Janice, Matapang na Sumagot sa Tawag Kay Kaila na ‘Anak ng Cheater’!

Kaila Estrada, “nadamay” sa mga isyu ng cast members ng Incognito.

janice de belen daughter kaila estrada

Janice de Belen (left) calls out neizens responsible for “anak ng cheater” meme on her daughter Kaila Estrada (right): “Sana wala kang pagkakamali pag nagba-brand kang ganun. Sana wala kang pagkakamali. Kasi it’s unfair. It’s unfair. You know, when you brand people, you damage their reputation.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Star Creatives Facebook

Nag-level up ang career ni Kaila Estrada this year dahil sa pagganap niya sa mga Kapamilya teleseryeng Linlang at Can’t Buy Me Love.

Sabi tuloy, “Pamilya Kontrabida” si Kaila at ang parents niyang sina John Estrada at Janice de Belen. Ang gagaling magkontrabida!

“OK lang kaysa wala kaming galing. Ha! Ha! Ha! OK lang!” bulalas ni Janice sa mediacon ng MMFF 2024 entry na Espantaho nitong Disyembre 9, 2024, Lunes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

“ANAK NG CHEATER” MEME

Isa rin si Kaila sa pitong bida ng Kapamilya teleseryeng Incognito.

Ang anim pa ay sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, at Anthony Jennings.

incognito cast

Incognito cast members: (L-R) Anthony Jennings, Maris Racal, Ian Veneracion, Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Kaila Estrada, and Baron Geisler. 
Photo/s: Star Creatives Facebook

Ang advance episodes ng Incognito ay nakatakdang mag-umpisa ang streaming sa Netflix sa Enero 17, 2025.

Sa pagputok ng isyu nina Maris, Anthony at ex ni Anthony na si Jamela “Jam” Villanueva, may memes na kesyo pinalitan na ang title ng Incognito at ginawa raw “Cheaters.”

May meme na ang taguri kay Kaila, “anak ng cheater.”

Bilang ina ni Kaila, ano ang pakiramdam doon ni Janice?

Malumanay na tugon ng respetadong aktres, “You know, I hate that people brand other people something like that. Just because…

“Sana wala kang pagkakamali pag nagba-brand kang ganun. Sana wala kang pagkakamali.

“Kasi it’s unfair. It’s unfair. You know, when you brand people, you damage their reputation.

“Unang-una, mahirap kasi pag artista ka, sa panahon ng social media — ano, target practice ka, e. Wala kang magagawa, di ba?

“Kaya lang sana, huwag ganon.

“Because if I remember right, there was an article in TIME magazine, that when the internet was created, it was created for people to be able to connect each other from around the world at any time.

“Di ba, kapag may connection na sinasabi, it should be… di ba, kaya nga may Friendster? Kasi friends, di ba? Di ba?

“So internet should have been a place of knowledge, should have been a place of connection. But now it’s becoming a place of hate. So medyo nakaka-sad.”

Napaka-toxic?

“Nakaka-toxic. Nakakalungkot. Kaya pilitin na lang natin na happy thoughts ang i-post natin,” sambit ni Janice.

“Inspiring thoughts. Inspiring quotations.

“Kasi as it is, napakahirap na ng buhay, di ba? Let’s try to uplift each other, not destroy each other.”

NOEL FERRER

Bago ang Espantaho, naidirek ni Chito S. Roño si Janice de Belen sa mga pelikulang Bakit Kaytagal ng Sandali? (1990), Kailan Ka Magiging Akin (1991), The Healing (2012), at Shake, Rattle and Roll Fourteen: The Invasion (2012).

Kumusta ang pakikipagtrabaho muli kay Direk Chito?

“Sanay na kasi ako sa kanya. So, hindi na niya ako masyadong natatakot,” sabi ni Janice.

“Chinichika ko na siya. But you know, it’s always a joy working with him. Kailangan lang talaga, pag katrabaho mo siya, hindi ka sensitive.

“Yun lang, kasi it’s about the work. It’s nothing personal. I love you!” bulalas ni Janice habang nakatingin kay Direk Chito.

Of course, para sa atin, Janice and Direk Chito are two brilliant artists na talaga namang iginagalang at minamahal natin.

GORGY RULA

Ang horror film na Espantaho ay iprinodyus ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso. Ang nagsulat ng screenplay ay si Chris Martinez.

Maliban kay Janice de Belen, nasa cast ng Espantaho sina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Chanda Romero, Eugene Domingo, JC Santos, Mon Confiado, Tommy Abuel, Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Co, at Archi Adamos.

espantaho stars

Epantaho cast: (from left) Eugene Domingo, Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, Chanda Romero, and Janice de Belen 
Photo/s: Jerry Olea

Kuwento ni Janice, “Actually, nung nag-usap kami ni Atty. Joji over Messenger, gabing-gabi na. Gabing-gabi na.

“Tinanong lang niya sa akin, ‘Anong araw ang mga taping mo?’ Tapos nung sinabi ko sa kanya, ‘OK, kasi may project ako with Chito Roño. Type mo ba?’

“Sabi ko, ‘Oo, bah!’ Tapos the next thing I know, nag-uusap na kami ni Popoy [Caritativo, her manager] ng schedule, ng ano. So it was that easy.

“Hindi na ako nagtanong ng role. Hindi na ako… nung nakuha ko na lang ang script, tsaka na lang. Ibig sabihin, I never even asked. OK lang yon.

“Sometimes, the director itself, magiging reason na for you to accept.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://hotnewsnowus.com - © 2024 News