Photo courtesy: Joshua Garcia, Elisse Joson, McCoy De Leon (IG)
Ibahagi
Hindi pa man humuhupa ang kontrobersiyal na “cheating issue” kina Maris Racal at Anthony Jennings, isang pasabog na tsika ang hatid ng showbiz insider na si Ogie Diaz na may kinalaman sa Kapamilya stars na sina Joshua Garcia, Elisse Joson, at McCoy De Leon.
Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” nitong Biyernes, Disyembre 6, nakarating daw sa kaalaman ni Ogie na umano’y nahuli raw sina Joshua at Elisse na nagmo-MOMOL sa naganap na Star Magical Christmas Ball.
Ang MOMOL ay isang akronim at terminong kolokyal na nangangahulugang “Make Out Make Out Lang.” Tumutukoy ito sa isang pisikal na lambingan ng dalawang taong may mababaw na relasyon lamang, o sa iba pang tawag ay “trip-trip” lang.
Karaniwang ginagamit ang salitang ito sa impormal na usapan, lalo na ng kabataan, at madalas ay may kalakip na biro o pag-aalangan depende sa konteksto ng paggamit.
Tsika at Intriga
Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, ‘reresbak’ daw sa araw ng Pasko
“Ang term sa akin ng nagparating sa akin ay MOMOL,” sey ni Ogie.
Hindi raw makapaniwala si Ogie nang makarating nga sa kaniya na umano’y nakitang nagmo-MOMOL daw sina Joshua at Elisse habang nasa ballroom ng pa-event ng Star Magic, ang talent arm management ng ABS-CBN.
Hindi raw lubos-maisip ni Ogie na may tendency raw na magmo-MOMOL ang dalawa. At kung may “kaelyahan” daw, sana hindi sa ballroom ginawa at dumiretso na lang sa isang kuwarto.
Hindi rin daw alam ng source ni Ogie kung saan na raw dumiretso ang dalawa matapos ang nabanggit na sightings.
Nakarating naman daw ito sa partner ni Elisse na si McCoy De Leon, kaya si Joshua raw ngayon ay bantay-sarado ng bodyguards dahil daw sa galit at “banta” ni McCoy na kapag nagkrus ang mga landas nila ng aktor, ay baka may magawa siya rito.
“Makita ko lang ‘to sasapakin ko ‘to, something like that,” dagdag pa ni Ogie, na tila nasabi raw ni McCoy, bagama’t hindi raw siya sure kung iyon talaga ang eksaktong sinabi ng “FPJ’s Batang Quiapo” star.
Payo naman ni Ogie sa lahat ng mga artista, sana raw ay mas maingat pa sila sa mga kilos nila dahil anumang mga nagagawa nilang mali ay maaaring ikasira ng kanilang mga career.
Nakakaloka ito dahil ang alam ng lahat, karelasyon ni Joshua ang French-Filipino golfer na si Emilienne Vigier.
Sina McCoy at Elisse naman ay nagkabalikan at may anak na rin naman sila, na si Baby Felize.
Kaya tanong ni Ogie sa tatlo, bukas daw ang kanilang YouTube channel para sa anumang mga paglilinaw patungkol sa isyung ito ng “MOMOLAN.” Gusto ring kumpirmahin ni Ogie mula kay McCoy kung talaga bang nagalit siya nang makarating sa kaniya ang umano’y momolan sa pagitan ng kaniyang partner na si Elisse, at Joshua.
“Sana naman hindi ito totoo,” nasabi na lamang ni Ogie. “Kasi again, heto na naman tayo sa sinasabi ko, kung nakainom, wala naman problema basta sa tiyan lang ang punta ng alak at hindi rito [turo sa ulo]. Pero dapat, eh iniisip n’yo ‘yong inyong mga career, generally speaking ito ha. Na may career kayo, iyon ang bread and butter n’yo, makakasira ba ito, ‘yong ganiyan. So dapat iniisip ‘yan.”
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon o komento ang tatlo tungkol sa intrigang ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.
News
SHOCKING REVEAL: Who Will Inherit Barbie Hsu’s Hundreds of Millions of Dollars …
SHOCKING REVEAL: Who Will Inherit Barbie Hsu’s Hundreds of Millions of Dollars … In a shocking and highly anticipated announcement,…
JUST IN! Jake Ejercito gets emotional as he details his RETURN with Andei Eignmann!
In a heartfelt and emotional revelation, Jake Ejercito opened up about the painful yet hopeful journey that led to his…
Sunshine Cruz Breaks Down in Emotional Confession About Her Breakup with Atong Ang! (VIDEO)
In a heart-wrenching revelation that has left fans in shock, Sunshine Cruz has finally spoken out about her breakup with…
Carlos Yulo at Chloe San Jose IPINA-TULFO ni Angelica Yulo at Mark Andrew Yulo!
Isang matinding kontrobersya ang bumalot sa buhay ng kilalang international gymnast na si Carlos Yulo matapos isumbong siya ng kanyang…
Pauleen Luna Halos Mapa-IYAK sa Nangyaring Pambu-Bully sa Anak na si Tali Sotto Dahil sa Ama!
Pauleen Luna Halos Mapa-IYAK sa Nangyaring Pambu-Bully sa Anak na si Tali Sotto Dahil sa Ama! Introduksiyon Isang emosyonal na…
Napaiyak si Kim Chiu matapos marinig ang balitang pumanaw ang isa sa kanyang mga die-hard fan. Nagpadala siya sa kanila ng sulat na ganito…
Kim Chiu Heartbroken After An Avid Fan Died Kim Chiu dedicated this post to her avid supporter Kapamilya actress Kim Chiu is…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply