Andrea Brillantes and Sam Fernandez have yet to address the dating rumors.

Is Andrea Brillantes dating varsity basketball player Sam Fernandez?
Andrea Brillantes is embroiled in whispers of romance with varsity basketball player Sam Fernandez after they were spotted on a Valentine’s date.

PHOTO/S: Screengrab on TikTok

May bago na bang karelasyon ang aktres na si Andrea Brillantes?



Ngayong Huwebes, February 20, 2025, pinag-uusapan online ang video na kuha ng isang netizen kunsaan makikita si Andrea na may ka-date umano noong nakaraang Valentine’s Day.

Sa nasabing video, makikita si Andrea habang nakikipag-usap sa isa sa mga staff ng isang restaurant.

Nakasuot ang aktres ng red halter polka-dot mini-dress at red shoes.

Sa kanyang likuran naman ay makikita ang isang lalaking naka-white long-sleeve polo at may hawak na isang bouquet ng pink roses.

Is Andrea Brillantes dating basketball player Sam Fernandez?
Photo/s: Screengrab @TikTok

Kinilala ng netizens ang lalaking kasama ni Andrea sa video bilang si Samuel “Sam” Fernandez, isang Filipino-Jordanian varsity basketball player mula sa San Beda University.

ANDREA POSTS same bouquet OF FLOWERS ON HER TIKTOK VIDEO

February 14, 2025, nag-post si Andrea ng video sa TikTok kunsaan makikitang ibinibida niya ang hawak-hawak na parehong bouquet of pink roses na nakitang hawak ni Sam sa video ng netizen.

Is Andrea Brillantes dating basketball player Sam Fernandez?
Photo/s: Screengrab Andrea Brillantes on TikTok
Is Andrea Brillantes dating basketball player Sam Fernandez?
Photo/s: Screengrab Andrea Brillantes on TikTok

Nagdulot ito ng espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Andrea at Sam.

ANDREA-SAM SIGTHINGS

Ayon sa ilang netizens, hindi noong Araw ng mga Puso ang unang beses na naispatang magkasama sina Andrea at Sam.

Sa Reddit, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan nang makita niya si Andrea sa mismong training ni Sam noon pang 2024.

Andrea Brillantes and Sam Fernandez

Noong December 2024 naman, isang TikTok user ang nag-upload ng video kunsaan makikita sina Andrea at Sam na magkasamang naglalakad sa isang mall.

Is Andrea Brillantes dating basketball player Sam Fernandez?
Photo/s: Screengrab @TikTok

WHO IS SAM FERNANDEZ?

Ayon sa mga impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang buong pangalan ni Sam ay Samuel Fernandez Abuhijleh.

Isinilang siya noong on October 1, 1998 sa Calamba City, Laguna.

Nagsimula ang kanyang basketball career nang maglaro siya sa San Beda Red Cubs, ang high school basketball team ng San Beda.

Ngayon ay naglalaro naman siya sa college basketball team ng San Beda, ang San Beda Red Lions.

sam fernandez san beda red cubs
Sam Fernandez during his San Beda Red Cubs playing days

Andrea admits having suitors

Noong January 21, 2025, inamin ni Andrea na handa na siyang umibig muli matapos ang kanyang mga pinagdaanan sa nakalipas niyang relasyon.

Ang pag-amin na ito ni Andrea ay nangyari nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa ginanap na Star Magic Spotlight.

Bahagyang napag-usapan ang lagay ng puso ni Andrea nang mabanggit ang pagkakahirang sa kanya bilang Top 1 sa 100 Most Beautiful Faces ng TC Candler and Independent Critics noong December 2024.

Dahil dito, tinanong si Andrea kung dumami ba ang mga nanliligaw at nagpaparamdam sa kanya matapos kilalaning numero unong pinakamaganda sa buong mundo, para sa TC Candler and Independent Critics.

Natatawang sagot ng Kapamilya actress: “Before naman akong i-announce na Most [Beautiful], mayroon naman po talaga.

“Pero hindi talaga kasi ako nakaka-focus doon, katulad na last year, like, inaamin ko yon sa kanila na parang, ‘Sorry, pero I don’t really date o, like, ganyan yung hinahanap ko.’

“Pero meron pong mga nagpaparamdam.”

Sundot na tanong sa kanya, “You’e not ready to date this 2025?”

Natigilan saglit si Andrea at kapansin-pansing pinag-isipang mabuti ang kanyang isasagot.

Sinabi niyang noon pa man ay ipinagdasal na niya sa Diyos ang susunod na lalaking kanyang mamahalin.

Aniya: “Sabi ko din naman kasi, yung nagdarasal ako kay Lord, may prayers ako na, ‘Lord, actually I think na nakapag-heal na ako, not hundred percent because nobody has hundred percent healed.’

“Pero I think kasi ang laki na ng growth ko from last year. At the same time, what if I’m just being isolated?

“Na, parang lumalayo lang ako pero ang totoo pala is hindi pa ako nakakapag-heal.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sabi ko, ‘Lord, I don’t know, but maybe I can kung may darating or what.’

“Let’s see, I’m open naman to it, pero I want to be intentional with it. But I’m open.”

Hindi pinangalanan ni Andrea ang mga lalaking nagpaparamdam sa kanya.

ANDREA’S PAST RELATIONSHIP

Sa pagkakaalam ng publiko, ang PBA player na si Ricci Rivero ang huling nakarelasyon ni Andrea.

April 9, 2022 nang maging opisyal silang magkasintahan hanggang sa magkahiwalay sila noong June 2023.

Naging kontrobersiyal ang breakup ng dalawa nang madawit ang pangalan ni Los Baños Laguna councilor Leren Mae Bautista, na siyang itinurong third party sa relasyon nina Ricci at Andrea.

Mabilis pinabulaanan ni Leren na siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Noong October 21, 2023, isinapubliko ni Ricci na kasintahan na niya si Leren.

 

ANDREA’S INVOLVEMENT IN KATHRYN Bernardo-DANIEL padilla BREAKUP

Matapos mahiwalay kay Ricci, nadawit naman ang pangalan ni Andrea sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na isinapubliko noong November 30, 2023.

Si Andrea ang itinurong third party sa breakup ng KathNiel.

Personal pa umanong nakipagkita si Andrea kay Kathryn upang ibunyag ang kanilang naging ugnayan ni Daniel.

Dahil dito, kaliwa’t kanang pambabatikos ang inabot ni Andrea mula sa mga tagahanga nina Kathryn at Daniel, dahilan para ituring siya bilang isa sa pinakakontrobersiyal na personalidad noong 2023.