Authorities also saw no obvious gas leak signs.

Unti-unti nang lumilitaw ang mga kalunos-lunos na detalye tungkol sa misteryosong pagkamatay ng Oscar-winning American actor na si Gene Hackman, 95, at ng kanyang asawang si Betsy Arakawa, 63.
Natagpuan ang mga walang buhay na katawan nina Hackman, Arakawa, at ng kanilang aso sa tahanan nila sa Santa Fe, New Mexico, USA, noong Miyerkules, Pebrero 26, 2025.
“Partially mummified” na ang bangkay nina Hackman at Arakawa, isang indikasyong matagal na silang binawian ng buhay bago pa man natuklasan ang kanilang mga labi.
Natagpuan sa magkahiwalay na lugar ng tahanan nila ang bangkay ng mag-asawa na 34 taon nang kasal.
THE STATE OF HACKMAN AND ARAKAWA’S BODIES WHEN THEY WERE FOUND
Sa ulat ng mga imbestigador, natagpuan ang bangkay ni Hackman sa labas ng kusina ng kanilang bahay.
Nasa tabi ni Hackman ang kanyang salamin at baston kaya hinihinalang namatay siya dahil sa biglaang pagkatumba.
Si Arakawa ay natagpuan namang nakahiga sa kanyang side sa may banyo, at may portable heater malapit sa tabi niya
May nakita rin silang prescription bottle at mga nakakalat na tabletas sa bathroom countertop na malapit sa katawan ni Arakawa.
Bloated na ang mukha at mummified na ang mga paa at kamay ni Arakawa.
Ang alaga nilang German shepherd ay natagpuan ding patay hind kalayuan sa katawan ni Arakawa.
Ngunit buhay naman nang matagpuan ang dalawa pang alagang aso nina Hackman at Arakawa — ang isa ay malapit sa kinaroroonan ng katawan ni Arakawa at ang isa pa ay nasa labas ng bahay.
Ayon sa search warrant, posibleng may access sa doggy door o maliit na butas sa pintuan na maaaring daanan ng mga aso kaya nakaligtas ang mga ito.
POSSIBLE CAUSE OF THE COUPLE’S DEATH
Hinala ng anak na babae ni Hackman, maaaring namatay ang kanyang ama at si Arakawa dahil sa carbon monoxide leak kaya tumutulong sa imbestigasyon ang New Mexico Gas Company.
Sinabi naman ng isang Santa Fe detective na kahina-hinala ang pagpanaw nina Hackman at Arakawa dahil nakita nilang bahagyang bukas ang pintuan ng harap ng bahay ng mag-asawa kaya nangangailangan ito ng masusing imbestigasyon.
Ayon kay Santa Fe County Sheriff Adan Mendoza, “there could be a multitude of reasons why the door was open.”
Napag-alaman din ng mga imbestigador na walang pahiwatig na nagkaroon ng gas leak sa tahanan ng mga pumanaw, at ito rin ang resulta ng pagsisiyasat ng mga tauhan ng fire department ng New Mexico.
Wala namang nakita ang mga empleyado ng New Mexico Gas Company na mga palatandaang may problema sa mga tubo sa loob at paligid ng tirahan nina Hackman at Arakawa na magdudulot ng carbon monoxide leak.
Wala ring indikasyon ng krimen o foul play bagamat hindi nila ito tuluyang inaalis sa kanilang imbestigasyon.
News
Witness: Mommy Divine wanted to slap Matteo Guidicelli; Sarah Geronimo intervened
Relationship counselor says previous attempts of Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli to get married were thwarted by Mommy Divine. Relationship…
Hot Topic: Mommy Divine Scamming Sarah Geronimo By Asset Transfer To Her Before Her Daugther Weds With Matteo Guidecelli?
Hot topic now in social media is the secret wedding of Sarah Geronimo and long time boyfriend actor Matteo Guidecilli last February 20, 2020…
Mommy Divine, tutol pa rin sa pagmamahalan nina Sarah at Matteo?
Mommy Divine, binatikos ng maraming netizens. Hanggang sa kasal ay tila tutol pa rin si Divine Geronimo (kaliwa) sa pag-iibigan…
Top 10 Most Anticipated Candidates for Miss Universe Philippines 2025
As the highly anticipated Miss Universe Philippines 2025 competition approaches, fans and beauty pageant enthusiasts are eagerly awaiting the showcase…
VP Sara Duterte: Vote based on bets’ accomplishments, plans, not on family name
Vice President Sara Duterte tells voters to look at the candidates’ accomplishments and plans. (Photo from Inday Sara Duterte…
Dina Bonnevie bares near-de@th experience at 23 due to overfatigue
At 62 years of age, Dina Bonnevie is at her prime, but there was a time in her life when she was…
End of content
No more pages to load