Echo and Janine look happy and glowing.

Umani ng kilig ang latest post ng aktor na si Jericho Rosales, 45, sa Instagram.
Sa post ni Echo (palayaw ni Jericho) nung Biyernes, February 14, 2025, o sa mismong araw ng Valentine’s Day, ay makikita ito na kasama ang aktres at ladylove na si Janine Gutierrez, 35.
Black and white ang larawan subalit malinaw na nasa swimming pool ang dalawa.
“Vday kids,” caption ni Echo sa kanyang post na may kasamang blushing at sunflower emojis.
Ang kantang “Until I Found You” ng American singer-songwriter na si Stephen Sanchez naman ang background music na pinili ni Echo para sa kanyang post.
Komento ni Janine sa post ni Echo: “haha cute cute cute [smiling face with hearts emoji]”
SHOWBIZ COLLEAGUES REACT
Hindi naman napigilan ng ilang showbiz personalities na mag-react at magkomento sa nakakakilig na Valentine’s Day post ng Kapamilya actor.
“PARENTS” sambit ng singer at actor na si Darren Espanto.
“Awwwwwwfficial [three smiling faces with heart emojis]” hirit ng host na si Tim Yap.
“Aray” pabirong reaksyon ng komedyanteng si Melai Cantiveros, na kuwelang sinagot ni Janine ng “hahahhaha.”
Marami rin sa mga non-showbiz followers ni Echo ang nag-comment sa post at nagpaabot ng pagbati sa dalawa.
“Omg, sa lahat ng naging partner ni ate nin dito talaga ako kinilig haha chariz!! Love you both,” komento ng isang tagahanga nina Echo at Janine.
“Grabe! This photo and the song [heart emoji]” reaksyon ng isa pang follower ng aktor.
FROM WORKMATES TO LOVERS
Umusbong ang pag-iibigan sa pagitan nina Echo at Janine sa set ng primetime series na Lavender Fields na napanood nung Setyembre 2024 hanggang Enero 2025.
Bago pa man umere ang serye ay maugong na ang haka-hakang nagkakamabutihan ang dalawa matapos na kumalat online ang mga larawan na magkasama ang dalawa sa labas.
Noong Hulyo ay namataan sina Echo at Janine sa National Museum of the Philippines sa Maynila, dahilan para isipin ng marami na nagde-date ang Kapamilya stars.
Maging ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon ay hindi napigilang mag-react sa larawan ng aktres na kuha sa museum.
Pabirong tanong ni Lotlot: “Ah, excuse me, po. Sino po kasama mo nag punta dyan? Hmmmm…”
Sa parehong buwan din ay muling nakitang magkasama sina Echo at Janine sa isang bar sa Katipunan, Quezon City.
JERICHO AND JANINE ON LABEL OF THEIR RELATIONSHIP
Sa press conference ng Lavender Fields nung Agosto 13, 2024, ay diretsahang inamin ni Echo ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Janine.
“We’re getting to know each other. We’re dating,” pag-amin ni Echo, na noong Enero 2024 ay kumpirmadong hiwalay na sa modelo at asawang si Kim Jones.
“I’m in a really, really good moment in my life. My friends know. My family knows. Everything. And it’s time for me to just really go with the flow.”
Sa finale press conference ng Lavender Fields nung Enero 2025 ay ikinuwento ni Janine ang mga katangian ni Echo na nagustuhan niya.
“Super maalaga siya. He would always think of the crew, other cast and lahat ng makasalubong niya. Ang liwanag niya lang sa lahat. He is very kind,” sabi ni Janine.
“I guess what happened to us was unexpected. At first, we just want to be convincing as co-actors in the show.
“We would discuss kung paano namin papagandahin yung scenes.
“I’m just happy na okay siya as a person and as a co-actor.”
Umiwas si Echo na magbigay ng label sa relasyon nila ni Janine, pero inamin niyang gustung-gusto nila ng dalaga ang isa’t isa.
News
RB Chanco overjoyed to glam up Kris Aquino again: I finally got to do her makeup again – something I had hoped for but feared might never happen
RENOWNED makeup artist RB Chanco couldn’t contain her excitement after finally getting the chance to do Kris Aquino’s makeup again…
Cristy Fermin Muling Binanatan Ang Ama ni Liza Soberano Sa Pangungunsinti Nito Sa Pagiging Ungrateful Ng Anak!
Muling inalmahan ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang panibagong pahayag ng ama ni Liza Soberano…
Heart Evangelista Hindi Na Suot Ang Wedding Ring Matapos Ilaglag Ang Apelyido Ni Chiz Escudero
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz ang isyu ng hiwalayan ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz…
Unang Pagkikita Nina Barbie Forteza at David Licauco Matapos Ang Break Up ng JakBie
Sa wakas, nagkita rin sina Barbie Forteza at David Licauco matapos ang dalawang buwang hindi pagkikita. Ang kanilang pagkikita…
Small Laude, hinintay umano ng kanyang ama bago pumanaw: ” After one and a half hours, nag-pass on na siya,”
Socialite and Vlogger Small Laude narrated her final moments with her father, Andres Antonino Eduard, who passed away on January…
Rey PJ Abellana says daughter Carla mad at him over interview about her marital issue with Tom Rodriguez
Rey PJ Abellana speaks up about Carla-Tom marital issue Rey PJ Abellana: “Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e.”…
End of content
No more pages to load