangkay ni Pepsi.
“Inasikaso niya ito upang maiayos at mapaglamayan. kahit pa nagkasamaan sila ng loob at hindi nag-usap ng ilang taon.
“Kailangan natin ng Charito Solis sa ating buhay; hindi man laging nakakasama, hindi maingay,
nakatampuhan man, hindi ka iiwan hanggang sa dulo.
“#TROPP #TROPP2025. THE RAPISTS OF #PepsiPaloma. CINEMAS • FEBRUARY 2025,” ang kabuuang FB status ni Darryl Yap.
Dagdag pa niya, ito ang unang beses na naisapubliko ang litratong ipinost niya sa Facebook.
Sa biopic ni Pepsi Paloma, ang gaganap bilang Charito Solis ay ang award-winning actress at direktor na si Gina Alajar.
Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens sa comments section ng bagong FB post ni Direk Darryl.
“Darryl Yap Direk umaalab ang aming mga puso at sabik na sabik n kaming lahat matunghayan ang iyong obra maestra sa dulang TROPP #pepsipaloma.”
“Direk isa siyang tunay na mapag kakatiwalan, sa lahat ng bagay at tunay na nag mamahal at malasakit na tunay!salute!Ms.Charito Solis. May Godbless your Soul.”
“Alam ni Charito Solis Yan, Direk Ikaw Nga Lang Nagmamarunong sa Industriya, At Pinaka Perpekto, Magkasama Nmn Sila Si Bossing “Sa Okay Ka Fairy ko”, Yung 80’s na Nangyari Ganun din sa Movie Trailer na maipa2kita, Saka Alam nmn tlga Yung Spoiler.. At Sana On that Age mo Mag Asawa ka Ng Babae.”
“I wonder kung gano naman ka close si Vic at Charito kasi matagal din silang magkasama sa OKFK.”
“Hayan na ang resibo, sa mga nagmamarunong at nagtataas ng kilay kay the late iconic actress Charito Solis sa pagiging close nito kay Pepsi Paloma. Saka naging acting coach pa ni Pepsi, si Charito. Hayan pahiya, na naman bashers and trolls of my brilliant and young director Darryl Yap. God bless you all!”
News
Diana Zubiri opens up on struggles in raising son King amid his cleft palate
Diana Zubiri with her son King. Image: Instagram/@dianazubirismith Diana Zubiri opened up about her struggles as a single mom…
Kim Chiu on ex-boyfriends: “Nagpaalam naman sila nang maayos.”
Kim Chiu: “Sabi nila, ‘Kim, alis na kami! Hahaha!” Kim Chiu says she had closure with ex-boyfriends Xian Lim and…
Maine Mendoza & Arjo Atayde’s Love Story: A Complete Timeline – Did It All Begin with a Coffee Date?
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline Did it start over a coffee date? After more than three years…
SHOCK: Angel Locsin uncovered a shocking secret involving Niel Arce and Maxine Magalona, and she was completely taken aback!
Angel Locsin Shocked by Alleged Secret Involving Niel Arce and Maxine Magalona In a development that has set tongues wagging…
GRABE! WHAMOS CRUZ, NAKAKAGULAT PALA ANG HALAGA NG KANYANG BIRTHDAY PARTY! 🎉💸
BREAKING NEWS: GRABE! WHAMOS CRUZ, NAKAKAGULAT PALA ANG HALAGA NG KANYANG BIRTHDAY PARTY! 🎉💸 Usap-usapan ngayon sa social media ang…
BREAKING NEWS: “JULIA MONTES, WIFE OF COCO MARTIN, REACTS TO HIS DARING SCENE IN ‘BATANG QUIAPO’!”
The entertainment world is once again buzzing after Julia Montes, the rumored wife of actor-director Coco Martin, reacted to his…
End of content
No more pages to load