Kapamilya loveteams and their first projects together Part 1

Sa debut project ng mga kilalang loveteams unang naipamalas ng mga ito ang kanilang chemistry.



Kadalasan ay meaningful ang first project at isa sa dahilan kung kaya’t nasundan pa ng maraming mga oportunidad para magpakilig ang mga tambalang ito.

Sinu-sino sila?

Let’s find out.

1. Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Unang nakilala ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na KathNiel nang magkatrabaho sila sa teen series na Growing Up noong 2011.

Sa kalagitnaan ng serye ay dumami ang tagahanga ng KathNiel na nagbukas ng mas marami pang proyekto.

Simula noon ay binasagan na ng media ang KathNiel bilang Teen King at Teen Queen, at ngayo’y King and Queen of Hearts na.

Sa kanilang interviews ay ibinahagi ng KathNiel na bago matapos ang show na Growing Up ay nagsimula ng manligaw si Daniel kay Kathryn.

September 2021 ng ipagdiwang ng KathNiel ang ika-sampung taon ng kanilang loveteam, kung saan naglabas sila ng documentary titled KathNiel: Isang Dekada.

2. Liza Soberano and Enrique Gil
Enrique Gil's b-day post for Liza Soberano in January gains traction amid  KathNiel split

Isang cameo role sa 2013 KathNiel movie ang unang pinagsamahan na proyekto nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Dito nagsimulang mapansin ang chemistry ng LizQuen kaya naman nabigyan sila ng lead role sa teleseryeng Forevermore.

Nagsunud-sunod ang proyekto ng LizQuen hindi lang sa TV kundi pati na rin sa big screen.

Kasali na diyan ang Just The Way You Are, Everyday I Love YouDolce Amore, at Bagani.

Taong 2014 nang maging real life couple ang LizQuen, at noong October 2021 lamang ay ipinagdiwang nila ang kanilang 7th anniversary.

3. Belle Mariano and Donny Pangilinan

Nagsimulang umugong ang tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano nang magkaroon sila ng brief scene sa 2020 movie na James & Pat & Dave.

Naging mas maingay ang loveteam ng DonBelle nang gampanan nila ang lead roles sa series na He’s Into Her noong 2021.

Nasundan din ito ng kanilang first movie together titled Love is Color Blind na ipinalabas sa various digital platforms.

Kasalukuyan ay busy ang DonBelle sa taping ng Season 2 ng He’s Into Her.

4. Elisse Joson and McCoy De Leon

Nagsimula ang tambalan nina Elisse Joson at McCoy de Leon nang parehas silang maging housemates sa reality show na Pinoy Big Brother noong 2016.

McLisse headlined their first teleserye project together in 2017 titled The Good Son.

Napanood din sa ibang Kapamilya shows ang McLisse gaya ng Maalaala Mo Kaya, at Magandang Buhay.

Nagkasama sa big screen ang McLisse noong 2019 para sa movie na Sakaling Maging Tayo.

November 2021 nang aminin ng McLisse na mayroon na silang baby girl na si Felize McKenzie.

Tingnan ang mga sweet moments ng mga love teams na nabanggit dito.

Sino ang favorite loveteam niyo?