“Just friends” lang daw sila ni Juliana Gomez according kay Andres Muhlach

The Andres Muhlach-Juliana Gomez prom date took place last May 30 at the Bellevue Hotel in Alabang.



Photos: Anna Pingol & Instagram

The Andres Muhlach-Juliana Gomez prom date took place last May 30 at the Bellevue Hotel in Alabang.

Pinik-up nang halos lahat ng showbiz websites ang prom date photos nina Andres Muhlach at Juliana Gomez last May. Si Juliana, na anak ni Richard Gomez at Lucy Torres, ang napili ng poging binata ni Aga Muhlach at Charlene Gonzalez para maging prom night date niya.

Reportedly, tumawag muna si Aga kay Goma (palayaw ni Richard) para ipaalam na his Andres was gonna ask Juliana to be his prom date.

The prom night took place last May 30 sa Bellevue Hotel in Alabang.

Maraming kinilig sa pairing ng dalawa at ang nakadagdag pa sa allure ay kapwa kasi anak ng mga matinee idols sina Andres at Juliana. At kahit hindi naman sila ganoon ka-close before at nae-encounter lang ang isa’t isa sa mga social events kasama ang mga parents nila, ay lumabas na may chemistry sila base sa mga ipinost ni Juliana sa Instagram Story, kung saan lumabas na tila vibes na vibes sila at mukang parehong makulit at kalog.

Sa ambush interview sa mga Muhlach ng mga press covering the 45th MMFF Awards Night last December 27 sa New Frontier Theater, hindi naiwasang mausisa ang Brent International school varsity player tungkol kay Juliana.

Lumevel up na daw ba ang friendship nila ang unica hija ng mga Gomez?

“No, no,” natatawang-naaasiwang sagot ng Ingleserong binata. “We’re just friends.”

Kung sakali naman daw may mag-offer na pagtambalin sila sa anumang proyekto, open naman daw si Andres.

“If the opportunity is there, why not? But we’re just friends.”

Nang balingan naman si Charlene, na nakikinig lang sa tabi ng mga anak, kung ano ang reaksyon nito…

“Ako naman, they’re 18 now…kami ni Aga, may deal kami na hindi kami makikialam sa mga bagay-bagay na yan sa buhay nila and we’re just very supportive.”