KC and Aly have yet to confirm or deny the reconciliation rumors.
Did KC Concepcion, Aly Borromeo celebrate Valentine's Day?
Jowa reveal? Did Aly Borromeo just hint at rumored reconciliation with KC Concepcion? 



PHOTO/S: Aly Borromeo on Instagram

Si KC Concepcion kaya ang mystery Valentine date ng dating Azkals player na si Aly Borromeo?

Ito ang tanong ngayon ng netizens matapos magbahagi si Aly ng larawan niyang may ka-date nitong February 14, 2025, sa mismong Valentine’s Day.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinost ni Aly ang larawan niya na may kasamang babae.

Nakasuot ng kulay cream na jacket at naka-pony tail ang nasabing mystery woman.

Hindi matukoy kung sino mismo ang babae dahil tinakpan ni Aly ng heart emoji ang mukha nito.

Kalakip ang nakasulat niyang caption na, “Happy Valentine’s!! [pink heart emoji].”

 

Did KC Concepcion, Aly Borromeo celebrate Valentine's Day?
Photo/s: Screengrab Aly Borromeo on Instagram

Hinala tuloy ng netizens, ang ex-girlfriend ni Aly na si KC ang mystery woman na kanyang ka-date, lalo pa’t kamakailan lang ay nali-link na naman sila sa isa’t isa.

Tulad ni KC, may dimples din ang babae at pareho ang hugis ng kanilang mukha.

KC CONCEPCION AND ALY BORROMEO’S REPORTED SIGHTINGS

Si Aly ay dating team captain ng Azkals, ang national football team na nagrirepresenta sa Pilipinas sa international tournaments.

As early as August 2, 2024, nagpahiwatig si KC na magkasama sila ni Aly sa Paris base sa Instagram Story ni KC. Kita roon ang cropped photo ni Aly.

October 7 nang ibahagi ni KC ang pagdalo niya sa Azkals Celebrity Cup kunsaan kabilang si Aly sa mga manlalaro.

KC Concepcion attends Azkals Celebrity Cup to watch Aly Borromeo

Maliban dito ay walang direktang pahayag si KC sa estado ng kanya ngayong love life, makaraan niyang mahiwalay sa Filipino-Swiss bank manager niyang boyfriend na si Mike Wuethrich.

 

Sharon CUNETA on DAUGHTER KC’s love life

Samantala, kamakailan lang din nang mahingan ng reaksiyon ang mismong ina ni KC na si Sharon Cuneta sa napapabalitang pagbabalikan diumano ng kanyang anak at ex-boyfriend nitong si Aly.

Nang tanungin tungkol sa hinihinalang pagbabalikan nina KC at Aly, ang tanging sagot ni Sharon, “I think we should ask KC. She’s old na, e.”

Hindi raw sa walang alam, kundi ayaw lang ni Sharon na panghimasukan ang personal na buhay ng anak kaya’t hindi siya makapagsalita na walang pahintulot ni KC.

Read: Sharon Cuneta, KC Concepcion reconnect over Christmastime

Saad ng Megastar tungkol kay KC: “Weve talked. I don’t want to betray her trust naman.

“She’s a full-fledged adult. You can ask her. She’d be happy to tell you.

“But I don’t think its my place to talk about her personal stuff.”