Coco at Ivana ginalingan ang lampungan, wagi sa rating

Talagang kinarir nga ni Coco Martin ang episode ng Batang Quiapo nung Lunes dahil sinabi naman niya kay Ruru Madrid na pinaghahandaan daw niya ang pagtapat ng Black Rider sa kanila.
Kaya mataas pa rin talaga ang aggregated rating ng Batang Quiapo nung Lunes na naka-15.5 percent habang ang pilot episode ng Black Rider ay 12.1 percent.
Hindi ko napanood ang dalawang programang ‘yun, pero may mga nagku-comment sa FB live ng radio program namin sa DZRH na talagang maaksyon daw ang episode na ‘yun ng Batang Quiapo na kung saan motor nang motor daw si Coco at nakaangkas pa si Ivana Alawi.
Pero ang isa pang maaksyon sa episode na ‘yun ay may bed scene pa ang dalawa. Pa-sexy scene pa na nagustuhan ng televiewers na kalalakihan siguro ang karamihan.
Madrama rin daw ang pagsisimula ng Black Rider na kaabang-abang daw ang susunod na magaganap.
Tingnan natin kung aarya pa nang bonggang-bongga ang Black Rider at makakaya nitong lagpasan ang Batang Quiapo.
Pero ipapaliwanag ko lang itong aggregated na ratings na nakuha sa Nielsen NUTAM PPL.
Kapag aggregated ay ‘yung pinagsama-samang rating ng mga istasyon na simultaneous na napapanood sa iba’t ibang istasyon.
Nakuha namin ang rating ng dalawang seryeng ito mula sa mga istasyong pinagpalabasan ng dalawang seryeng ito.
Ayon sa NUTAM, ang nakuhang rating ng Black Rider ay 10.3 at sa GTV ay 1.8.
Pero ang sa Batang Quiapo, naka-8.3 percent ito sa TV5, 5.2 percent sa A2Z at 2 percent sa Kapamilya Channel.
Kaya lamang talaga sa aggregated ratings ang teleserye ni Coco, dahil sa tatlong istasyon ito napapanood nang magkakasabay na ipinapalabas.
Sabi naman ni Ruru sa amin nung nakapanayam namin sa mediacon ng Black Rider, ayaw naman daw niyang isipin ang pagtatapat at paglalaban ng programa nila ni Coco.
Malaki raw ang paggalang niya sa Kapamilya Primetime King. “To be honest ‘yung competition nandiyan lang po naman ‘yan. Hindi naman po mawawala ‘yan. Pero for me, kesa makipag-compete ako with other people, I’d rather compete with myself. So that everyday, may lagi po akong napapakita at kilala n’yo naman ako eversince ganyan ako.
“Gusto ko lagi akong nag-i-improve. Lagi ko napapatunayan na kaya ko ‘yung mga bagay. So, dun ako mas naka-focus at napagaling,” saad ng Kapuso actor.
Christian, handang ma-in love sa lalaki!
Bukas si Christian Bables sa posibilidad na ma-in love o pumasok sa isang relasyon na hindi kinukuwestiyon ang gender. Posible siyang ma-in love sa kapwa lalaki, pagkatapos niyang magka-girlfriend. “Walang gender ang love,” bulalas ni Christian sa nakaraang mediacon ng Metro Manila Film Festival entry niyang Broken Hearts Trip ng BMC Films, partner ang Smart Films.
“Ang love ay para sa kahit na kanino…puwede nga siya sa animals e. I also agree with direk Andoy (Ranay) that love is for everyone, and for anyone. Ayun yata ‘yung isa sa mga libreng bagay, bagay ba siya? O basta libre sa mundo na puwede natin ma-enjoy, ang pagmamahal.
“Kung io-open ni God ‘yung heart and mind ko for that, why not.”
Napag-usapan ‘yan dahil nga kuwento ng mga bading na sawi sa pag-ibig, ‘yung dumaan sa heartbreak ang tatalakayin ng pelikulang Broken Hearts Trip.
Sabi kasi ni direk Andoy Ranay na bahagi rin sa cast, kagaya ng mga straight na lalaki at babae, ganun din ang mga bading na dumaan sa pagkabigo sa pag-ibig. Kaya tiyak na makaka-relate rin daw ang mga tunay na lalaki at babae sa pelikulang ito.
Ibang bading naman daw dito ang role na gagampanan ni Christian na isang host sa kanilang reality show na sasalihan ng mga bading na heartbroken.
Isa rin siya sa ‘judgers’ kasama sina Tart Carlos at special guest dito na si Jaclyn Jose.
News
Kim Chiu’s feng shui surprise sparks romance rumors with Paulo Avelino
Feng Shui expert says Kim Chiu and Paulo Avelino’s signs are compatible The cast of My Love Will Make You…
Paulo Avelino Hindi Kinayang Sabihin Ng Harapan! Pinaringgan Nalang Si Kim Chiu!
Sa likod ng mga eksena ng seryeng “What’s Wrong with Secretary Kim,” isang nakakatuwang pangyayari ang naganap na nagpasaya…
Carmina Villaroel “Pinag-Resign” Na Ang Mga Anak Niya Sa Eat Bulaga!
Tila hindi na kinaya ng actress na si Carmina Villaroel ang mga natatanggap na pambabatikos at masasakit na salita…
Kylie Padilla Described Relationship with Aljur Abrenica as “Toxic” from the Start
Kapuso actress Kylie Padilla admitted that their relationship with husband Aljur Abrenica underwent toxic stages from the start. As to…
Kylie Padilla, Nais Iwaksi Ang Toxic Masculinity Pagdating Sa Pagpapalaki Ng Dalawang Anak
Nais ipaglaban ni Kylie Padilla, ang celebrity mom, ang pagwawaksi sa toxic masculinity sa pagpapalaki ng kanyang dalawang anak…
Paulo Avelino Inamin Na Ayaw Mahiwalay Kay Kim Chiu Dahil Dito
Puno ng kasiyahan ang kaganapan para sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang pinakabagong event sa…
End of content
No more pages to load