Feeding bottle in Coco Martin’s photo sparks baby rumors with Julia Montes anew
In April 2019, Julia allegedly gave birth.
Kapamilya actor Coco Martin’s (left) latest photo goes viral after netizens notice the baby feeding bottle on his kitchen counter while he prepares for Noche Buena on December 24. The photo sparks anew the baby rumors involving the actor and his alleged secret girlfriend, former love team partner Julia Montes (right).
PHOTO/S: @mycocomartin, @montesjulia08 on Instagram
Muling nabuhay ang issue tungkol sa pagkakaroon ng love child nina Coco Martin at Julia Montes.
Ito ay matapos mag-viral ang latest photo ng 39-year-old FPJ’s Ang Probinsyano star nitong Biyernes, December 25.
Ang picture ay naka-post sa Instagram fan page ni Coco na @mycocomartin, kung saan naka-follow si Julia, 25.
Kuha ang litrato sa kusina ng bahay ng aktor habang naghahanda siya ng pagkain para sa Noche Buena nitong December 24.
Sa picture, ngiting-ngiti si Coco sa pagkakatingin sa camera habang nasa harap niya ang gagawing roasted pig.
THe BABY FEEDING BOTTLE IN COCO MARTIN’S BACKGROUND
Pero mas napansin ng eagle-eyed netizens ang blurry background sa litratong iyon ni Coco.
Agaw-eksena para sa kanila ang kulay lime green na baby feeding bottle na nasa kitchen counter sa likuran ng aktor.
Naintriga ang netizens kung bakit may baby feeding bottle sa kusina ni Coco.
Ang fans naman ng dating love team nina Coco at Julia, mabilis na iniugnay kay Julia ang nabanggit na feeding bottle.
Sa Instagram fan page ng shippers nina Coco at Julia, ibinahagi nila ang isang lumang Instagram Story ng kapatid na lalaki ni Julia.
Taong 2019 pa raw kuha ang litrato, kung saan magkakahalong nakapatong sa dining table ang sari-saring pagkain, isang coffee mug, ilang baso, at mga wine bottles.
Kaagad mapapansin sa bandang gitna ng dining table, kahilera ng mga baso, ang isang lime green baby feeding bottle.
Ang kulay at disenyo ng feeding bottle ay parehong-pareho ng nasa kitchen counter ni Coco.
THE GLASSWARES IN JULIA MONTES AND COCO MARTIN’S POSTS
Bukod sa feeding bottle, iniugnay rin ng fans kay Julia ang glasswares na nasa dining table set-up sa isa pang litrato ni Coco nitong December 24.
Ang nabanggit na picture ay naka-post din sa Instagram fan page ng Kapamilya actor.
Tagged ni Julia sa post niyang iyon ang isang home accessories brand.
Sa pagsilip sa Instagram page ng home accessories brand na may shoutout ni Julia, makikitang ang Christmas-themed plates nito ay katulad ng mga platong nasa dining table ni Coco.
Ipinahihiwatig ng fans na magkasama raw nag-Noche Buena sina Coco at Julia.
Hindi naman imposible ito dahil magkapitbahay lang ang dalawa sa isang private subdivision sa Quezon City.
At kung ikokonsidera ang nakakaintrigang baby feeding bottle, ipinahihiwatig ding kasama nina Coco at Julia ang kanilang anak sa pagdiriwang ng Christmas Eve.
COCO AND JULIA’S BABY
October 2018 nang biglaang magpahinga sa showbiz si Julia kasunod ng pagtatapos ng teleserye niya sa ABS-CBN na Asintado.
Kasunod nito, nagpunta sa Germany si Julia upang makapiling doon ang ama niyang German.
Pagsapit ng huling linggo ng March 2019, pumutok ang bali-balitang nanganak si Julia.
Si Coco raw ang ama ng bata.
Makalipas ang ilang araw, kinumpirma ng ilang industry insiders sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isinilang nga ni Julia ang baby nila ni Coco.
Pero sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City, at hindi sa Germany, nanganak ang aktres.
Hanggang ngayon, hindi kinumpirma, pero hindi rin itinanggi, ng sinuman kina Coco at Julia ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply