Heaven Peralejo: “So, after nung nalaman ko, tumaas talaga yung balahibo ko!”

Nagkaroon na ng world premiere ang pelikulang Lilim sa 54th International Film Festival Rotterdam nitong Enero.
Dinaluhan ito ng lead star na si Heaven Peralejo at direktor ng pelikula na si Mikhail Red.
Lahad ni Heaven, “Grabe, nakakatuwa yung experience!
“First, alam mo yung kaba nandoon, na, ‘Ano kaya ang gagawin ng mga audiences once na mapanood nila yung film?’
“Pero nakakatuwa kasi nagustuhan ng mga foreign audiences, nandun din yung mga kababayan natin na sinuportahan talaga yung film.
“Buti na lang nandun din si Direk para gabayan ako, kumbaga, doon sa festival.
“And siyempre, hindi ko mapupuntahan yung festival na iyon kung hindi rin naman sa Viva, so thankful naman ako.”
HEAVEN PERALEJO GHOST EXPERIENCE
Dahil isang horror film ang Lilim, pinagkuwento si Heaven ng karanasan niya sa tunay na buhay na nakakatakot.
Mayroon nga.
Naganap raw ito noong nakatira si Heaven sa isang condominium unit.
Aniya, “Every night, every night guys, as in hindi ako nagdyu-joke, every night, binabangungot ako.
“Yung bangungot as in yung tipong sumisigaw ako pag gumising ako kasi hindi ko kayang gumising mag-isa.
“Like, alam mo yung hirap na hirap kang gumising? Yung ginagalaw mo yung katawan mo, pero ayaw?
“So, parang pag nagising ka, ‘Aaaahhh!’ Like, ganun talaga. Tapos sabi ko,’ Bakit kaya?’
“Hindi ko naman din alam kung bakit, pero naiinis na ako kasi hindi ako makatulog na mag-isa.”
Pinapunta raw ni Heaven ang lola niya na “nakakakita” ng espiritu sa tirahan niya.
“So iyon pala, all along, nandun lang pala sa may… ‘Heaven, may nakatayo dito,’ sabi ng lola ko. ‘Ha, Talaga ba?’
“Sa corner pala nung kuwarto ko na kung saan ako naka-face, may lalaki daw na nakatingin lang. So ako, ‘Ha?!’
“So, after nung nalaman ko, tumaas talaga yung balahibo ko!”
HEAVEN PERALEJO MOVIE
Samantala, kasama ni Heaven sa Lilim sina Eula Valdes, Ryza Cenon, Mon Confiado, Skywalker David, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, at Phoebe Walker,
Ipapalabas sa mga sinehan ang Lilim simula sa Miyerkules, March 12, mula sa Viva Films.
News
Ivana Alawi reacts to psychic Rudy Baldwin’s grim prediction
Ivana Alawi reacts to psychic Rudy Baldwin’s grim prediction Ivana Alawi: “Walang katotohanan na magkaka-cancer ako.” Ivana Alawi on handling…
Angel Locsin NAGSALITA na sa pagkamatay ng tatay niya NAGPAKITA na sa PUBLIKO!
Ama ni Angel Locsin, kinumpirma ng pamilya na pumanaw na Kinumpirma ng pamilya ng aktres na si Angel Locsin ang…
Netizens slam Karla Estrada for alleged double standard
Karla: “Grabe naman ang comment na ito di na makatao.” Actress-host Karla Estrada to a Kakampink who posted a comment…
Smart-Shaming Ni Karla Estrada Kay Kaladkaren, Pinalagan Ng Netizens!
Naging mainit na usapin sa social media ang biro nina Karla Estrada at Jane De Leon kay Kaladkaren bilang…
Cristine Reyes reveals health condition resulting to severe back pain
Cristine Reyes Naaksid3nte, Bumagsak Tumama Sa Sahig! Nakakaramdam ngayon ng labis na pananakit sa likod ang aktres na si Cristine…
Some AlDub fans still hold on to the hope of an Alden Richards-Maine Mendoza romance
Five Reasons To Love Alden Richards-Yaya Dub tandem of Eat Bulaga At Eat Bulaga, an unlikely love team called “AlDub”…
End of content
No more pages to load