Gabby: “It would be nice kung yung guy ay magalang, nililigawan ka rin.”

Para kay Gabby Concepcion, hindi importante pero malakas makadagdag pogi points kapag nagbigay-galang sa kanya ang sinumang manliligaw ng anak niyang si KC Concepcion.
“It would be nice kung yung guy ay magalang, nililigawan ka rin. Ang sarap ng feeling. ‘Aba, 100 points ang batang ito!’
“Di ba? ‘Good morning, Sir. I just want you to know I’m going out with your daughter.’ One hundred points ito! Okay na okay. Ganun,” saad ni Gabby.
Alam daw niyang hindi madaling gawin ang ganung gesture ng isang lalaki.
“Siyempre, kung ako rin, halimbawa, liligaw, nahihiya naman ako sabihin sa magulang niya.
“Pero once na makilala ko nang harapan ng ganun, I’ll find that courage to tell the father.”

Inamin din ni Gabby na hindi niya iyon nagawa nang manligaw siya sa ex-wife na si Sharon Cuneta.
Si Sharon ay anak ng yumaong Pasay City mayor Pablo Cuneta at maybahay nitong si Elaine Cuneta.
“I never did that, masyado malayo,” ani Gabby, na nagmuwestra pang mataas ang tingin niya sa ama ni Sharon.
“Pag nakilala mo naman, medyo humble, humble, ‘Yes, Sir.’”
Kumbaga ay nagbibigay-pugay raw siya noon pag nakikita ang ama ni Sharon.
Balik sa present time, idiniin ni Gabby na magandang gesture sa isang binata ang magpaalam sa magulang ng nililigawan.
May naka-100 points ba kay Gabby sa mga manliligaw ni KC?
Sagot niya, “Actually, meron. Non-showbiz.”
Nang sundutin ng press kung nasa mundo ng sports ang nanliligaw kay KC, hindi sumagot si Gabby.
Sabi lang niya, “Ahh… mabait siya, mabait. Sana all. Sana lahat ng lumigaw sa anak mo ganun.
“Malilito ka ngayon. But I think that’s the secret.”
Wala raw kaso kay Gabby sakaling kausapin siya ng manliligaw ni KC.
Dagdag niya, “Minsan nga napa-‘Pare’ ko sila, e, or [natatawag ko sa] first name kasi I feel relaxed with them and I want them to para they can take care of my children.”
Ang dating team captain ng Azkals Philippine football team na si Aly Borromeo ang nauugnay ngayon kay KC.
Sinasabing nagkabalikan ang dalawa matapos mamataan silang magkasama sa ilang okasyon.
Wala pa ring opisyal na pahayag sina KC at Aly ukol dito.
GABBY CONCEPCION’S LOVE ADVICE
Nakapanayam si Gabby ng piling entertainment editors sa presscon ng mWell smart watch and ring noong February 25, 2025.
Simple lang ang payo ni Gabby sa mga anak pagdating sa lovelife:
“If you’re gonna love somebody, loving is part of life, you need to feel that. If you don’t, medyo iba ka.
“But it would be nice also for you to have that feeling. I-all out mo na. That’s all part of the cycle.
“Although if gusto mo maging selfish nang konti, if the guy loves you more than you love him, that’s, for me, better.”
Dagdag pa ni Gabby: “But, love is two ways yan, e.
“I don’t know what your relationship is gonna be with that guy, pero whatever it is, you have to enjoy that moment. Always be happy.”
News
Jennylyn Mercado Naging Emosyonal sa Isiniwalat Tungkol Kay Luis Manzano: Scandalous na Katotohanan na Magpapagalit sa Iyo!
Jennylyn Mercado Naging Emosyonal sa Isiniwalat Tungkol Kay Luis Manzano: Scandalous na Katotohanan na Magpapagalit sa Iyo! Introduction Sa isang…
MANNY PACQUIAO, BINAWALAN ANG MGA ANAK NA LUMAPIT SA INA NA SI JINKEE PACQUIAO!
Breaking News: “Manny Pacquiao Prohibits His Children from Approaching Their Mother, Jinkee Pacquiao!” The boxing legend and former senator Manny…
Joey de Leon says TAPE wanted Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae out of ‘Eat Bulaga’
In this file photo, the hosts of the longest-running noontime show “Eat Bulaga” are seen having a good time. The…
Maine Mendoza recalls Eat Bulaga audition: “I have conquered a lot of my fears…”
Maine Mendoza is “beyond grateful” for blessings that came to her life after surviving her 2015 audition on Eat Bulaga….
SHOWBIZ SHOCK: Nabawi ni Zoren Legaspi ang lahat ng asset mula kay Carmina Villaroel matapos matuklasan ang pagtataksil. Nagulat ang mga netizens sa inilabas na ebidensya
Shocking news is spreading rapidly in the Philippine entertainment industry: actor Zoren Legaspi is said to have recovered…
PUBLIC ANNOUNCEMENT ng KathDen: Katotohanan kina Kathryn at Alden
In a surprising turn of events, the highly anticipated public announcement regarding Kathryn Bernardo and Alden Richards, two of the…
End of content
No more pages to load